Reyan's POV
"Tingnan niyo parang tangang ngingiti ngiti hihihi"
"Oo nga eh kanina pa yan nakaharap sa cellphone niya."
Lumingon ako sa kanila. Sino ba namang hindi makakarinig eh kung magchismisan kala mo di ko naririnig.
"Mga sira. Bat niyoko pinag chichismisan?" Tanong ko sa mga kumag.
"Kanina ka pa ngiti ng nhiti dyan eh ano ba yan?" Tanong niya at saka inagaw cp ko. "Hoy Jake, ibalik mo nga yan!" Inis kong sabi. Mabilis din namanh pinasa ng mokong kay miswa saka ngumisi ang dalawa. "Kaya pala. Eh tinitingnan si Alis. Nakuuu" sabi ni miswa. "Lintek na pag ibig~~" kinanta pa nitong litseng Jake.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tamang tama namang nag ring ang bell hudyat na lunch time na. Nauna na kong maglakad papuntang cafeteria at iniwan ang mga gunggung. Pagkadating ko, kita ko ang mga nagkatipon tipong studyante sa cafeteria. Lalagpasan ko na sana nang marinig ko ang pangalan niya.
"Papalag ka!? Anong pinagmamalaki mo? Ka close mo ung 3 Prince's? Ha!? Alis" rinig kong sigaw ng isa sa mga andun. Mabilis akong naglakad sa mga taong nagtitipon tipon at kitang kita ko si Alis na naka upo malapit sa upuang naka tumba. Halatang dito sya na tamaan. Mabilis ang pangyayare at hinawakan nung isa sa mga babaeng clown ang buhok ni Alis ng marahas saka ito inumpog sa corner ng upuang nakatumba.
"TANGINA ANUNG GINAWA MO!?" nangangalaiti kong sigaw saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ng clown dahil sa sobrang kapal ng make up nito. Kala mo naman kinaganda. "A-ano a-ahm. Binangga niya ko kanina eh! Andumi na ng uniporme ko!" Sigaw niya. Binalingan ko naman ng tingin si Alis na nakatulalang nakatingin sa dugo niyo na nasa kamay niya.
Mabilis ko syang nilapitan at kumuha ng panyo saka nilagay sa dumudugo nitong noo. Di pa rin sya umiimik. "Tara na. Dadalhin na kita sa clinic." Sabi ko sa kanya saka sya inalalayang itayo ngunit di ito gumalaw. Patuloy pa din itong nakatitig sa kamay nyang may dugo at unti unting nanginginig ang kamay nito na unti unting nilalapit sa bibig nya saka dinilaan. "Yuck! What the hell are u doing!?" Komento ng kasama ni clown. Pinilit ko ulit syang itayo ngunit di pa din natitinag.
Bigla itong umangat ng tingin saka bumaling sa clown na bumugbog sa kanya. Tinabig niya ako saka tumayo at diridiritsong naglakad papunta kay clown. Sa bilis ng pangyayare, sinuntok niya ito sa panga at nahimatay ang clown ngunit di oa dun nagtapos. Sinakyan niya ang babaeng bumugbog sa kanya at walang tigil na pinagsusuntok ang mukha nito. Hinila ko ng buong pwersa si Alis at niyakap ng mahigpit. Pilit itong nagpupumiglas at aaminin kong ang lakas nito ay di karaniwang para sa isang babae. Anlakas niya at unting ano ay maari syang makatakas sakin.
"Anong tinutunganga niyo dyan!? Kunin niyo yang nakahilata at dalhin niyo sa clinic!!! " sigaw ko sa kanila at mabilis nilang binitbit ang puno ng dugong clown. Masama pa din ang titig ni Alis kahit na dinadala na nila si clown palabas ng cafeteria. "Alis. Huminahon ka" saad ko sa kaniya. Tiningnan ko ang mata nito at nagulat ako ng hindi normal ang kulay ng mata nito. Tila dugo na bumalot sa mata nito. Pulang pula.
Yakap yakap ko pa din si Alis hanggang sa naramdaman kong nanghina ito't nawalan ng malay. Mabilis ko syang binuhat saka inilabas ng Cafeteria at dinala aa clinic. Mabilis din syang inasikaso ng nurse doon. Nais ko pa sanang hintaying magising sya ngunit pinalabas na ako ng nurse. Kinuha na lng nito ang no. Ko at tatawagan daw ako pag gising na ang pasyente.
I'm still wondering and shock for what I witnessed earlier. She's different from Alis I knew to what I saw. There's something on her.
YOU ARE READING
The Three Bullies And Me
Roman pour AdolescentsA story between love and friendship. Would you rather choose your love? Or to keep your friendship? Would Alis will choose the one she loved or the one who loved in her? Or worst, more than 1 lover.