• Explosion •

341 18 19
                                    

                                                        • • • • • • 

Tanaw na ni Morgan II ang mundo ng mga mortal. Nasasabik na itong makita ang lugar sa kanyang panaginip. Hindi na siya makapaghintay na masilayan ang sa tingin niya ay magandang mundo. At hindi niya namamalayan na may asteroid na papalapit at tatama ito sa CUP777 na kanyang sinasakyan.

"REGNAD! REGNAD! ETAUCAVE!"

Narinig ni Morgan II na nagsalita ang CUP777. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa taranta ay pinindot nito ang itim na button at biglang bumukas ang salamin na nakatakip sa ibabaw ng CUP777. Unti-unti siyang lumulutang paitaas, nawawala ang gravity sa loob ng space shuttle na sinasakyan niya. Pinilit ni Morgan II na abutin ang itim na button para maisarado ang salaming bumukas pero hindi na niya abot.

Pumikit si Morgan II at inaalala ang masasayang sandali na kasama ang magulang. "Yxesamam.. Ohcamapap.. nagnulut oyin op oka." Sabi nito sa kanyang sarili.

Hanggang sa lumabas na ang isang paa ni Morgan II sa kalawakan at unti-unting natutunaw ang kanyang paa. Nagsisisigaw na siya ngunit parang papel na napupunit ang bibig niya sa tuwing sumisigaw siya. Kaya sinarado na lang nito ang kanyang bibig.

Ilang sandali na lang ay bubunggo na ang asteroid sa CUP777, umilaw na rin ang pulang ilaw na emergency light ng CUP777. Ibig sabihin ay nalalagay sa panganib ang space shuttle. Kailangang iiwas ni Morgan II ang sasakyan sa paparating na asteroid dahil kung hindi ay sasabog ito sa kalawakan.

Wala ng maisip na paraan si Morgan II kundi putulin ang paang unti-unting natutunaw. "Hhhaaa!!" Sigaw nito. At nang maputol na nito ang paa, ginamit niya ito para ipangpindot sa itim na button na magsasara ng salamin na bumukas. "Itnok an gnal.. ayak om nayi Morgan II. Hhaaa!!" Pag-uudyok niya sa sarili. Kailangan niyang pilitin na mapindot ang itim na button dahil kung hindi, matutunaw ang buong katawan nito.

Dahil sa nabablanko na ang isipan nito. Inihagis ni Morgan II ang pinutol na paa sa itim na button at sakto namang tumama ang paa sa itim na button. Muling nagsara ang salamin sa ibabaw ng CUP777. Ang problema na lang niya ngayon ay kung paano niya mailalagaan ang asteroid na paparating at tatama sa space shuttle na sinasakyan niya.

"Naas ab otid!! Idnih ok mala gnuk onaap nitimag gnoti CUP777!"

Natataranta na naman si Morgan II, hindi kasi siya marunong mag-operate ng CUP777. Hahayaan na lang yata ni Morgan II na tumama ang asteroid sa CUP777. Hanggang sa maaalala niya ang sabi ng Lordien. Pindutin mo lang ang puting button kung gusto mong makarating agad sa mundo ng mga mortal. Nag-isip muna ito kung gagawin nga niya ang sinabi ng Lordien. At napagdesisyunan niya na pindutin ang puting button. NAHABAKANIK OKA! ALAHAB AN! Sabi nito sa sarili.

Pumikit siya at pinindot na nito ang puting button, subalit lalo lang lumakas at bumilis ang pag-ikot ng pulang ilaw ng CUP777. "TIKAB GNALAW IRAYGNAN!!" Sigaw nito at nanggigigil na pinagpipindot ang puting button.

Isang mensahe na parang video call kung tawagin sa mundo ng mga mortal ang lumitaw sa harapan ni Morgan II. "Tron--" mahinang sabi ni Morgan II na may halong pagtataka at pangamba.

"Morgan II.. ayasam oka lihad paggnanit om gna watanip gnok asurap oyas. Oka ya kalagagan lihad oyas. Anas ya yojne-ne gan ak gnoyi yabkalalgap."

"Okolin om oka, Lordien! Gnalnilin om oka! Gna amas-amas om Tron207i!"

"Gnawawak Morgan II. Kakaka!!"

Pagkatapos tumawa at kutyain ng Lordien si Morgan II. Kinuyom niya ang kamay at nasipa nito ang ilalim na bahagi ng CUP777 kung saan naroon ang mga wires ng mga button. Nagsipagkislapan ang mga wires dahil sa pagsipa ni Morgan II. Sinubukan nitong pindutin ang asul na button para makapagtago sa Gapap kaso hindi na ito gumagana. Ang lahat ng button na nakikita ay wala ng silbi. Hanggang sa umusok na ang loob ng CUP777. Kapag nagpatuloy ang usok, aapoy ang space shuttle at sasabog ito sa kalawakan.

Napaupo na lang sa sulok si Morgan II. Wala na siyang maisip na paraan, nawawalan na rin ng pag-asa ang alien. Iniyuko nito ang kanyang ulo at niyakap ang tuhod. Tatama na ang asteroid na tuluyang magpapasabog sa CUP777. Ilang oras na lang ang hinihintay, bubunggo na ang malaking batong papalapit sa space shuttle na sinasakyan niya. Pero bago pa man tumama ang asteroid sa CUP777 mahinang binanggit ni Morgan II ang pangalan ng kanyang magulang, "Yxesamam.. Ohcamapap.."

Pagkatapos, bumunggo na ang asteroid sa CUP777 at agad na sumabog ang space shuttle na sinasakyan ni Morgan II. Nagpira-piraso ito at kumalat sa kalawakan ang bawat parte ng CUP777.

                                                        • • • • • • 

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon