• Coincidental •

150 10 0
                                    

Hinanap nila Bagwis at Mayumi si Qwimi. Hinalughog na nila sa kanilang bahay ang alien subalit hindi nila ito makita. Pati si mommy Lorice ay tumulong na rin sa paghahanap. Pinagtanong na rin ni mommy Lorice sa mga kaibigan at kapitbahay, subalit hindi nila napansin si Qwimi.

"Kuya.. nasaan na po si Qwimi." Malungkot na tanong ni Mayumi.

Hinawakan niya ni Bagwis ang kapatid sa balikat at ngumiti, "Huwag kang mag-alala Mayumi. Mahahanap natin si Qwimi." Sambit nito.

"Sana nga kuya.."

"Ano ba Mayumi.. cheer up! Smile! Magbabagong taon, parang biyernes santo ang mukha mo." Pang-aasar ni Bagwis sa kapatid.

"Kuya naman eh.. nang-aasar pa." Pagmamaktol nito.

Habang inaasar ni Bagwis ang dumating. Dumating na sa kanilang bahay si mommy Lorice. "Nakita niyo na ba ang kaibigan niyo?" tanong nito sa mga anak.

Yumuko si Mayumi at sumimangot naman si Bagwis, bilang sagot sa kanilang ina. "Alam niyo.. 'yung tinatayo-tayo niyo diyan. Hanapin niyo kaya--" naputol ang sasabihin ni mommy Lorice ng may matanaw itong kumikislap sa likuran ng repair shop.

"Mommy bakit po? Ano pong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Bagwis.

"Sa tingin ko naroon si Qwimi." Sagot nito sa anak.

Pinuntahan nila Bagwis at Mayumi ang likurang bahagi ng repair shop. Sa unang tingin ay parang fireworks lang ang ilaw na naaninang mula sa malayo. Hindi sumama si mommy Lorice dahil nag-aasikaso pa ito ng pang media noche nilang mag-anak. Kaya hinayaan na niya ang dalawang anak na maghanap sa kaibigan nito.

Maunawain si mommy Lorice, minsan nagagalit pero hindi niya kailanman nasaktan o dinampi ang kamay sa mukha at kahit saang parte ng katawan ng mga anak. Nang makarating sa likurang bahagi ng repair shop sila Bagwis at Mayumi. Isang kahanga-hangang pangyayari ang kanilang nakita.

"Yxesamam.. kibasasan an op gnoka iwu-akam. Idnih an oka yatnihgapakam an kilabakam as Nono Kuro."

"Morgan II.. iksam imak kibasasan an gnoyi kilababgap. Tagnii-gam ak as gnoyi yabkalalgap."

"Yxesamam.."

"Morgan II.. gawuh ak gn tokgnulam."

Kausap ni Qwimi ang kanyang ina sa monitor ng space shuttle na sasakyan niya pabalik sa Nono Kuro. Iyak na ng iyak ng mga oras na 'yon si Mayumi.

"Kuya.. iiwan na talaga tayo ni Qwimi.. uuwi na talaga siya.." naiiyak na sabi ni Mayumi sa kanyang kuya habang nakayakap ito.

"Mayumi.." matipid na sagot ni Bagwis.

Maski siya ay naiyak na rin. Kahit hindi nila naiintindihan ang pinag-uusapan ni Qwimi at nang ina nito. Nararamdaman nila na nasasabik na ang alien na makabalik sa kanilang planeta at mahagkan ang mga magulang nito.

"Yxesamam.. naasan is Ochamapap? Tikab alaw ayis as ibat om?" malungkot na tanong ni Qwimi sa kanyang ina.

"Morgan II.. Ochamapap om ya yam tikas. Alumis gn silamu ak, gnigan nimadmaram gna Ochamapap om. Otsug om ab ayis atikam kana?" tanong ni Yxesamam sa kanyang anak.

Inilipat ni Yxesamam ang anggulo ng kanilang camera sa Nono Kuro. Nakita ni Qwimi ang nakaratay na ama. Napaupo ito sa lupa nang makita ang ama.

"Ochamapap.. atsumak op oyak? Ona op iraygnan as oyni? Tikab anihgnan oyak gn naynag.."

"Morgan II.. idnih an atilasgapakakan gna Ochamapap om."

Si Yxesamam na ang sumagot sa tanong ni Qwimi sa ama. Nadepress ito nang mawalay ang nag-iisa nilang anak. Naalala ni Yxesamam ang gabi-gabi nilang paghahanap sa kanilang anak at ikinuwento niya ito kay Qwimi.

Kung may luha lang ang mga Ochamions at Yxesians. Sigurado, baha na sa Nono Kuro dahil sa gabi-gabing pag-iyak ng magulang ni Morgan II. Tanging si Yxesamam lang ang naging matatag sa kanilang mag-asawa. Dahil kung parehas silang magkakasakit, walang mag-aalaga sa kanila at tuluyan na silang mawawala.

"Mayumi.. iwanan muna natin si Qwimi." Pagyayaya ni Bagwis sa kapatid.

"Ayoko po kuya. Dito lang po ako. Babantayan ko si Qwimi."

"Akala ko ba ayaw mong makita ang pag-alis ni Qwimi?" malungkot na tanong ni Bagwis.

"Kuya naman eh.. kailangan ba talagang ipapaalala 'yan? Nasasaktan na nga po ako sa nakikita ko eh." Sagot ni Mayumi kasabay ng pagtanggal niya ng yakap sa kapatid.

"Ohh bakit inalis mo ang kamay mo sa bewang ko? Galit ka ba sa akin?"

"Nakakainis ka kasi kuya. Oo, sinabi kong hindi ko kakayanin kapag umalis si Qwimi. Pero hindi ko sinabi na hindi ako magpapaalam sa kanya. Nasabi ko lang 'yun dahil--"

"Dahil ano?"

"Dahil.. AYOKONG UMALIS SI QWIMI SA ATIN! AYOKONG UMALIS SIYA.. KUYA! AYOKO PO!!"

Napatingin si Qwimi sa kanyang likuran. 'Mayome?' usal nito. "Muntik pa tayong makita ni Qwimi. Baka mamaya, matakot ang magulang niya sa atin kapag nakita tayo." Mahinang panininermon ni Bagwis sa kapatid.

Pagkatapos marinig ang sermon ng kanyang kuya, umupo at nag-iiyak na lang si Mayumi sa gilid ng shop.

"Yxesamam.. ayamam an gnal op tilu. Yam nipasuakak gnal op oka. Otsug ok op malaapgam as agm latrom an agala-gan as nika. As gnika nagibiak.."

"Iges kana. Atsab iwuu ak, nagnaliak ak niman otid. Akab ayamam oka naman gna tikasakgam gapak idnih ak iwumu. Okagnapi om Morgan II, iwuu ak."

Hindi nakasagot si Qwimi sa sinabi ng kanyang ina. Gusto ni Yxesamam na mangako ito na uuwi siya, dahil kung hindi baka siya naman ang magkasakit. Hanggang sa tango lang ang naisagot ni Qwimi sa ina at pinatay na nito ang monitor sa ng space shuttle na kanyang gagamitin pabalik sa Nono Kuro Planet. Mababanaag sa mukha ng alien ang kalungkutan at pagkalito. Ang kanina'y nasasabik na makabalik sa kanilang planeta, ngayo'y nababahala.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon