• Secret •

159 11 2
                                    

                                                        • • • • • •

Buhat-buhat ni Qwimi ang walang malay na si Bagwis pabalik ng repair shop. At sa kalsada'y nakatayo naman si Mayumi at hinihintay ang pagbabalik ng kanyang kuya na kasama si Qwimi. Nasorpresa siya ng makita na buhat ng alien ang kapatid niya.

"KUYAAA!!!" Sigaw ni Mayumi habang tumatakbo para salubungin ang kaibigan. "Anong nangyari sa kuya ko Qwimi." Tanong nito.

Walang expression sa mukha ng alien at hindi nito naintindihan ang sinabi ng kaibigan. Hinawakan ni Mayumi ang kamay ni Qwimi at inalalayan niya ito papasok sa loob ng bakuran at dumiretso sila sa loob ng repair shop.

Isinenyas na lang ni Mayumi na ibaba ang kapatid ng dahan-dahan, subalit binitawan lang ni Qwimi ang walang malay na katawan ni Bagwis. "Sabi ko ng dahan-dahan lang eh!" Sigaw ni Mayumi.

Pero hindi sumagot si Qwimi sa sinabi niya. Pagtingin niya sa alien, kinakain nito ang jellyace na binigay ni Bagwis. Jellyace lang talaga ang kinakain nito simula ng mapadpad sa mundo nila. Halos maubos na ang lahat ng jellyace na tinda sa mga supermarket dahil sa lakas kumain ng alien.

"Mayumi, alaka ok idnih an atik atikikam. Likabab an anas oka as odnum niman."

Hindi pinansin ni Mayumi ang sinabi ng alien sa kanya, dahil sa hindi niya rin ito maintindihan. Nakatuon lang ang tingin niya sa kapatid at patuloy niya itong ginigising.

Alas singko ng hapon, dumating ang ina ng magkapatid at kinatok sila sa repair shop. "Bagwis! Mayumi! Nariyan ba kayo sa loob?" tanong ng kanilang ina. Subalit hindi ito naririnig ni Mayumi, dahil nasa sikretong kwarto sila ng mga oras na 'yon.

Hindi nakasarado ang kandado ng pintuan ng repair shop kaya dumiretso na ang ina papasok sa loob para tignan ang mga anak kung nasa loob na nga ng bahay. "Bagwis.. Mayumi.." pagtatawag nito.

Nakarinig ng kakaibang ingay ang mommy nila Bagwis at nakita nito ang makukulay na lumalabas sa dingding, hindi naisarado mabuti ni Mayumi ang sikretong pintuan papasok sa sikretong kwarto.

Dahan-dahan itong humakbang palapit sa dingding habang nakahawak sa kanyang dibdib. Kinakabahan ito ng sandaling 'yon.

"MOMMY?!"

Nagulat ang ina nila Bagwis at napalingon ito sa tumawag sa kanya ng mommy. Pagtingin niya sa kanyang likuran, nakita niya si Mayumi na may dalang bimpo.

"Mayumi! Ginulat mo naman ako! Kanina ko pa kayo hinahanap ng kuya mo. Bakit hindi kayo sumasagot?" tanong nito sa anak. "Saka para saan 'yang bimpo na hawak mo?" dagdag nito at kinuha ang hawak na bimpo ni Mayumi.

"Ahh.. ehh.. nakita ko po kayong pumasok dito mommy. Kaya po nandito ako, para sunduin po kayo." Sagot nito.

Napataas naman ng kilay ang ina sa isinagot ng kanyang anak. Parang may itinatago ito sa kanya. Titingin na sana ulit siya sa nakauwang na dingding nang higitin siya ng kanyang anak.

"Mommy tara na po. Umuwi na tayo sa bahay. May sakit po 'ata si kuya. Nasa kwarto niya po."

"ANO? ANG KUYA BAGWIS MO NAGKASAKIT? HIMALA!" Sarkastikong sabi ng mommy nito.

Dali-dali tinungo ng ina ang anak sa kwarto nito sa kanilang bahay. Nagpaiwan naman si Mayumi sa repair shop para isarado ng maayos ang pintuan ng sikretong kwarto ng shop.

Pagsarado nito ng dingding na nakauwang. Narinig niyang nagsisisigaw ang kanyang ina. 'QWIMI!' Usal ni Mayumi.

Nasa kwarto rin ng kanyang kuya Bagwis ang alien. Nakalimutan niyang itago muna ito para hindi makita ng ina. Subalit nangyari na ang hindi dapat mangyari. Agad na tumakbo pabalik ng bahay si Mayumi para tignan kung ano na ang nangyayari sa kwarto ng kanyang kuya Bagwis.

Nang makarating sa kwarto, nakita niyang pinagpapapalo ng kanyang mommy ang alien na si Qwimi. "Mommy! Huwag po.. tama na po.." pagpipigil ni Mayumi sa kanyang mommy habang nakayakap sa bewang nito.

"ANAK! BAKIT MAY ALIEN DITO!!" Sigaw ng ina. "SAKA TIGNAN MO ANAK! KINAGAT NIYA ANG KAMAY NG KUYA MO!" Dagdag nito.

"Mommy.. huminahon po muna kayo.. saka hindi po magagawa ni Qwimi na kagatin si kuya Bagwis. Sa tingin ko po ay nasugatan si kuya no'ng hanapin niya ang kaibigan ko. Saka ipapaliwanag ko po sa inyo mommy kung bakit may alien dito sa bahay natin." Sagot ni Mayumi sa ina. Napalunok ang kanyang ina sa isinagot niya. Bakas sa mukha ng bata at kanyang ina ang pagkabahala, ngayong alam nito ang sikreto ng kanyang mga anak.

"MA-YU-MI.." natatakot na sabi ni Qwimi.

"Huwag kang matakot Qwimi.. mabait si mommy." Nakangiting sagot nito sa alien.

Hindi man sila magkaintindihan, magkaiba man ang kanilang mga lengguahe at pinagmulan. Isa lang ang sa kanila'y sigurado, parehas silang masaya kapag magkasama silang dalawa. Hindi makapapayag ang isa kapag may nanakit o nang-api rito. Handa nilang ipagtanggol ang isa't-isa pati ang mga mahal nila sa buhay.

Nang huminahon na ang ina nila Bagwis. Ipinaliwanag at ikinuwento na ni Mayumi kung bakit mayroong alien sa kanilang bahay. At kung bakit kailangan niyang isekreto sa ina ang kakaiba niyang kaibigan. Kumuha ng bangko si Mayumi para paupuin ang ina at inilipat naman nito si Qwimi sa kaliwang bahagi ng kama ni Bagwis. Nanginginig sa takot ang katawan ng alien dahil sa natamo nitong hampas at malalakas na sigaw mula sa mommy nila Mayumi.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon