• Meteor •

232 16 13
                                    

                                                        • • • • • •

                                                   Bagwis' POV

Ang sakit malaman at marinig na ikakasal na ang babaeng hinintay ko ng sobrang tagal. Ang babaeng dati ko pang mahal. Hindi ako nakipagrelasyon sa kahit sinong babae, dahil gusto si Tala lang ang una't huli kong mamamahalin!

Kulang na lang ay ipukpok ko sa ulo ko ang mga tools na ginagamit ko sa repair shop ng mga sandaling 'yon. Nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya. Dapat hindi na lang niya sinabi na mahal niya ako.

Naiyak na ako habang iniisip na ikakasal na si Tala ngunit binabagabag ako ng isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya. Gusto kong itanong kung nakasakay na ba siya, pauwi sa kanila. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Binalibag ko ang cellphone ko sa bakuran ng bahay namin. Wala akong planong basagin o sirain ang cellphone ko. Gusto ko lang ibato, para mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko.

"Kuya.. okay ka lang po ba?" tanong sakin ng makulit kong kapatid.

"Bakit nandito ka? Umuwi ka na sa bahay Mayumi!"

Sa inis ko, nasigawan ko ang kapatid ko. Pero hindi siya natakot bagkus lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Kuya Bagwis.. ano po ba ang sinabi sa'yo ni ate Tala?" tanong niya sa akin habang nakayakap sa braso ko.

"Wala!" Sigaw ko.

"Wala kuya? Pero kung makapag-emote ka d'yan parang pinapabuhat sa'yo ang mundo." Sarkastikong sagot ng kapatid ko. "Gusto mo po tulungan kitang buhatin? Malakas ako kuya.. kaya kong buhatin ng isang kamay ang earth!" dagdag nito at umakting pa na animo'y buhat niya talaga ang mundo.

"Hahahaha!"

Napahalakhak ako dahil sa sinabing 'yon ng kapatid ko. Palibhasa kasi, close kami at hindi siya natatakot sa akin kahit pinapagalitan at nasisigawan ko na siya. Madalas pa nga si Mayumi pa ang nambubully sa akin. Kawawa kaya ako lagi sa kanya.

"Kuya.. tingala ka po sa langit.."

Nagulat naman ako ng sabihin ni Mayumi na tumingala ako. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit basta ginawa ko na lang ang sinabi ng kapatid ko. Baka mamaya may masabi na naman ang makulit kong kapatid.

Nanlaki ang mata at napanganga ako ng makakita ako ng batong umaapoy. 'Ang Ganda' usal ko sa isipan ko.

"Kuya.. kuya.. 'yung laway mo po tumulo." Seryosong sabi sa akin ng kapatid ko.

Ako naman uto-uto, nagpunas naman ako ng baba. Wala naman.. ibinaba ko ang tingin ko at nakita kong nakangiti si Mayumi, kita gilagid, kita rin ang bagang dahil sa sobrang laki ng ngiti.

Kukurutin ko sana ang dalawang pisngi niya. Nakakagigil talaga si Mayumi. At nang mapansin niyang gagawin ko 'yon, nagreact na agad ang kapatid ko. "Kuya, magwish na po tayo. Alam ko kukurutin mo ako sa pisngi eh." Sabi nito, sabay ipinikit ang dalawang mata.

Ilang segundo lang ay nawala na ang bulalakaw sa kalangitan. Mabuti na lang at nakapagwish din ako.

"Kuya, ano pong winish mo?" tanong sakin ng kapatid ko habang nagpapadyak ng paa.

"Wala.. hindi naman ako naniniwala sa mga bulalakaw." Pagsisinungaling ko kay Mayumi. "Bakit ikaw? Ano ba winish mo?" dagdag ko.

"Buhatin mo po muna ako."

"Owkay.. mahal na prinsesa Mayumi.."

"Very good alipin!"

'Sumusobra na talaga 'tong kapatid ko. Bibigyan ko na ito ng sample' bulong ko sa isipan ko.

Inilagay ko ang mahal na prinsesa Mayumi sa aking balikat. Bilang kahilingan niya. "Ano ba ang winish ng prinsesa? Uhmmpp!!" Pagtatanong ko na at ginaya si Bossing sa enteng kabisote.

"Anong oras na po ba?"

"Ano?! Oras ang winish mo?" gulat na tanong ko sa kanya.

Humawak sa leeg ko si Mayumi at itinapat ang mukha niya sa akin. Naduling ako sa ginawa niya.

"Ang O.A mo kuya Bagwis. Hindi 'yon ang wish ko."

"Eh ano?"

"Winish ko na.. sana.. magkatuluyan po kayo ni ate Tala. Kasi narinig ko po ang usapan niyo kanina. Sorry po kuya ah." Sabay yakap ng kapatid ko sa leeg ko. "Saka narinig ko na mahal niyo po ang isa't-isa, kaya lang.. ikakasal na si ate Tala." Dagdag nito. Bakit kanina tinatanong niya kung ano ang sinabi ni Tala. Marunong ng magkunwari ang kapatid ko.

Pagkatapos nitong magsalita, naramdaman ko na dumantay na siya sa balikat ko. Ramdam ko ang lungkot ng bawat salita at letrang lumalabas sa bibig ng kapatid ko. Akala ko ang wish niya ay para sa kanyang sarili. Nasorpresa ako ng marinig ko sa bibig niya na para pala sa akin ang wish niya at para kay Tala.

Tumingin ako sa mukha ng kapatid ko, inaantok na siya. "Antok ka na ba Mayumi? Gusto mo na bang matulog?" tanong ko sa kanya. Pero iba ang isinagot niya sa akin.

"Gusto ko ng robot. Gusto ko ng robot." Paulit-ulit na sabi ng kapatid ko.

Sa tuwing bago siya matulog, lagi niyang binabanggit na gusto niya ng robot. Kung marunong lang ako gumawa ng robot, ginawan ko na ang kapatid ko. Sayang nga lang at mga sirang gamit lang ang kaya kong ayusin at kumpunihin.

Madalas din niyang idrawing ang robot na napapanaginipan niya. Tapos iisa lang ang itsura ng robot na nakadikit sa dingding ng kwarto niya.

Umaasa ang kapatid ko na, isang araw. Magkakaroon siya ng kalaro at kaibigang robot. Bukod sa akin. Dahil kapag nakapag-asawa na ako, mababawasan na ang oras ko sa kanya. Kaya hangga't maaga pa, pinapaalalahanan na niya ako.

YES! Si Mayumi ang nagpapaalala sa akin lagi na dapat ay mag-asawa na ako dahil gusto na niyang maging flower girl sa kasal. Kaya sumasakay na lang ako sa mga pagpapaalala ng kapatid ko sa akin.

Ipinasok ko na muna ang kapatid ko sa loob ng repair shop. May malaki ngunit sikretong tulugan kasi ang repair shop namin. Kahit si mommy ay hindi alam ang sikretong kwarto ng repair shop.

Nang maihiga ko na si Mayumi. Lumabas ulit ako ng repair shop at kinuha ang cellphone ko na nasa bakuran. Tinignan ko ang oras sa cellphone, 'seven-fifty nine, isang minuto na lang pala at alas otso na' sabi ko sa aking isip. Kaya pala nakatulog na si Mayumi, dahil mag-aalas otso na.

Naglalakad na ako pabalik sa repair shop nang bigla akong makarinig ng malakas na pagsabog. Dali-dali kong kinuha ang stainless na hagdaan at umakyat ako sa bubong ng repair shop. Kitang-kita ko ang makapal na usok na nanggagaling sa di kalayuan sa bahay namin. 'Sa Park yata iyon ah' bulong ko.

"Kuya.. ano pong ginagawa mo d'yan?"

Nagulat na naman ako sa biglaang pagsulpot ng kapatid ko. Akala ko tulog na siya. 'Tinalo pa niya ang mga kabute na nagsusulputan tuwing tag-ulan' usal ko sa isip ko.

"Pwede ba ako umakyat ku--"

"Dedededede.." pagpipigil ko sa kanya.

"Bakit po?" tanong niya.

"Kasi.. baka malaglag ka."

"Strong at big girl na po ako kuya."

'Nakakadugo naman ang english ng kapatid ko. Saka ang bilis niyang natuto sa pagsasalita ng english ah' bulong ko.

Bumaba na ako sa hagdan at kinarga ko agad ang palatanong, madaldal, makulit at ngayon mukhang magiging inglesera kong kapatid pauwi ng bahay.

"Mayumi.. huwag mo sasabihin kay mama ang tung--"

"Ang alin Bagwis?"

Natahimik at napapikit ako ng marinig ko ang boses ni mommy. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko. "Aaahhh!! Aaahhh!!" Sabay naming sigaw ng kapatid ko.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon