• Stupid •

136 9 4
                                    

                                                        • • • • • •

"Hahahaha! Ganun pala ang nangyari kuya. Kaya pala jellyace lang ang kinakain ni Qwimi." Natatawang reaksyon ni Mayumi sa ikinuwento ni Bagwis.

"Mayome.. gosuban oka. Gna gnimad ecayllej!" Masayang sabi ni Qwimi habang nasa hagdanan.

Nagtawanan sila mommy Lorice, Bagwis at Mayumi sa sinabing 'yon ng alien. Kahit hindi naiintindihan ni mommy Lorice at Bagwis ang sinabi ni Qwimi, ipinaliwanag naman ni Mayumi kung ano 'yon.

"Mayumi.. paano mo nalaman kung ano 'yung sinasabi ni Qwimi?" tanong ni Bagwis.

"Simple lang po kuya. Naghanap po ako ng application sa playstore." Mabilis na tugon ni Mayumi.

"Anong application 'yon?" tanong ulit ni Bagwis.

"Bakit interesado ka kuya?" tanong din ni Mayumi.

"Bakit masama ba? Gusto ko lang din ma download at magamit. Baka mamaya minumura na pala ako ni Qwimi, hindi ko pa alam. Hahahaha!" Natatawang sagot ni Bagwis sa kapatid.

"Naku 'wag na kuya. Saka nakita ko puno na ang memory mo at wala ng space. Mataas pa naman ang MB ng application na ginagamit ko." Nakangising sagot ni Mayumi.

"Sabihin mo madamot ka lang talaga."

"Ako pa madamot kuya ah?"

"Totoo naman.."

"Weh? Eh bakit tinatago mo ang chocolates sa repair shop? Sabi mo kanina baka ubusin ko 'yon. Kaya tinatago mo. Oh sino ngayon ang madamot?"

Nagkakainitan na ang magkapatid at baka magkasumbatan pa. Kaya pumagitna na ang kanilang mommy sa usapan. "Tama na 'yan Bagwis at Mayumi. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan niyo." Sambit ni mommy Lorice habang kumakain din ng jellyace.

10:45 in the evening, dumating ang mga pinsan at ibang kamag-anak nila mommy Lorice sa kanilang bahay para sa kanila magbagong taon. Napapadalas din ang pagbisita ng mga ito simula ng malaman nila na may alien sa kanilang bahay.

Wala naman naging problema sa kanila, tanggap nila si Qwimi. Nakikipaglaro pa nga sila sa alien at enjoy na enjoy sila kapag pinapasayaw nila ito at pinapakanta ng gwiyomi. 10:50pm, napagtripan ng pinsan nila Bagwis at Mayumi si Qwimi. Pinatugtog ni Nilo ang gwiyomi at pasimple niya itong vinideohan. Kahit na ibinilin na huwag na huwag vivideohan si Qwimi, kahit picture ay 'wag gagawin. Pero dahil sa pilyo ang kanilang pinsan. Nagawa nitong mairecord ang pagsayaw ni Qwimi. 11:00pm inupload niya sa kanyang facebook account ang pagsayaw ng gwiyomi ng alien.

Wala pang limang minuto na 'yong inaupload, nagtrending agad at nagkaroon ng 10,000 views and 3,000 shares. Umani rin ito ng mga comments, maraming hindi naniniwala at sinasabi na baka nakacostume lang ang nasa video. Marami din ang nagkainteres.

"Kuya.. tignan mo oh.." pambibiting sabi ni Mayumi.

"Ano 'yun?" tanong ni Bagwis.

Naglakad sila palayo sa sala at dumiretso sila sa kusina. Pagkarating sa kusina, inabot ni Mayumi ang cellphone sa kanyang kuya. "Tignan mo kuya.. puro si Qwimi ang nasa newsfeed ko. Kahit sa twitter, no.1 trending siya." Nababahalang sabi ni Mayumi.

Tinignan ni Bagwis ang mga pinsan at pamangkin na nasa sala. Hinahanap niya ang taong nag-upload ng video. Dahil hindi maaring mapanood ng mga tao all over the world ang pagsayaw ni Qwimi ng gwiyomi kung walang magrerecord nito.

"Mommy.." yumakap si Mayumi sa kanyang ina at nagsimula itong umiyak. "Bakit anak?" tanong nito.

Umiling lang siya habang nakayakap sa ina. Tumingin siya sa panganay na anak at nakita nito ang nanlilisik na mata ni Bagwis. Sa isip ni mommy Lorice ay may probema. Kaya kinausap na niya agad ito.

"Bagwis.. may problema ba?" tanong nito sa anak.

Hindi sumagot si Bagwis, bagkus ibinigay niya ang cellphone ni Mayumi at pinakita ang nagkalat na video ni Qwimi sa social networking sites. "OMG!! Sinong nag-upload ng video!!!" Bumuwalas sa bibig ni mommy Lorice ang napakalakas na sigaw na may halong inis.

Nagsitinginan ang mga bisita nila sa kanya. Ang iba ay tumungo sa kusina at naki-usisa kung ano ang nangyari. Tanging si Nilo lamang ang hindi tumayo sa at enjoy na enjoy sa pagkuha ng video kay Qwimi. Napansin ni Bagwis ang ginagawa ng kanyang pinsan na si Nilo.

"HOY NILO!" Sita nito sa pinsan na nakaupo sa sofa. "Qwimi, doon ka muna sa hagdan!" Sigaw nito at itinuro ang hagdan kaya naintindihan ng alien ang kanyang sinabi.

"Ano 'yun bro?" tanong ni Nilo sa pinsan. Bisexual si Nilo at maraming followers sa facebook. Mahilig ito magpapansin sa kanyang mga friends. Kahit anong picture at video at inuupload nito. Kahit walang kwenta ay inuupload niya. Sa pagkakataong 'yon. Nakapagrecord siya ng kakaibang nilalang at talaga namang nagtrending worldwide in just 15 minutes. Minsan nasasabihan siyang famewhore dahil sa ugaling papansin.

Walang sabi-sabi, sinuntok ni Bagwis ang pinsan na ni Nilo at natumba ito sa sahig. Nanlaki ang mata ni Nilo sa ginawa ng kanyang pinsan. Hindi siya makapaniwalang sasaktan siya nito, gayong hindi nito sinasabi kung ano ang dahilan kung bakit siya bigla na lamang sinuntok.

"A-ano bang problema mo!" Malamyang sigaw ni Nilo.

Hinatak ni Bagwis ang kwelyo ng damit ni Nilo at itinayo 'to. "ANONG PROBLEMA KO! GUSTO MONG MALAMAN KUNG ANO ANG PROBLEMA KO!!" Nanggigigil na sigaw ni Bagwis sa mukha ni Nilo.

Inawat ni mommy Lorice ang anak at humingi siya ng tulong sa kanilang mga bisitang kamag-anak. "HUWAG KAYONG MANGINGIALAM!" Sigaw ni Bagwis sa mga kamag-anak na umaawat sa kanya.

"Tita.. awatin niyo 'tong baliw na 'to!" Nagmamakaawang sabi ni Nilo.

"Hoy! Hindi baliw ang anak ko!" Sigaw ni mommy Lorice. "Ikaw bakla ka! Pinatuloy kita dito sa bahay namin para magcelebrate ng bagong taon! 'Yun pala may pinaplano ka! Pinaalala naman namin sa'yo ng ilang beses na huwag magrerecord ng video!" Nanggigigil na sambit ni mommy Lorice.

Sinuntok ulit ni Bagwis ang mukha ni Nilo. Dahilan para dumugo ang ilong nito. "G*GO! HANGAL KANG BAKLA KA!!" Hindi na napigilan ni Bagwis ang sarili at tuluyan ng lumabas sa bibig nito ang mga salitang hindi kailanman niya narinig sa kanyang mommy.

Binitawan ni Bagwis si Nilo at inihagis niya ito, dahilan para mahandusay sa sahig. "LUMABAS KA NA! DAHIL KUNG HINDI SISIPAIN KITA PALABAS NG BAKURAN NG BAHAY NAMIN!" Nagngingitngit sa galit na sigaw nito.

"Bugsiw.." mahinang tawag ni Qwimi sa kanya.

"HUWAG KANG LALAPIT DITO QWIMI! DOON KA LANG SA HAGDANAN!" Bulyaw nito.

"Oo.." sagot nito.

Nagulat ang mga kamag-anak nila mommy Lorice ng sumagot ang alien sa sinabi ng anak nito. Hindi nila alam na madalas ay 'oo' ang sagot ni Qwimi sa mga sinasabi nila. Akala nila ay naintindihan ng alien ang galit na sigaw ni Bagwis.

Natakot ang alien sa bulyaw na 'yon ni Bagwis. Kaya patakbo itong bumalik sa hagdanan. Sinundan naman siya ng tingin ng mga kamag-anak nila mommy Lorice.

"Lorice.. naintindihan ng alien ang sinabi ng anak mo?" tanong ng pinsan nito.

"Oo.." mabilis na sagot ni mommy Lorice.

11:40 in the evening, 20 minutes na lang at bagong taon na. Nalalapit na rin ang pag-alis ni Qwimi sa mundo ng mga mortal. Mukhang magkakaroon pa 'ata ng hindi magandang ala-alang maiuuwi si Morgan II sa planet Nono Kuro.

'Hindi ko mapapatawad ang Nilo na 'yon! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Qwimi, bago siya umalis dito sa earth! Sisiguraduhin ko sa kanya na hindi lang mukha niya ang mababasag! BAKLA SIYA!' Usal ni Bagwis sa sarili na nagngingitngit sa galit.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon