• Hero •

184 12 4
                                    

                                                        • • • • • •

                                                   Bagwis' POV

Saan ko kaya hahagilapin ang alien na 'yun! Kung hindi lang siya mahal ng kapatid ko, hindi ko siya hahanapin. Pasalamat siya at napamahal na rin siya sa akin. Naalala ko tuloy 'yung gabing dinala siya ni Mayumi sa bahay.

Nasa loob ako ng bahay ng mga oras na 'yon. Tulala at pinagpapawisan pa rin ako. Hindi ko alam na totoo pala ang mga alien. Kitang kita ng dalawang mata ko 'yon.

February 13, 2023, 8:20pm
"Kuya!! Tulong po!!" Nalaglag ako sa sofa ng marinig ko ang sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng bahay.

Dali dali akong tumayo at binuksan ang pintuan ng bahay. Akala ko napano na ang kapatid ko at nasisisigaw siya. Hanggang sa mapatingin ako sa kamay ng kapatid ko. "AAHHH--" napahinto ang sigaw ko ng pigilan ako ni Mayumi.

"Kuya.. huwag ka pong maingay, baka magising si mommy." Mahinang sabi nito sa akin.

"B-b-bakit mo dinala 'yan dito sa bahay? B-baka mamaya patayin tayo niyan."

"Kuya naman.. hindi naman siguro gagawin nito ang sinasabi mo. Saka tulog naman po siya." Katwiran ni Mayumi sa akin.

"Eh paano kung magising 'yan. Bigla tayong pagsasaksakin o hindi kaya ay kainin!"

Unti-unti lumalakas ang tono ng boses ko habang kinakausap ang kapatid ko. "SINO TAO DIYAN!!" Sigaw ni mommy.

Agad akong lumabas ng bahay at kinaladkad ang alien papunta sa repair shop.

"Kuya.. dahan dahan naman po. Nasasaktan siya!" Sigaw ng kapatid ko.

Hindi ko siya pinansin, dire-diretso lang ako hanggang sa makarating kami sa repair shop. Pinasok ko sa loob ng shop ang alien at pinapasok ko rin ang kapatid ko.

Natigil ako sa pagbabalik-tanaw ng may makita akong dalawang lalaki na may hinaharass na babae. "HOY!!" Sigaw ko. Nagmamatapang lang ako, mabuti na lang at handa ako dahil hindi nawawala ang teargas sa bag na nakasukbit sa pantalon ko.

Tumingin sa akin ang dalawang lalaki. Umupo naman ang babae pagkatibaw sa kanya. 'Humarap ka.. si Qwimi ka ba.. dahil kung hindi tatakbo na ako.' Usal ko sa isip ko. Pero hindi lumingon ang babae. Mukhang kailangan ko talagang harapin muna ang dalawang lalaki, bago ko makita ang mukha niya.

"Sino ka ba!" Sigaw sa akin ng isang lalaki.

"BAKET!" Balik na sigaw ko.

"Pare.. mukhang matapang. Papalag 'ata." Sabi ng kasama no'ng lalaking sumigaw.

"Ano pare.. umpisahan ko na?" sabi ng lalaking sumigaw.

Sinuntok ako ng lalaki, mabuti na lang at nasalag ng braso ko ang suntok niya. Naglabas naman ng patalim ang isa pang lalaki, hinapyaw agad nito sa akin ang patalim at natamaan ang kanang braso ko. 'Muntikan na ako malaslasan sa pulso ah.' Usal ko. Wala na talaga akong choice. Kailangan ko ng gamitin ang teargas na nasa bag ko.

"May granada ako! Nakikita niyo 'to?! Ihahagis ko sa inyo 'to. S-sigurado magkakalasog-lasog ang katawan niyo!" Pananakot ko habang nakaupo ako sa kalsada. Natumba kasi ako ng hapyawin ako ng isang lalaki ng patalim.

"U-uwi na ako pare. Hinahanap na pala ako ng misis ko. I-ikaw ng bahala diyan!"

Natakot sa hawak kong teargas ang lalaking humapyaw sa akin ng patalim. Natawa ako at napamura dahil do'n. Subalit naiwan ang kasama nito, pakiramdam ko mas matapang ang naiwan kaysa sa tumakbo. Pero hindi ko ipapahalata na nasaktan ako sa ginawa ng kasama niya, habang hawak ang teargas na pinalabas kong granada, humakbang ako palapit sa natirang lalaki.

"Gusto mo sa'yo ko pasabugin itong granada!" Sigaw ko.

"Baka akala mo natatakot ako sa granada!"

"Hindi ka pala natatakot ah--" inamba kong ibabato ang granada sa kanya. "BOOM!" Sigaw ko at nagtatatakbo ang lalaki. "HAHAHAHA!! WALA PALA KAYO EH! AKALA NIYO GRANADA 'TO, HAHAHA!! TEAR GA--"

Natigil ako sa pagsigaw ng maramdaman kong nahihilo ako at naubo na ako. Napatingin ako sa kamay ko, nabuksan ko pala ang teargas. Nalanghap ko tuloy ang usok. Ilang saglit pa'y nawalan na ako ng malay. Pero bago ko maipikit ang aking mata, nakita kong lumapit sa akin ang babae. Parang kilala ko ang itsura niya, hindi lang malinaw dahil hilong-hilo na ako.

"Qwimi--"

"Satgilin om oka, Bugsiw. Kawi gna gnanu gnikalal loggnatgan nikas. Gnayasam-ayasam oka. Akas oritan ak ab lihad, panahanih om oka? Panahanih nid ab oka gn nagibiak ok? Otsug ok itikam is Mayumi.."

Si Qwimi nga ang babaeng hinaharaas ng mga lalaki. Hindi man lang nila napansin na alien ang babaeng pinagtatangkaan nila. Mabuti na lang pala at pinasuot ko sa kanya ang jacket ko.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, kinuha ko ang jellyace sa bulsa ko.

"WOW! Ecayllej.. otirobap ok oti."

"B-b-bigay 'yan ng kapatid ko. Umuwi ka na Qwimi, ayokong malungkot ang kapatid ko. Patawarin mo ako."

Hindi ko alam kung naintindihan ng alien ang sinabi ko. Pero yumakap siya sa akin at binuhat niya ako. 'Ang lakas ni Qwimi, kaya nasira ang t.v.' Usal ko sa aking isipan at tuluyan na akong nawalan ng malay.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon