• Embarrassing •

281 16 26
                                    

                                                        • • • • • •

Pumasok na sa loob ng bahay sila Bagwis, Mayumi at Tala. Sinalubong naman agad ng ina nila Bagwis at Mayumi si Tala. Nagbeso-beso ang dalawa at umupo sa sofa. Halata sa ina nila Bagwis ang pagkamiss kay Tala, agad niya itong kinuwentuhan tungkol sa kanyang anak. Hiya ang nararamdaman ni Bagwis habang pinakikinggan ang ina na nagkukwento tungkol sa kanya.

"Kuya.. totoo ba?" tanong ni Mayumi.

"Ang alin?" tanong din ni Bagwis.

"Binasted mo si ate Tala?"

Natahimik si Bagwis sa tanong ng kapatid. Naalala ni Bagwis ang gabi na nagtapat sa kanya ng pag-ibig si Tala sa kanilang repair shop.

Sanggol pa lang noon si Mayumi nang mag-umpisang magkumpuni si Bagwis ng mga sirang gamit. Wala itong panahon sa mga relasyon kahit na maraming nagpaparamdaman sa kanya na mga babae. Tinutukso pa nga siya ng mga kababata niya na isang bakla, dahil sa wala pang nagiging girlfriend. Lagi nitong katwiran na, wala pa siyang ipon at gusto niya na ang babaeng magugustuhan niya ay ang babaeng makakasama niya hanggang sa pagtanda nila.

Isang gabi, maraming inaasikaso si Bagwis sa repair shop. Tambak ito ng mga aayusin. Dinadalhan na lang siya ng ina ng makakain dahil ayaw niyang iwanan kahit saglit ang trabaho. Matindi ang dedikasyon ni Bagwis para sa sarili. Gusto niyang tapusin ang trabaho ng mabilis at maayos.

"Hi Bagwis.."

Natigil sa ginagawa si Bagwis ng dumating si Tala sa repair shop. "Upo ka." Nakangiting sagot ni Bagwis kay Tala. Umupo ang babae sa tabi ni Bagwis, naiilang naman ang lalaki kaya panay urong ito. Napansin ni Tala na parang umiiwas o di kaya ay ayaw siyang makatabi ni Bagwis. Kaya tumayo na lang ito.

"May sasabihin ako sa'yo.."
"May sasabihin ako sa'yo.."

Sabay silang nagsalita at nagkahiyaan pa.

"Ikaw na mauna.."
"Ikaw na mauna.."

Sa puntong 'yon ay nagtawanan na sila at sinabi ni Bagwis na, "Lady's first." Nagpakagentle man na si Bagwis para kay Tala at pinauna na niya itong magsalita.

"Bagwis.. hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Narito ako para sabihin sa'yo na gusto kita. Mahal kita. Nasasaktan ako kapag nakikita kong may ibang babaeng pumupunta dito sa repair shop niyo. Makasarili na kung makasarili, mahal kita eh. Nagseselos ako. Alam mo 'yung pakiramdam na--parang tinutusok ng karayom ang puso mo, sa tuwing makikita mo ang taong mahal mo na masaya sa iba. At dahil sa manhid siya, hindi niya maramdaman ang pag-ibig ko. Kahit nagpapapansin na ako, wala pa rin. Bagw--"

Natigil sa pagsasalita si Tala nang hawakan ni Bagwis ang kamay niya.

"Tala.. ako ba ang lalaking tinutukoy mo na manhid? Kung oo, okay lang. Pero 'wag mo naman sabihin na hindi ko nararamdaman ang pagmamahal mo. Ramdam na ramdam ko 'yon Tala. Sa totoo lang nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang malungk--"

"Ibig sabihin mahal mo rin ako?"

"Patapusin mo muna ako. Hehe."

Natawa ang dalawa dahil laging bitin ang kanilang mga sinasabi. Pagkatapos tumawa ay pinagpatuloy na nila Bagwis at Tala ang usapan at pagtatapat ng nararamdaman para sa isa't isa.

Tumayo si Bagwis sa harap ni Tala, "Tala.. humihingi ako ng tawad ngayon pa lang. Mahal kita.. pero ayoko pa pumasok sa isang relasyon na alam kong hindi ko mapapanindigan. Naiintindihan mo naman ako diba, Tala?"

Tumatango tango si Tala bilang kasagutan sa sinabi ni Bagwis. Yayakapin na sana nito ang babae ngunit tumakbo ito palayo sa repair shop. "Ang labo naman ni Tala.. sabi naiintindihan ako, pero tumakbo. Hayy."

"Bagwis! Ang tagal naman ng juice!"

Natigil sa pagbabaliktanaw si Bagwis ng marinig ang sigaw ng kanyang ina. Tumingin siya sa kanyang tabi at wala na si Mayumi. Nakita niya itong nasa tabi na ni Tala at panay tawa habang nakatingin sa kanya.

Dinala na ni Bagwis ang juice na tinimpla nila ng kanyang kapatid na si Mayumi sa sala kung saan nag-uusap ang ina at ang bisitang si Tala. Naiilang itong tignan ang kanilang bisita at nakayuko itong inalok ng maiinom si Tala ngunit iniangat ni Mayumi ang ulo niya, "Kuya.. mamaya matapon 'yang juice. Tumingin ka kaya. Hahaha!" Natatawang pang-aasar ng kapatid kay Bagwis. Natawa naman si Tala at ang ina nito dahil sa ginawa ng bata. Habang si Bagwis ay namumula dahil sa hiya.

"Mamaya ka sa akin Mayumi.." bulong ni Bagwis habang nagsasalin ng juice sa baso ni Tala. Yumakap ang bata kay Tala at nagsumbong, "Ate oh.." pagsusumbong ni Mayumi pero nakadila sa kuya niya. "Bagwis, natatapon na." Mahinang sabi ni Tala.

Hindi namalayan ni Bagwis na umapaw na pala ang juice sa baso. Kaya napakamot na lang ito sa batok. "Sorry.." pagpapaumanhin ni Bagwis.

Tumakbo sa kusina si Bagwis para kumuha ng basahan na ipapamunas sana sa natapon na juice sa lamesa. Nang makakuha, patakbo siyang bumalik sa sala subalit nadapa siya at tumilapon ang hawak na basahan sa ulo ng kanyang ina. Nakakahiya ang pangyayaring 'yon, may bisita pa man din sila.

"BAGWIS!!!" Malakas na sigaw ng ina.

Napapikit at isinubsob na lang ni Bagwis ang kanyang mukha sa sahig dahil sa nakakahiyang pangyayaring 'yon.

                                                        • • • • • •

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon