Chapter 23: Meet Rona

309 8 0
                                    

Yuki drove as fast as he could.

I checked my phone, and there's Seah's email.

"Here Yuki" sabi ko.

Nilagay ko sa stand yung phone ko. Andun yung tracker, gumagalaw padin yung Vehicle and currently on Pangasinan.

Pangasinan?

Aish.

"Nasa Pangasinan yung sasakyan" sabi ko.

"I can see it" sabi niya.

A moment of silence.

"I'm such a failure!" sigaw ni Yuki.

"Yuki, stop panicking, our daughter is out there" sabi niya.

"Kung hindi ako nagpa alipin sa tatay ko at mas pinaglaban ko kayo ng anak natin, hindi sana mangyayari to" sabi niya.

"Yuki, listen. You're not a failure" sabi ko.

"I should've been a good husband and a good father..." sabi niya.

Natahimik ako.

"Ngayon na nagkita ulit tayo, I failed to protect our daughter" sabi niya.

"Tama ka naman. Duwag ka, di mo kami na ipaglaban ni Tara. Pero di ibig sabihin nun naging masama'ng ama ka" sabi ko.

He's quiet.

"May rason kung bakit nangyari lahat 'to. May rason sa lahat ng ito, Yuki. So stop saying to yourself that you're a failure. Because you're not. You just did a mistake, that's it. Isa pa, Ayaw din marinig ni Tara mula sayo yan panigurado" sabi ko.

He remained silent.

"So better focus on looking for our daughter, because how are you suppose to prove yourself to Tara again if hindi siya mahanap... And... We also need to find her brother" sabi ko.

"Thank you..." sabi niya.

I smiled.

__

Daichi's POV

I knew it, something wrong happened.

The tracker that I put in oniichan's cloth says that nasa Pangasinan sila.

My phone rang...

"Hello" panguna ko.

"Daichi, bago'ng dating sina Juki dito sa location nila. May dala silang bata'ng babae" it's mom.

"What?! Bata'ng babae. Tell me ma, kamukha ba ni Tachi?" tanong ko.

"Yes... Wait... Don't tell me ito ang isa ko pa'ng apo" sabi ni mama.

"Yes ma, that's Tara. Sabi na, kaya pala yung tracker na inilagay ko sa damit ni kuya na track sila sa Pangasinan" sabi ko.

"Wait... So nasa Pangasinan pala kami? Saan banda?" tanong niya.

"In an island in Alaminos" sabi ko.

"All this time-... Hay... Ibig sabihin property ni Juki ito?" tanong niya.

"Possibly. Nga pala, ano na move mo?" tanong ko.

"Papalapit na ako ng Papalapit. Sa sobrang taas kasi ng security, hangga'ng pader lang ako. Once lumampas ako, makukuryente ako. If I could just jump in a truck na papasok. Kaso wala nama'ng road dito, it's an island. Gitna ng dagat" sabi niya.

"Ganun ba... By the way... As what I've mentioned, nasa Alaminos sina ate Heylli at kuya Yuki. Malamang sinundan nila si Tara. I advice that you could wait for them?" tanong ko.

"Ganun ba? Oh sige, ako bahala sa kanila pag nakita ko sila. Pero, tawagan mo ang kuya mo. Sabihin mo maghihintay ako, pero malamang ibang lugar" sabi niya.

"Sige, ingat ka ma" sabi ko.

"Bye son, I love you" sabi niya.

Binaba ko na yung phone.

Rona's POV

Kung ganun, andito pala ang anak ko. Alam ko'ng may galit siya sa akin dhail hindi ko nasabi sa kaniya lahat ng bagay.

Ako si Ramona Royama. Ang ina nina Daichi at Yuki.

At sa loob ng apat na taon, ako ang nagbabantay sa apo ko.

Kahit kay Daichi nagsinungaling ako.

Tama... Nagsinungaling ako...

Ang totoo, matagal ko nang kasama si Tachi dito sa loob ng kulungan ni Juki.

Ako ang nag aalaga sa bata simula bata pa siya.

Sinigurado ko na hindi ako nakikilala ni Juki. Nagpakilala ako bilang "Raya Manor" at binago ko ang pag ugali at nag ehersisyo ako para humulma ang katawan ko.

Dahil dun, natanggap ako na taga alaga dito. Ngunit hindi ako preso ng mansyon ni Juki.

"Lola, I think I can see something" sabi ni Tachi.

"Malamang yan na yung ka kambal mo" sabi ko.

Binuksan nila yung pinto at hinagis yung dala nilang bata sa loob.

"Raya, ikaw ang bahala sa isang yan" sabi ni Juki.

"Sige po" sabi ko.

Kinuha ko agad yung bata.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Wag niyo ako'ng hahawakan" sabi niya habang umiiyak.

"Ayos lang iha... Kakampi kami" sabi ko.

"Kamukha mo po ang tatay ko" sabi niya.

Ibig sabihin alam na din niya at ni Yuki ang katotohanan?

"Anak ko ang tatay mo. Kilala ko siya, si Yuki Royama, at nanay mo si Heylli Del Mundo" sabi ko.

"So... Lola po kita?" tanong niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Oo apo..." sabi ko.

"So ikaw si Tara?" tanong ni Tachi.

"Siya nga pala. Malamang hindi ito alam ng mga magulang mo pero siya si-..." pinutol ni Tara ang mga sasabihin ko.

"Kapatid ko... Sabi na tama ang hinala ko" sabi ni Tara.

"Oo, ako si Nathan Shinichi, Tachi nalang itawag mo sa akin" sabi ni Tachi.

"Natascha Sakura naman ang pangalan ko" sabi ni Tara.

Niyakap nila ang isa't isa.

Hindi ako makapaniwalang nasasaksihan ko ito.

At isa pa, ang talino ni Tara... Para siyang mga magulang niya, pareho sila ni Tachi.

"Siya nga pala, ano po ang totoo'ng nangyari lola... Pwede niyo oo bang sabihin lahat?" tanong ni Tara.

"Sige apo..." sabi ko.

Umupo siya at nakinig sa akin.
__

Yuki's POV

"The van stopped at Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan" sabi ko.

"Therefore we must stop here para hindi sila makahalata" sabi niya.

"Ano ang plano?" tanong ko.

"Mag jet ski tayo. Sigurado ako na isa sa mga isla dito ang pinagdalhan nila kay Tara" sabi niya.

"How are we supposed to know kung nasa tama'ng isla tayo?" tanong ko.

"Ewan, diba sabi ni Daichi kung nasaan si Tachi. Andun ang mama mo" sabi niya.

Napatingin ako sa phone ko na nag vibrate.

[Daichi: I put a tracker on your clothes. Alam ko'ng may masama'ng nangyari so I called mama. Alam niya na nasa Pangasinan ko, kaya pinapa sabi niya na "maghihintay ako, pero malamang ibang lugar"]

"Speaking of Daichi. Nag message siya. Sabi niya alam daw niya at ni mama kung nasaan tayo, and mama left this message" sabi ko and handed my phone to Heylli.

"I knew it..."

Tres Marias Series #3: Unwanted DetectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon