Chapter 14: Caregiver

345 8 0
                                    

Heylli's POV

Nakatulog na siya sa kotse ko. Patanggi tanggi pa kanina, hilo'ng hilo na din.

Ang lakas talaga ng ulan.

Bumaba muna ako tsaka nag door bell. Kaso mukhang walang tao sa bahay nila.

Pumasok uli ako a sasakyan tsaka inalog si Yuki.

"Yuki" bulong ko.

"Mm..." bulong niya.

"May tao ba sa bahay niyo?" tanong ko.

"Daichi" Nanghihina ng sabi niya.

"Wala'ng sumasagot" sabi ko.

"Wala siya sa bahay, may pasok siya" sabi niya.

"Eh bakit sinabi mo'ng-... Aish. Asan susi ng gate niyo? I papasok ko yung kotse para dika na mabasa pagpasok mo" sabi ko.

"Maglalakad na ako" sabi niya.

"Aish, sa hitsura mo ni hindi ka na makatayo" sabi ko.

Kinapa niya yung bulsa niya tsaka inabot sa akin yung susi.

Kinuha ko yun at lumabas ng kotse tsaka in-unlock yung kandado ng gate nila.

I opened the gate and went back to my car.

Pina andar ko yung kotse ko papasok sa gate nila.

Bumaba na ako ng kotse ko tsaka binuksan yung pinto ng kotse sa tapat ni Yuki tsaka ko siya dahan daha'ng Inalalayan.

Inalalayan ko siya papasok sa bahay nila.

Pinaupo ko siya sa sofa nila.

Agad naman siyang napahiga. Talaga nga nama'ng hilo'ng-hilo na din siya.

Iiwan ko na ba siya dito?

Kawawa naman kung mag isa lang siya.

Besides, bansang basa na siya. Baka mas lalo siyang makasakit.

Lumapit ako sa kaniya.

Am I supposed to do this?

Nilibot ko muna yung bahay para mahanap yung kwarto niya.

I saw this room na amoy ng pabango ni Yuki, malamang ito yun.

Hinanap ko yung damit niya.

Kumuha ako ng t-shirt. Papalitan ko sana yung damit niya.

Am I suppose to get boxers and shorts as well?

Argh. Kumuha nalang ako.

Bumalik na ako sa sala. He's totally passed out.

Nilagay ko sa sofa yung damit niya tsaka pumunta sa CR nila para kumuha ng malamig ng tubig

Di ko naman talaga memorize yung bahay nila, kaso maliit lang kaya madaling mahanap yung mga rooms.

Bumalik na ako sa sala nang makakuha ako ng malamig na tubig.

Tinanggal ko na yung t-shirt niya. Hays, ano ba to'ng ginagawa ko?

Dinimpuhan ko siya gamit nung malamig na tubig at towel na din.

Matutuyuhan talaga siya kapag hindi napalitan lahat ng damit niya.

"Yuki andito na yung-... Heylli?"

Napatingin ako sa pinto, si Jin. Nakangising pumasok.

"Heylli ano'ng ginagawa-..."

"Jin, shh... Ahm... Phew, galing kaming trabaho, umulan, madaming nagka sakit kaya pinauwi nalang lahat, at naawa ako sa kaniya kaya ko siya inuwi dito. Tapos na konsiyensiya ulit ako kaya Dinimpuhan ko na. Since andiyan ka na, ikaw na mag tuloy" sabi ko.

Tres Marias Series #3: Unwanted DetectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon