Part 9

465 21 1
                                    

CATH's POV

"Mam, oorder na po ba kayo?" lumapit sa akin ang isang barista na sa tingin ko ay ka edadan ko lamang. Napansin ata nya na halos mag tatalong oras na akong naghihintay at nakaupo dito sa Starbucks. What?! This is a coffee shop. A supposedly, tambayan ng mga tao, ng mga mag c-catch up or ng mga nag chichismisang mag kakaibigan, or ng mga estudyanteng gumagawa ng assignment or project. This is not just a place na kapag naubos mo ang kape mo ay pwede ka ng paalisin. This is not a restau.

But the problem is, wala akong inoorder, wala akong kachickahan at lalong wala akong assignment o project pang ginagawa. Nakatingin lang ako sa may pintuan, sa paglabas at pagdating ng customer, nagbabakasakaling isa sa kanila ay si Jev. Ang lalaking halos tatlong oras ko ng hinihintay.

When he said he'll be here, halos thirty minutes na ako dito. Kasi excited ako. Kasi gustong gusto ko na syang makita. Kasi masaya ako na makikita ko na ulit sya after ng ilang araw na pagpapractice nila ng basketball at ako ay sa drama club. Pero isa na naman atang paasa moment ito.

Konting push pa Cath. I told myself.

Nakakarami na akong missedcalls and text sa kanya pero ni hindi man lang nya sinagot. Baka naman nasnatch yung phone nya. O di kaya nalobat?pero nag riring eh! Okay na snatch na lang. I assume na snatch yung phone nya. Sana okay lang sya. Sana okay lang ang mahal ko. Tsk.

Hindi na ako mapakali sa upuan ko. Saan ko ba sya pupuntahan? Kasi eh! Baka nasasaksak na sya tapos ako itong naghihintay dito, nasa ospital na pala sya, nasagasaan ng sasakyan, nadurog ang buto at kasalukuyang inooperahan sa ospital? Oh no! hindi ko kakayanin toooo... hindiiiii!!!!

Napailing iling na lang ako habang pinipigil ang luhang nag babalak pumatak sa mga mata ko.

"Ah mam. wag po kayong iiyak, kinukuha ko lang po ang order nyu. " bOses ng isang lalaki ang nakapag pabalik huwisyo sa akin. Nasa tabi ko pa pala sya.

"Ay.. hindi ako iiyak koya, mamaya na ako oorder, may hinihintay pa kasi ako. Baka lumamig yung kape na oorderin ko." I said sa malumanay na boses.

"Meron po tayong frap dito mam. baka po gusto nyu." he added.

"Ang gusto ko, mainit na kape. so baka lumamig sya." Nagtitimpi na ako sa makulit na baristang to.

"Kanina pa po kayo dito mam. Baka naman po inindian na kayo ng boyfriend nyu."

Abat! pakialamero si gago! gwapo ka sana, atribida ka lang!

"hindi ako iindianin nun. darating sya." tinaasan ko sya ng isang kilay."ngayon, dun ka na lang sa counter at asikasuhin ang mga customer nyu kesa pakealaman mo ang buhay ko, ang lablayp ko, ang pagtunganga ko dito sa wala at ipamukha saken na hindi na ako sisiputin ng katagpo ko. Na nagpakatanga na naman ako. Sorry. Tanga eh."

Napatunganga lang sya sa akin. Ang dami ko atang nasabi. Nagkibit balikat na lamang sya. "If you say so." tapos bumalik na sya sa pwesto nya at kinausap pa yung isang kasamahan nya. I looked at them with a daggered look. Mga chismoso!

Tumingin ako ulit sa pintuan. Then sa cellphone ko, then sa paligid ko. Napansin kong nakailang palit na ako ng katabi sa table. Nung una, mag kaklase, pangalawa mag jowa at ngayon magjowa ulit. Paksyit!

I was typing on my phone ng may biglang lumapit sa akin.

"Mam. free coffee po for you. sabi po ng manager namen." Nag angat ako ng tingin ng makita ang lalaking nangungulit sa akin kanina pa. he smiled handsomely. I knew this guy. parang nakilala ko na sya dati.

"Have we met before?" Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin sya. Pamilyar talaga kasi eh. Pati yung kulay dilaw nyang buhok. Hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita. At yung ngiti nya. Urgh! mababaliw lang ako kung iisipin ko.

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon