2- BOOK

833 35 3
                                    

A/N: JevPERSON Briones on the picture. pronounce as JEFFERSON:))

Btw, etong story ni Cath eh way back college life nila FOR NOW.. Saka pa eeksena si Faye ah.. kaya wag kayong malilito kung ang dalawang Bakla pa yung kachikahan ni CATHARINA :)))

~~~~~
CATH's POV

Thanks naman sa Tita kong teacher na first class namen! woohoo! katabi ko sa upuan si Pogi! Alphabetical kasi ang bet ni Mrs. Dina Abrenica-Gomez (bunsong kapatid nila Daddy) kaya Tita Mam ang tawag ko sa kanya. Feeling ko ang ganda ganda ko. haha.

Pag pasok pa lang kasi namen sa loob ng classroom halos tulo laway na yung mga malalandi kong kaklaseng babae. Ngangayon lang nakakita ng pogi mga teh?! Transferee kasi si Jev dito samen kaya ngayon lang nila nakita. Plus matangkad pa sya and idagdag mo pang pogi talaga sya! well!... mamatay kayo sa inggit dahil ako ang nakauna ditey! haha. As for the boys, lahat sila nakatingin sa akin. Maganda nga kasi ako. (OH ME ANGAL?!) ako na yung pinakamaganda dahil yung iba, mga babae nga mukha namang lalaki. Tapos ang sagwa nilang tingnan kapag kinikilig. Sheez!!

anyway, highway. eto na nga nakaupo kami sa may bandang unahan bilang Abrenica ang apelyido ko at briones si Jev, buti na lang wala nang sumunod na apelyido na Baldado or Balmes na sisingit samen dalawa ni Babes.Hayaan nyu.. soon eh magiging Briones na din ako. Hihi.

"Pst. Sis." Kinalabit ako ng isa ko pang baklang kaibigan si Thara na Timothy sa Birth Certificate nya. Sorry ah, puro bading talaga kasi ang mga kaibigan ko. So wag kayong magtataka kung minsan beki language ginagamit ko.

"Anet?(Ano)" nilingon ko sya at naghuhugis puso ang mga mata nya habang nakatingin sa Babes ko.
Ngumuso sya at tinuro nya si Jev na kasalukuyang nagsusulat ng lecture ni Tita Mam.

"Bet ko sya bakla!" Medyo mahina yung pagkatili nya. Pero rinig naman sa klase.

Pinanlakihan ko sya ng mata. "Di ka nya Bet! hmp." Ibinalik ko ang tingin ko sa board.

"oh so yummy!" narinig ko pang sinabi ni Thara at nilingon ko ulit sya.

"OH SO THE MUMMY!" Medyo napalakas ata yung sinabi ko kaya nakaagaw kami ng pansin kay Tita Mam.

"Abrenica, Delo Santos, is there any problem?" Mataray nyang tanung. Kainis kasi tong baklang to, pahamak.

"Nothing mam." At umiling pa ako.

"Mamaya nyu na ituloy yang kabaklaan nyu. Focus okay?" Natatawa na ang buong klase. Tinawag pa talaga akong bakla ni Tita Mam. Mukha ba akong bakla?! Tell meeee!!!! where did I go wrong. what did I do to make you feel your mine completely... Tama ba ang lyrics ng kanta ko? ha ha . oh well whatever. Lagot ka sakeng bakla ka mamaya.

Sumulyap ako ng bahagya kay Jev. Ang pogi talaga nya! Syet! Panu ako makakaconcentrate nito sa pag aaral eh makita pa lang sya okay na ako! hahaha.

"kung ice cream ako natunaw na ako." he said without looking at me tas bigla syang lumingon at kinindatan nya ako! Oh em gee! He winked at me!!! I can feel the heat on my face!! Gravey! Then I heard him giggled. kainis!
After ng klase agad na umalis si Jev. Pero hinabol ko sya. Di ko alam kung bakit pero gusto ko pa sya makasama. :D

"sandali JevPERSON"

Tumigil sya at tiningnan nya ako ng masama. Pero ngumisi lang ako. Ha ha.
"BAKIT CATHARINA?" I pouted. Bantot talaga!

"Stop calling me JevPERSON. JEFFERSON kasi tamang pronounciation nun."

Bakit ang cute nya pag naiinis! ha ha ha.

Tapos tumalikod na sya. Oh my God! panic mode! hindi pa sya pwedeng umalis! gusto ko pa syang makasama! sa thirty minutes break namen gusto ko kasama ko sya! baka makita pa sya nung ibang babae. Isip Cath!

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon