7 - I crush you

552 22 1
                                    

"Huyyy Jevperson. pansinin mo naman ako.." nakakabwisit. sunod lang ako ng sunod sa kanya habang sya patuloy lang sa paglalakad papunta sa praktis nila. At ako... muntanga na parang buntot nya. Hindi nya ako pinapansin.. huhubels!

"Jev... anu ba?! bakit ka ba nagalit? sorry na naiwan ko lang ang phone ko eh... huy Jev!" hindi pa rin sya kumikibo.. Naglalakad lang sya kahit na kikunulit ko sya and then nag left turn sa may kanto ng Palma Hall. Sa pagsunod ko, hindi ko namalayang may makakasalubong ako at nag land fall ako sa harap ni kuya na malaki pa sa akin.

"Araaaaaayyyyy!!!" sapo sapo ko ang puwit ko dahil sapul. Ang sakit talaga!

"Sorry Cath... I'm sorry! Hindi kita napansin. Okay ka lang." Sus si PJ lang pala. Shucks! si PJ! nilapitan nya ako para itayo sana. Ang bango bango nya pero bigla nya akong nabitawan dahil isang kamay ang tumabig sa kanya palayo sa akin. Si Jev!

Gulat much! Initinayo ako ni Jev na mabilis pa sa nangangakerang kabayo.

Aray ku pu! hindi lang pwet ang masakit saken pati Braso ko. Huhubels talaga! Napaka brutal nya! Lampa na nga, reyna pa ng kamalasan! Patay na patay pa sa lalaking ubod ng moddy na dinaig pa ang nag memenopause na babae sa sobrang moody. Minsan sweet, minsan cold. Minsan maingay, minsan tahimik. Ang moody!

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Jev said habang nakatitig kay PJ at hawak hawak nya ang kamay ko.

"Pare hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi ko sya nakita at---"

"Am I talking to you? hindi ikaw ang kausap ko, kundi itong lampang babaeng to." sabay tingin ng masama sa akin.

Abat ako pa ang naging lampa! eh kung hindi nya ako iniwan at kinausap nya ako. Hindi ko na sya kelangang sundan pa. Teka bakit ba ako affected kung hindii nya ako imikan. Buset!

"Cathhhh!" Thara wave his hands habang papalapit sa amin silang dalawa ni Josie.

"teka nga. me problema ka ba saken?" tanung ni PJ kay Jev.

"Ay May warla pala ditet sis!" Sabi ni Josie ng makalapit sa amin at marinig si PJ.

"Wala." Malamig na sagot naman ni Jev na nakatitig pa rin kay Pj.

"O eh bat ang sama mong makatingin?"

"Sis.. Tensyunada... ganda o teh." sabay baling sa akin ng dalawang bakla.

Bakit nga ba?

Nagtitigan pa sila ng medyo matagal. Mga 3 minutes.

Hindi na sumagot si Jev sa halip ay umalis na sya at hinila nya ang kamay ko.

"Sorry Cath!" Pahabol pa ni PJ

"Okay lang PJ!" sigaw ko din sa kanya habang hawak ni Jev ang kamay ko. Teeheee kinikilig akooooo! <3<3<3

"Baklaaaaa wait for ussss!" tili naman ni Thara na sumunod din samen ni Jev.

well, nakarating kami sa gym na magkaholding hands as I thought. Hihi. Nakita agad kami nina Kyle.

"Ehem pare.. kayo na?" sabi pa nya habang nakatingin sa mga kamay nameng magkaholding hands. Ayiiieeee kilig! pero biglang binawi ni Jev ang kamay nya sabay sabing... "Hindi no!" Awts ha! sapul sa fesla ko.

"Aaawwww..." in chorus pa talaga tong dalawang baklang to!sipain ko to eh!

"Akala ko eh kayo na eh. Kung hindi pala, me pag asa pa pala ako kay Cath?" sabay kindat saken ni Kyle. Ganda ko lang teh! ha ha ha.

"Huy! anung pag asa? Asa ka dyan pre! eh halata namang head over heels si Cath kay Jev!" wika pa ni Marco. isa sa mga teammates nila. Pakshit itu! ganun na ba ako ka obvious? Ganun na ba kahalata ang pagkagusto ko kay Jevperson Briones?

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon