Part 21

482 21 1
                                    

Sorry sa matagal na UD. Pinag isipan ko kung dito na ba sa chapter na to sasagutin ni Cath si Jev. Or si Conrad? Hihi. Thank you for the usual support. :*

Jev's POV

  "Anung masasabi mo pareng Jev?" Tanung ni Dario sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. She was a goddess. Pero nung nakita kong hinila sya ni Conrad at ipinulupot nya ang mga kamay nya sa bewang ni Cath biglang nag alboroto ang dibdib ko. Ang puso ko. Langya. Hindi ko pala talaga kaya na makita syang hinahawakan ng iba. Akin lang dpat si Cath. Ako ang mahal nya di ba? Ako ang gusto nya!

"Jev, halika sa pool." Yaya ni Erika pero wala sa kanya ang atensyon ko. Nakatitig pa din ako kay Cath.  Nagtama ang mga mata namen. Pero bigla syang nag iwas ng tingin at lumusong sya sa tubig. Nagsimula syang makipagbasaan sa kina dyef. Naiinis ako na tumatawa sya para sa kanila. Gusto ko ako lang yung nginingitian nya. Pucha! Gusto ko na nga sya!

Masayang nagtatawanan at nagbubuhusan ng tubig sa pool ang lahat maliban sa akin na nakaupo lang sa may gilid ng pool. Nagpaalam naman si Erika na may tatawagan lang daw saglit at babalik din agad.

Hinila nina Dyef at Conrad si Cath sa malalim na parte ng pool, pero nag pupumiglas lang si Cath. "Ayoko na pleaseeeee!" Tili nya habang tumatawa. Nakakatuwa sila. Pero kinakain ng selos ang dibdib ko.

At parang may isang anghel na bumulong sa akin na gawin ko ang kanina ko pang pinaplano. Nag dive ako sa pool sa malapit sa pwesto ni Cath. Sa malalim na part. Nagulat pa sya ng biglang may tumalsik na tubig sa kanya sa pagdive ko. Sinadya ko na hindi muna umahon at hayaang maniwala sila na nalulunod ako. Huh! Bihasa ata to na hindi huminga sa tubig ng matagal.

Maya maya pa ay may biglang humila sa aking balikat. Effective! Bwahahaa. Akala nila na nalunod na ako. Naririnig kong nagpapanic sila t hindi malaman ang gagawin. Naririnig kong nag aalala si Cath.

"Tulungan nyu si Jev! Anu ba! I CPR nyu!" Sabi pa nya.

"Yuck pare, pasensya na pero hindi ko magagawang humalik sa lalaki.kahit pa kaibigan ko si Jev." Narinig kong sabi ni Dario. "Eh gago! Lalo naman ako no! Tsaka hindi ako marunong mag CPR!" Wika ni Dyef. Halos matawa na ako sa mga sinasabi nila. Batukan ko kaya ng mga to! Mamatay na pala ako eh hindi pa rin nila ako ililigtas! Buset!

"Naku baka naman masira ang fesla ko kapag nakita ni papa Jev na ako nag CPR sa kanya! I can't take it honey!" Sabi pa ni Josie.

"FYI, para kay Papa Dyef lang ang labi ko." Wika naman ni Thara.

"Anu ba guys! Mukhang di na sya humihinga oh!" Nagpapanic na wika ni Cath. "Bahala na nga!" Biglang may naramdaman na lang akong bibig na lumapat sa aking labi. Finally! The most sweetest and softest lips I've ever tasted. Binubugahan nya ng hangin ang bibig ko. At inipit pa ang ilong ko.

Pero bilang anak ni Pedro Penduko, mautak to no! Ikinawit ko ang kamay ko sa batok nya, and started to brush my lips to her. Naramdaman kong naningas ang muscles nya sa sa leeg nya tanda na nagulat sya sa ginawa ko. Itinuloy ko lang ang paghalik sa kanya. Hindi sya marunong humalik. Siguro first kiss nya to. Nakapikit lang ang mga mata ko habang ninanamnam ang tamis ng halik nya. At ng imulat ko ang mga mata ko.. One word to describe it. YUCK.

"Pwe! Pwe! Pucha! Bakit ikaw ng humahalik saken! Tang ina mong bakla ka!" It was Josie!

Halos mamatay na naman ng katatawa si Cath. At haban ang mga lalaki ay nakatulala and then biglang sabay sabay na nagsabi ng YUCCCCCKKKK...

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon