Part 22

349 14 5
                                    

AFTER 11 months. hahaha. serry na. 😘😘😘

2 yrs after (2011)

Being his girlfriend is the most wonderful thing that happens to me. Sa loob ng dalawang taon ng relasyon namen ni Jev, wala kaming masyadong naging problema. Masaya kami palagi at In love na in love sa isat isa. Nagdadate kami kung saan saan, at kumakain kung saan namin magustuhan. Life with him is full of surprises.

Sa tuwing may laro sya ng basketball or practice, ako yung tipo ng girlfriend na palaging sumusuporta. Minsan nakakantsawan na si Jev ng mga teammates nya dahil ang clingy ko daw girlfriend. Pero hindi naman nag rereklamo si Jev.

Ngayon na yung Anniversary namen ni Jev and all is set na para sa sorpresa ko sa kanya. Next month na din kami kukuha ng board exam. How time really flies so fast. Last year lang, sinurpresa nya ako sa anniversary namen by having a dinner with candle light sa isang yacht na pagmamay ari daw ng family friend nila.

Nakilala ko na din pala yung mga magulang ni Jev na nasa states, thru skype nga lang. Pero okay na din. Botong boto din saken yung ate nya na nasa registrar ng school. Remember yung tumulong saken nun sa registration ko nung first time na nag kakilala kami ni Jev. Nag aayos na nga sya ng kasal nya ngayon eh, kasi by next year siguro ay ikakasal na sya.

Sobrang saya ko, and I felt my life is complete. Yung mga magulang ko na lang ang kulang. And they are busy making money. *rolling eyes here*. Bihira ko na lang sila makita at makausap. Hindi ko nga alam kung natatandaan pa nilang may anak sila eh. Pinapadalhan naman nila ako ng pera but that's not enough., Well buti na lang talaga at nandyan si Jev.

"Bakla ano, ready na ba yung nakuha mong musician?" Tanung ko kay Thara na ngayon ay nag aayos ng nail polish ng kuko nya.

He rolled his eyes bago bumuntong hininga. "alam mo ikaw napaka tense mo. chill. Everything will be fine." sabi pa nya. Kanina pa ako kinakabahan dahil baka hindi magustuhan ni Jev yung surpresa ko para sa kanya.

"Asan nga pala si Josie?" tanung ko ulit kay Thara but she just shrugged his shoulder.

"baka nanlalaki" dagdag pa nya. I rolled my eyes again.

"Ang himbing ng tulog ni Jev sa kwarto.. Napagod sa pagbabasketball. So mamaya, yung plano aakyat ako sa itaas then kayo handa na kayo dito ha. Pati mga musicians mo."

Ginagaya lang ni Thara ang pagsasalita ko at may kasama pang kumpas ng kamay.

"Ano ka ba? Ilang linggo mo ng pinapraktis tong eksenang to. Sawang sawa na ako kakakinig sa script mo, hindi ka naman writer! Oo na. Okay? Hindi ko makakalimutan yan." Maarte nyang sagot habang hinihipan ang nail polish nya sa kamay.

"Naniniguro lang. Ayoko kasing pumalpak. Syempre anniversary namen to--"

"Na mag jowa! Paano pa kaya kung mag asawa na kayo di ba? Hayst!"

"Syempre mas bongga dapat!"

Sya naman tong umikot ang mga mata. "Gawd! Buti na lang pala wala akong jowa!" Bumuntong hininga pa sya. Ang arte talaga!

"Wait... I gotta go,magbibihis na ako sa taas. Ikaw din magbihis na. Yung binili ko sayong suspender at slocks ha suotin mo. Plus the bow tie." Ngumisi ako habang nakasilip sa kanya at hindi pa pumapasok ng kwarto.

"At ginawa mo pa talaga akong waiter!" Reklamo nya. Nag peace sign na lang ako sa kanya bago nagmamadaling pumasok ng kwarto ko para magbihis. Buti na lang sa kabilang kwarto natulog si Jev.

Ilang beses ng nag attempt si Jev na may mangyari sa amin pero tumatanggi ako. gusto ko na sa kasal namen ko ibigay ang bataan. hihi.

Nakatulog lang sya sa kabilang kwarto after ng praktis nila ng basketball. Ni hindi nga nya naalala kanina na anniversary namen ngayon eh. Pero okay lang. Baka sobrang pagod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon