Part 8

486 19 8
                                    

Note: Nahihirapan akong mag isip ng title per part. ha ha ha. Follow me at twitter nga pala @Littlebeshypupu 😚

~~~~~~~~~~~~~~~
JEV's POV

"Pre! Anu pupunta ka ba sa reunion ng barkada?" Kanina pa ako kinukulit ni JC pero hindi pa rin ako sumasagot. Matagal kong pinag isipan ito. Aattend ba ako kung alam kong nandun si Erika?

"Si Erika ba pare ang iniisip mo? aatend sya." Ts. itong lalaking ito parang may six sense, kaya nyang basahin ang iniisip ko.

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa kusina.

"Hanggang ngayon ba naman affected ka pa din ng paghihiwalay nyu ni Erika? Pare tatlong taon na din ang nakakalipas. move on ka na." Hindi ko alam na nakasunod na pala sya sa akin. Uminom ako ng tubig at saka humarap sa kanya.

"Hindi ganun kadaling makalimutan sya." maikli kong sagot.

"Pare naman. Niloko ka ni Erika. Pinagsabay kayo nung current boyfriend nya. At ang malupit, mas pinili nya yung lalaking yun." Hindi ako nakapag pigil ng emosyon ko at agad ko syang kinuwelyuhan.

"Hindi mo alam ang tunay na nangyari kaya wala kang karapatang manghusga." Wala talagang nakakaalam dahil kaming dalawa lang ni erika ang may alam. Kahit sa lahat ng barkada ko walang nakaalam kung bakit bigla na lang kami nagkahiwalay ni erika. Na bigla na lang syang may boyfriend after ng graduation namen.

"Easy pare. wala naman akong balak makipag away sayo. Ako pa ba, kaibigan mo ko." binitiwan ko sya at saka tumalikod. Nakakabadtrip!

Sandaling tumahimik ang paligid. Nakiramdam ako kay JC.

"Titingnan ko kung makakarating ako."

"S-sige pare." Bumalik na ulit kami sa sala at saka ko kinuha ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang text mula kay Cath.

HI.POGI. GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTO KITA. :******

Malaki talaga ang tama ng babaeng yun. Mula nung magconfess sya saken na gusto nya ako. Palagi nyang sinasabi na gusto nya ako, kahit nasa mataong lugar kami. Hindi sya nahihiya. Ako ang nahihiya minsan para sa kanya.

"Sinu yang nagpapangiti sayo? yan ba yung nababalita kong bago mong chix?" Jc giggled as he get the remote control.

Hindi ako umimik. "Hmmm. parang gusto ko na ring mag transfer sa school ni Erika." he added.

I admit. Si Erika ang dahilan kaya ako nag transfer ng school, kung tutuusin ay isa sa mga sikat na Engineering school ang UP, pero mas pinili kong lumipat sa batangas para lang makasama si erika. Nabalitaan ko kasing dun sya nag aaral. Its not a bad idea after all dahil okay din naman ang school na nilipatan ko. At nakikita ko pa si Erika. She is taking up a BS Electronics and computer engineering. Nagbabakasali ako na magkakabalikan pa kami ni Erika. She is my girlfriend when we were in Highschool. Mahal na mahal ko sya at handa akong patawadin ang kung anu mang pagkakamali nya sa akin kung sasabihin nya na mahal pa rin nya ako. Pero sila pa din pala ng boyfriend nya. Walang kaalam alam ang lalaking yun sa nakaraan namen ni Erika, hindi ko nga alam kung may nakakaalam, dahil pareho kaming lumaki sa maynila. Gusto kong bangasan ang mukha ng lalaking yun pero wala akong magawa, baka mas lalong lumayo sa akin si Erika. Kailangan ko syang makuha ulit. But then I met Cath, na nagpakumplikado ng lahat ng bagay. Lantaran ang pagpapakita nya saken ng emosyon. Nakakatuwa nga kasi hindi ako sanay na may ganung babae saken. Tahimik lang ako nun tapos alam pa ng lahat na kay Erika lang ang puso ko. Feeling ko tuloy napakasama kong tao para paasahin si Cath. Pero kaibigan lang talaga ang turing ko kay Cath at si Erika talaga ang gusto ko.

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon