Part 15

545 22 2
                                    

Hi @HikaruRamos and @babbyrosevilladolid9 ! Salamat daw sa pag damay nyo kay Cath sa pagiging broken hearted nya. Hihi.

~~~~~~~~~
It has been two weeks, two weeks in hell. Pinipilit kong iwasan si Jev.. Madalas palagi ko syang nahuhuling nakatingin sa akin. I even change my schedule, tutal tita ko naman ang teacher namen kaya nagawan nya ng paraan kahit na tinatanung pa rin nya kung bakit gusto kong magpalipat. I really tried my best na maiwasan sya pero kapag lalo ko syang iniiwasan mas lalo ko syang minamahal. Madalas ko ding makitang magkasama sila ni Erika. Torture para saken lahat ng yun. Pero hanggat masaya si Jev, hinahayaan ko sya. Mahal ko eh. Ganun ba pag nagmamahal? palaging kailangang magbigay? Kailan kaya dadating yung panahon na ako naman ang bibigyan ng pagmamahal. Na ako naman ang mamahalin at pahahalagahan.

"Hayyyyyy." I heaved a sigh.

"Lalim nun bakla ah!" Inirapan ko na lang si Josie.

"Bakla uso na ba ang zombie apocalypse?" saad naman ni Thara habang nasa library kami. Nagkunwari namang natatakot si Josie at naghanap ng zombie.

"Asan Asan?! Oh my gosh! kelangan ko ng makatikim ng ohms! kelangan kong matikman si PJ bago mahuli ang lahat!" Umani naman ng batok si Josie ke Thara. "Gaga! kaharap mo na yung zombie!"

"Aray! makabatok wagas? Muntik ng masubsob ang mukha ko sa libro ah!" reklamo naman ni Josie.

"Dapat lang! para magkalaman nayang utak mo!"

"Wow! nahiya naman ako sayo.. eh yung square root of 43729582649294, alam mo?"

"Balik na lang tayo kay Cath... ikaw naman di na mabiro..."

Tinawanan ko na lang ang dalawang bakla sa asaran nila.

"Ayyyy.. ang plastic ng tawa mo teh! wag mong pigilan iiyak mo yan! alam nameng broken hearted ka." Thara said as he closed his books. Wala naman ding papasok sa kukute nya for sure.

"Haaaayyyy.." I sighed deeply. Puro na lang ako buntong hininga. "Bakit kasi sya pa yung minahal ko." Itinuon ko ang siko ko sa lamesa at inilagay ang dalawang kamay ko sa baba ko para suportahan ang mabigat at matigas kong ulo. Isama na ang pasaway kong puso. Wow #whogoat.

"Baks... wala kaming magawa para maibsan ang nararamdaman mo... pero eto oh.."Iniabot ni Josie saken ang isang maliit na purse. and when I open it nakita kong may blade.. "Laslas ka na para masaya!" palakpak pa sya. Binatukan ulit sya ni Thara.

"Ikaw wala ka ng matinong ipinayo sa kaibigan nateng ito. Laslasin ko yan leeg mo eh!"

"Magsitigil na nga kayong dalawa.. Hayyyssss."

Natahimik kaming lahat. Naging busy ang dalawa sa pagbabasa samantalang ako lutang pa din ang pag iisip.

"Hi mga ate! pwede bang makishare ng upuan?" sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita. Isang babaeng may malalim na dimples, payat at baduy manamit. Nagpalinga linga ako at nakita kong halos wala na ngan maupuan. Yug totoo? library o palengke? Sadya bang masisipag ang mga estudyante sa paaralang ito? O wala lang talagang matinung

Tumango na lang ang dalawang bakla kahit na kita mo sa mga mukha nila na ayaw nila. Ako, wala na ding nagawa.

"Salamat po! Ako nga po pala si Gabriella Faye Medina! pero pwede nyu akong tawaging Faye, sophomore po ako. Di ba ME po kayo? senior ko kayo? di ba di ba?" feeling close! kaasar!

Thara and Josie just rolled their eyes heavenwards. Alam na alam ko pag di nila bet ang isang tao. At ayaw nila sa mga feeling close!

"Bakla pigilan mo ako dito baka makalimutan ko ang salitang "forgive"" bulong ni Thara kay Josie. Bulong pero dinig ko din naman. I just rolled my eyes.

Love Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon