Chapter 2
FAAH Bucketlist
1. Sleepover
2. Commute for 1 week
3. Violate a school rule
4. Say "yes" for a day
5. Spend a day at Enchanted KingdomYan palang ang naisipan naming ilagay sa bucketlist pero grabe ang hirap ng 2-4! Baliw ata ang nag suggest ng mga yan. -_- Waaah, of all things na pwede isuggest mag commute pa talaga ang naisipan. Hindi pa naman ako marunong mag commute. Nasanay kasi ako na may naghahatid at sundo.
"Okay, number six?" tanong ni Angel sa amin. Siya kasi ang tagasulat.
"Group hug 5 random people!" suggest ni Charlotte habang naka ngisi.
"That's crazy! Nakakahiya kaya yan." sabi ni June na abot sahig ang pagsimangot.
"Juneey, after graduation wala nang pakialam yung mga yun sa'tin kaya, no need to worry." sabi naman ni Charlotte with a cheery smile.
"Yeah, we'll do it the day before graduation." sabi ni Angel habang sinusulat ang 6th thing na gagawin namin.
"Uy may naisip ako, uhm, how about we wear the same style ng gown sa prom pero different colors." sabi naman ni June na 'di sigurado sa suggestion niya.
"Okay, any ideas guys? Ikaw Blaine wala kapang contribution oh." sabi ni Angela habang nakatitig sakin.
"Sandali lang, nag iisip pa ako."
"Uhm, guys may isusuggest ako pero promise niyo na 'di kayo tatawa ha?" seryosong sabi ni June.
"Okay?" sabay-sabay naming sagot.
"Well, gusto ko lang kasi subukan. Fall.... in love." Nanlaki yung mga mata namin at nagtinginan ng matagal.
"Okay, that was really cheesy June." sabi ni Cha habang naka pokerface at yun nagtawanan kami sa pagka hopless romantic ni Juneey at sa mukha ni Cha.
"Well, gusto ko rin ma feel yung pagka inlove nayan so isali na natin at let's have a group date pag natupad na natin yan!" excited ba sagot ni Janela, nickname nga pala yan ni Angela kasi diba Jane Angela.
"Puro kayo kalandian! Janela, isali mo narin sa list na mag island hopping tayo." sabi ng one and only mataray na bakla.
"With boyfriends! Paki lagay narin dyan na we should dance in the rain" dugtong ni June.
"Landi ng babaeng to!" sagot ni Wendel. Nagbatuhan ng unan ang dalawa habang kami tawa na nang tawa.
"So ano ito na lahat?" tanong ni Janela.
"Wait, may naisip na ako!" sabi ko sa kanya.
"Pag yan may kinalaman sa love, ibabato ko talaga 'tong Ipad sa mukha mo Blaine!" sabi ni Wendel na halatang nandidiri sa idea ng love. Bitter kasi yung crush niya may girlfriend na. Umiling ako sa sinabi niya at tumawa ng mahina.
"Gusto ko sana na mag organize tayo ng concert natin kahit sa school lang tapos mag invite tayo ng mga famous bands parang gift narin natin sa schoolmates natin before tayo grumaduate." pagkasabi ko nun ay nakatitig lang sila sa akin tapos madramang pumalakpak ang baklita at sumunod din silang lahat.
"Wow, kinabog mo lahat ng suggestions namin 'te!" sabi ni Wendel sabay palo ng mahina sa balikat ko.
"Perfect, girl! Pero dapat magbayad parin sila at yung malilikom natin ay ibibigay natin sa charity para naman dual purpose." sabi ni June habang naka smile ng malaki.
Nagprint kami ng isa-isang copy nung bucketlist at pag uwi ko binasa ko ulit yung nakasulat dun. Pagkabasa ko sa "Fall in love", napatanong ako sa sarili ko, matatapos kaya namin to within 5 months? Malabo kasi talagang ma-inlove ako. -_-
A/N
Weeee, chapter 2 is done! :) sorry kung medyo boring 'di ko kasi gaanong napag isipan 'tong chapter na'to :3 Don't forget to VOTE :)
-Lucy
BINABASA MO ANG
Four and a Half
Humor"That's crazy! Nakakahiya kaya yan." sabi ni June na abot sahig ang pagsimangot. "Juneey, after graduation wala nang pakialam yung mga yun sa'tin kaya, no need to worry." sabi naman ni Charlotte with a cheery smile. "Yeah, we'll do it the day before...