It's A Boy!

42 3 4
                                    

Chapter 8

Blaine's P.O.V.

Nagising ako dahil sa napakaliwanag na sikat ng araw. Wait, liwanag? Oh my, anong oras na?! Asan na ba yung phone ko? Hanap hanap hanap hanap ayun! Matingnan nga ang oras.

7:15

Crap! Friday nga pala ngayon, may volleyball practice kami 6 am. Lagot ako nito, I overslept. Oh wait, malapit na ako ma late! Grabe naman o, this is definitely not my day.

Nagmadali na ako sa pagligo at pumunta na sa kusina. Nandun si Mommy na naghahanda ng breakfast. Bacon, eggs at pancakes, yum! Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush ako syempre at nagpahatid na papuntang school. 5 minutes nalang late na ako kaya tumakbo na ako kaya pagdating ko ng classroom ay para akong aso sa kaka halhal. Mukha na din akong bruha sa sobrang gulo ng hair ko.

"Mahangin sa labas te?" nakakalokong tanong ni Wendel.

"Shut up, Wends." sagot ko naman habang tinatali ang buhok ko.

"Mainit ata ulo mo girl. Why oh why?" tanong naman ni Charlotte.

"I overslept at muntikan na akong malate."

"Oh my gosh, ang oh so responsible na Blaine muntik malate?" sabi ni Wendel.

"At hindi sumipot sa practice kanina." dagdag naman ni Janela.

"Oo na, oo na. Nanuod kasi ako ng Expelled kagabi. So, yun nakalimutan kong may practice pala kaya late na ako natulog." sagot ko naman.

"Hala, si Miss Goodgirl nagiging iresponsable na. tsk tsk." sabi naman ni June.

"Whatevs. By the way, kamusta ang practice?" sagot ko uli.

"The usual, nakakapagod pa rin. Wag ka mag-alala sinabi namin kay coach na baka may sakit ka kaya na miss mo ang practice kanina at okay lang naman sa kanya." sabi ni Cha.

"Waaa, thanks guys." sabi ko sa kanila, "Wait, ba't wala pang teacher? Anong oras na o."

"Easy lang nerdy, may inaasikaso lang daw sandali si ma'am. May bagong student daw kasi." sagot naman ni Juneeey.

"Aaaa- yan na pala sila o."

"Good morning class." pagbati ni Ma'am Julie.

"So, katulad ng narinig niyo may bago tayong mga studyante." nagbulungan na ang ibang classmates namin.

"Mr. and Ms. Gallarde pumasok kayo at ipakilala niyo ang inyong mga sarili."

Pumasok na ang mga new students. Yung lalaki ay matangkad, chinito at medyo chubby pero maitsura naman. Matangos ang ilong niya at messy ang hair pero bagay naman sa kanya. Yung babae naman ay matangkad din, katamtaman lang ang laki ng mata niya, mahaba ang buhok at chubby siya pero cute na pagka chubby. Ang kapansin pansin sa babaeng yon ay ang kanyang ilong, hindi naman siya pango pero may kalakihan ang butas ng kanyang ilong pero bagay naman sa kanya kaya okay narin. Kapag tiningnan mo yung lalaki masasabi mo na maingay ito dahil mukhang confident naman siya eh at yung babae naman ay nakayuko lang mukhang mahiyain talaga.

"Hi guys! I'm Shawn Gallarde." sabi nung lalaki.

"Uhm, Hi. I'm Sierra Gallarde." nahihiyang sabi ng babae.

"Are you guys twins?" tanong ng isa naming kaklase.

"No. I'm a year older than her." sagot nung Shawn.

"Okay, maupo na kayo. Shawn dun ka sa tabi ni Blaine," sabay turo sa upuan sa tabi ko "Ikaw naman Sierra, uhm, sa tabi ni June." sabay turo sa upuan sa tabi ni June.

Four and a HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon