The News

125 3 2
                                    

Chapter 7
Janela's POV

Yung feeling na kapag dumadaan ka nagbubulungan ang mga tao. May iba na tinatawanan ka pa.

"Uy Janela, ayos yung video mo ah!" sabi ni Trey na kasama ni Wendel sa men's volleyball team. Nginitian ko lang siya.

"Hey Janela! Your video is so funny but you're still pretty though. Anong nakain mo't ginawa mo yun girl ha?" tanong ni Stella, classmate namin.

"That was a dare, Stel." natatawa kong sagot.

Ilan lang yun sa mga side comments ng mga schoolmates namin tungkol sa video ko. Ugh, nakakahiya na talaga. Papunta na kami ngayon sa classroom namin nang may humila sa bag ko.

"Nakuha mo na ang attention ng lahat, bitch. So ano, happy ka na? O baka nakukulangan ka pa sa attention na nakukuha mo ngayon ha, attention seeker?!" pasigaw na sabi ni Nicole Caballero. Yung hater namin.

"Well, well, well, look who's here girls." sabi ni Wendel. "Ang feeling queen bee na queen bitch nating ex-friend and number one hater, please welcome, Lea Nicole Caballero!" nagsipalakpakan kaming lahat pati na yung ibang students.

"Epal ka talagang bakla ka, inggit ka lang kasi tunay ako, bakla ka lang!"

"Guys, I don't want to waste my precious time for that brainless chic so let's go." sabi ni Blaine.

"Wow, yabang mo na ngayon ah! So ano, maganda ka na nyan ha?"

"Hindi. Eh yang panglalait mo ikinaganda mo?" mataray na sagot ni Blaine. "Awww, hindi rin. So guys, tara na kaimbyerna 'tong queen bitch na'to eh."

Kaya 'yun, naglakad na kami papunta sa classroom namin pero syempre rinig na rinig parin namin ang pag sigaw ng bad words at panglalait ni Nicole. Sanay namana kami kaya medyo okay na.

Hanggang sa classroom bulungan parin ang naririnig ko. Nakakainis na talaga!

"Girl, napaka famous mo today." natatawang sabi ni Wendel.

"Oo nga, pinsan." sabi ni June.

"Pinsan ka jan! Sapak, gusto mo?" naiinis kong sagot.

"Eto naman, nagpapractice lang ako. Baka kas--"

"Aaargh! Tama na please."

"Ay tama, guys nakalimutan ko. May pinasabi pala si Mommy." nakangiting sabi ni Cha halatang excited.

"Ano?" sabay-sabay naming tanong.

"Kailangan sabay talaga? Hahaha. Anyways, ayun pumayag na si Mommy na mag organize tayo ng concert at sobrang happy niya nung sinabi ko yung tungkol sa charity."

"Yeheeey! Sinabi mo na ba na sa January 20?" tanong ko kay Cha.

"Yup. Guys, there's more! Hahanapan niya daw tayo ng bigtime sponsors and magbigay daw tayo ng list ng mga bands na gusto natin at gagawan niya daw ng paraan." dagdag ni Cha.

"One Direction, 5 Seconds of Summer, The Vamps, Ed Sheeran, Litt---" sabi ni Blaine.

"Wow, seriously? British lahat?!" tanong ni Wendy.

"At, hindi naman band si Ed Sheeran ah." dagdag ni June.

"Pake niyo ba!" nag tongue out siya, "at oy, 'di kaya British ang 5SOS at guys alam ko na alam niyo na perf si Ed."

"Blaine, you're fangirling again.  Tsaka di natin ma reach yung ganon ka sikat no." pagreklamo ko sa kanya.

"Sabagay, kahit wag nalang 1D wala din naman si Zayn eh." malungkot na sabi ni Blaine. Affected talaga siya sa pag alis ni Zayn sa 1D kaya ganyan siya. Hindi daw kasi 1D ang 1D kung kulang sila.

Four and a HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon