Chapter 6
Wendel's P.O.V.Ke aga-aga pa, imbyerna na ang beauty ko! Paano ba naman ang mga barkada ko late na naman 'yan tuloy mag-isa ako ngayon sa first subject namin. FOREVER ALONE. Wala ako sa mood makinig sa mga problema nitong letcheng Math na'to! Aba'y pinapahanap na naman ang bwisit na X niya. Nakatulala lang ako sa desk ko ng mga 10 minutes kaya hindi ko namalayan na may pumasok pala sa classroom namin. Narinig ko nalang na may nagsasalitang lalaki. Wait, lalaki? Napatingala ako sa boses niya.
"...but you can call me Zach." pagpakilala niya habang nakangiti. That Zach guy is smoking hot! Napaka yummy niya, nakaka laglag panty.
"Okay, Zach you can sit infront of Mr. Grande." sabi ng teacher namin sabay turo sa seat sa harap ko. Ayy BFFs na kami nitong Math teacher ko na'to. Umupo na si Zach sa harap ko at siyempre tulo laway ang ate niyo! Ganda ng katawan, naiimagine ko na ang six pack niya. OMG, so yummy.
Ang bilis ng oras. Second subject na pero wala parin ang mga BFF ko. Solo flight na naman ako pero okay na din, solong solo ko ang magandang tanawin a.k.a. macho body nung Zach. 'Di na ako nakikinig sa discussion ng teacher namin. Nakatingin lang ako sa poging katabi ko. Ang gwapo niya pala talaga sa malapit lalo na yung mata niya, nakaka inlove! Ay anlandi. Nag e-enjoy na sana ako nang nagvibrate yung phone ko.
"Nasa canteen kami ngayon. Sunod ka nalang. -June" sa wakas dumating na talaga sila.
Nung nag ring na 'yung bell, nagmadali akong umalis ng classroom. Pagdating ko sa canteen, narinig ko na agad ang apat na babaeng grabe kung makatawa. Nung napansin nila ako nginitian nila ako.
"'Wag kayong magsmile jan na parang wala kayong kasalanan." pagdadrama ko.
"Ayy nagtatampo si baby girl." nakangiwing sabi ni Blaine.
"Sayang naman may fries pa naman dito para sa kanya." sabi ni Janela at nilabas yung extra large na fries.
"Ito ring friendship necklace." sabi ni Charlotte habang pinaglalaruan yung necklace na pinagawa namin.
"So masasayang narin 'tong coke float niya?" tanong ni June sabay titig sa coke float.
"So akin nalang 'yan?" tanong ni Blaine.
"Nooo! Mine, mine and mine", isa-isa kong kinuha ang mga goodies sa kanila bago ko sila binatukan isa-isa.
"Napaka violent talaga ng baklang 'to. By the way, we're really sorry Wendy Wends, 'di naman namin sinadyang malate ng sabay-sabay." sabi ni Blaine na nakasimangot parin.
"Sige, pero sa susunod 'di ko na kayo papansinin, ever!"
Tumango sila at niyakap ako. Nagtsismisan lang kami doon. Napag-usapan din namin ang susunod na gagawin namin sa bucketlist. We all agreed na mag sleep over kami mamaya at kung uulan, gagawin na namin yung dance in the rain at next Saturday naman, pupunta kami sa Enchanted Kingdom. Excited na kaming lahat sa mga plans namin kaya 'yun kanya-kanya na kaming suggest ng mga gagawin mamaya sa sleep over. May sasabihin na sana si Angel nang may sumigaw.
"Wendy!" paglingon ko nakita ko si Zach. I was like OMG, laglag panty!
"Pucha! Nawala lang kami ng ilang oras may boylet ka na agad talandi ka ha!" pasigaw na bulong ni Janela sa akin. 'Di ko lang siya pinansin kasi naka focus ako sa kay Zach, well, pati buong canteen nakatingin sa kanya. Papunta siya sa table namin, as in malapit na siya. Pinagpapawisan na ako. Mamamatay ata ako sa kilig nito. Grabe ang haba ng hair ko 'te! Nung malapit na talaga siya nakatitig parin ako sa kanya pero siya nakatitig kay... Cha? Si Cha naman nakayuko, kumakain.
"Uy! Hi classmate." bati niya sa akin habang naka smile, "Umm, girls would you mind if hihiramin ko saglit si Wendy?"
" 'Wag ka nang magtanong, let's go na papa Zach." sabi ko sa kanya at tumayo na at nilock yung arms namin.
BINABASA MO ANG
Four and a Half
Humor"That's crazy! Nakakahiya kaya yan." sabi ni June na abot sahig ang pagsimangot. "Juneey, after graduation wala nang pakialam yung mga yun sa'tin kaya, no need to worry." sabi naman ni Charlotte with a cheery smile. "Yeah, we'll do it the day before...