Chapter 3
June's P.O.V.Pagkatapos naming maprint yung list ay umuwi na rin kami agad kaya nagpahinga muna ako. Hindi maalis sa isip ko ang Bucketlist. Fall in love... Kinikilig talaga ako sa concept ng love at kapag yan na ang napag-uusapan, isa lang ang pumapasok sa isip ko, si Maxfer Clyde Ramirez. He's my first and only crush. Captain siya ng basketball team ng school namin and he's also a skater like me which is a major turn-on. Ang dad niya ay isang Neurologist at ang mom niya naman ay isang super sikat na fashion designer. Since unico hijo siya, lahat ng gusto niya nakukuha niya pero infairness 'di siya gaanong hambog. Gwapo na mabait at matalino pa, siya na talaga ang epitome ng "Ideal Guy" ko. Hirap kaya humanap ng lalaking katulad niya, gray eyes, matangkad, mapupulang labi, brownish wavy hair and perfect manly eyebrows. Natatawa ako sa sarili ko, para kasi akong asong naglalaway sa pagkain, hays di bale na nga. Tumunog yung phone ko may nag-text ata, matingnan nga muna.
Commute tayo bukas for the bucketlist, 7am kita tayo sa sakayan ng tricycle. -JA
So, it's official bukas na ang simula ng paggawa namin ng mga crazy things na nasa bucketlist. Well, tomorrow's a big day kaya kailangan ko ng good night sleep.
***
I talk a lot of (shh) when I'm drinking, baby
I'm known a little to fastUgh, ke aga-aga may tumatawag. Badtrip naman o!
Don't mind all my friends, I know they're all crazy
But they're the only friends that I haveHuminto na ang pagtunog ng phone ko kaya tiningnan ko nalang baka importante.
1 missed call
CharlottyyyOh sh*t! Dapat pala maaga ako ngayon. Nagmadali ako sa pagligo at pagbihis tapos tinext ko sila na papunta na ako pero syemre white lie yun, kumain muna ako bago umalis ng bahay. Paglabas ko ng bahay, medyo nagulat ako sa nakikita ko.
"Wow, papunta na pala ha." sabi ni Wendy na nakangisi.
"Always and forever kupad ka talagang babae ka!" sumbat naman sa akin ni Charlotte.
"O, may tricycle na. Para!" sigaw ni Blaine.
"Oh gosh, late na tayo. Tara na, bilis!" pagmamadali ni Janela.
***
9 a.m. na kami nakarating sa school and we are late for an hour kaya eto kami kinakausap ni Tita Principal sa office niya. Inexplain namin na nag commute kami para sa bucketlist namin at na late kasi naligaw kami, naintindihan naman niya at 'yun dahil cool si Tita Cheska, support siya sa list namin basta daw di maapektohan ang grades namin. Pagkatapos nun ay pinapunta na kami ni tita sa next class namin which is P.E. Sa nakikita ko boys lang ang pinaglaro ni Sir Jeff, ang P.E. teacher namin. Basketball ang nilalaro nila at syempre dahil classmates kami ni Maxfer, nandito siya. Nakatayo ako ngayon sa tabi ng pader sa may gilid ng court kaya kitang kita ko lahat ng shots niya at syempre ang kagwapuhan niya. Tumingin siya sa akin pero wait, nanlaki ang mata niya at... at...
***
Pagkagising ko, wait, what? Nakatulog ako? 'Di naman white ang kwarto ko ah. Ayy, nasa clinic ako, tama. Pero bakit kaya? Ang huling bagay na natandaan ko ay nakatingin siya sa akin at naging madilim na ang lahat. Lumingon-lingon ako sa paligid at may lalaki na nakaupo sa tabi ko, nakatulog ata. Kinalabit ko siya para magising at pag taas ng ulo niya natunaw ang puso ko. Si Max my love, nandito!
"O, okay ka na ba? Anong masakit sayo? Gutom ka na ba?" tanong niya.
"Ah eh, o-okay namana ako. Ano ba'ng nangyari?" mabulolbulol kong sagot.
"Pagpasa ko sana sa kasama ko ay di niya nasalo kayo natamaan ka sa ulo at naumpog sa pader kaya ayun nahimatay ka."
"Aaaah" wala akong masagot, naiilang na talaga ako eh.
"Sorry talaga miss ha! Sorry." nakatitig siya sa akin, ano ba to feeling ko nagbublush na ako.
"Hahaha. Okay lang 'yun."
"By the way, I'm Max." sabi niya habang inabot ang kamay niya para makipag shakehands.
"June." Grabe ang lambot ng kamay niya.
"Uuuh, pwede mo nang bitiwan ang kamay ko, J" Gosh, ibaon niyo na ako sa lupa, please. Nakakahiya naman o!
"Hehe. Ay, sorry."
"Sigurado ka bang okay kana? Ihatid na kita sainyo."
"Hindi na, may kasabay naman ako eh."
"Sige, ingat ka! See you around." Nag wink siya. Nung feel ko na na wala na siya, tumalon talon ako at sumigaw na parang baliw. Nagkausap kami. Waaah.
Author's Note
Hi guys! Thank you for reading. waaavyuuuu :* Keep reading :) Don't forget to vote :D
BINABASA MO ANG
Four and a Half
Humor"That's crazy! Nakakahiya kaya yan." sabi ni June na abot sahig ang pagsimangot. "Juneey, after graduation wala nang pakialam yung mga yun sa'tin kaya, no need to worry." sabi naman ni Charlotte with a cheery smile. "Yeah, we'll do it the day before...