Palabas na ng lobby si Lisa, hindi sinasadyang makakasalubong niya sina Jisoo at Tzuyu.
Sandali silang natigilan.
''Lisa...can we talk?'' si Jisoo nang lapitan sya nito.
Ngunit sa halip na sumagot ay isang mabilis na sampal sa mukha ang ginawa ni Lisa. Muntik nang matumba si Jisoo sa lakas ng sampal ng kanyang pinsan. Naramdaman nito ang pananakit ng pisngi.
Napatingin ang mga tao sa kanila.
''Lisa, anong ginawa mo?!'' natatarantang sabi ni Tzuyu nang mabilis nitong alalayan ang asawa.
Nanatili lamang na nakakuyom ang mga kamao ni Lisa habang masamang nakatitig kay Jisoo. Wala syang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng ibang tao roon.
''Wala kang pinag-iba sa mga magulang ko, Jisoo. I'm not some robot who's programmed to be perfect.'' matigas nitong sabi.
Nanatiling nakahawak sa pisngi si Jisoo. Dumating ang ilang security pero sumenyas ito na hayaan lamang sila.
''I'm sorry, nagawa ko lang yun dahil...'' hindi naituloy ni Jisoo ang sasabihin.
''Alam ko na ang lahat. Of all people, ikaw pa?!'' matigas nitong sabi at gad tumalikod. ''I don't wanna talk about it, anymore! I don't wanna see your face ever again! '' at mabilis na nilisan ni Lisa ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
RED SKY
RomanceA blind beautiful Jennie fell in love with a broken soul Lisa. But Lisa was her boyfriend's sister. The heart really knows what the eyes cannot see. Yes, a typical love story, tragic and betrayal was part of it. But if you open up your mind and you...