CHAPTER 16

220 54 16
                                    


Handa na si Lisa para sa kanyang flight pa-Canada. Ilang oras na lang ang kanyang hihintayin, aalis sya nang hindi man lang nagpapakita sa kanyang mga magulang, at kay Eun Woo. Aalis sya na hindi nalalaman ni Jennie.

Sekreto lamang ang pag-alis nyang iyon, ayaw nyang malaman ng iba. Gusto nya na ng katahimikan at magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa.

 Gusto nya na ng katahimikan at magsimula ng panibagong buhay sa ibang bansa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nasa restaurant si Jennie nang araw na iyon habang hinihintay ang mga kaibigan para sa kanilang dinner nang may lumapit sa kanyang isang babae.

''Hello po, I'm sorry for disturbing you, pamilyar po kasi kayo sa akin. Have you been admitted sa isang hospital sa Japan?''

''Y-Yes.'' alanganing sagot ng dalaga.

''I knew it. By the way, my name is Jane, I'm a nurse in Japan, sa Tokyo po at kami po yung na-assign during surgery nyo at sa admission nyo.''

''Oh! Nice meeting you Nurse Jane, thank you at naalala mo pa ako. Have a seat.'' masayang sabi ni Jennie nang kamayan nito ang nurse.

''Any drinks? Food?'' offer nito.

''Huwag na po Ma'am, katatapos lang kumain. Kumusta na po kayo?''

''So far, so good. Thank God at salamat din sa medical team nyo. Anyway, are you in your vacation?''

''Yes po Ma'am.''

''Just call me Jennie.''

''Ahm sige po Ms. Jennie, by the way, kumusta na po yung bestfriend nyo?''

''Bestfriend?''

''Opo, yung kasama nyo sa hospital. Madalas ko po syang makita sa room nyo, binabantayan kayo, minsan nasa lobby siya, dun nakakatulog, then minsan nakikita ko rin sya sa chapel.''

''May ilang bumibisita sa akin sa room, pero dahil hindi ko sila nakikita, I don't even know na....'' sandali syang natigilan at napaisip. ''Nakausap mo ba sya?''

''Hindi po, there are times na bumabati po ako sa kanya kapag nagkakasalubong kami, ngiti lang po ang sagot nya sa akin, akala ko nga po pipi sya kasi hindi nagsasalita.''

''Can you describe him or her to me?''

''Matangkad po sya, medyo seryoso po ang mukha, may bangs, pero sobrang ganda po.'' kinikilig pa nitong sabi.

Napaisip at sandaling natahimik si Jennie, pumasok sa kanyang isipan si Lisa.

''Paano mo naman nasabing bestfriend ko yun?''

''The way take care of you, sobrang inaalagaan nya kayo, palagi ka nyang pinagmamasdan habang natutulog po kayo, palagi syang may dalang mga bulaklak kapag bumibisita sa inyo. Nakikita ko po sa mukha niya na labis siyang nag-aalala sa inyo.''

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon