Patungo ng Singapore si Lisa. Tatlong araw ang international seminar nito.
At kahit abala sa trabaho, hindi nya pa rin nakakaligtaan na kumustahin ang kalagayan ni Jennie. Madalas nyang kausap si Eun Woo sa phone.
Hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga kaya't labis na nag-aalala ang pamilya nito lalo na si Eun Woo.
Matapos ang unang araw ng seminar, nakatanggap si Lisa ng isang mensahe mula kay Rose.
Your neck is not a shirt, so don't hang it.
Your skin is not a paper, so don't cut it.
Your heart is not a door, so don't lock it.
Your life is not a film, so don't end it.
- Lethal Optix. Stay strong Manoban! Have a nice day!
Tipid na napangiti ang dalaga sa mensaheng iyon.
''Kawawa naman pala ang girlfriend ng brother mo.'' wika ni Rose habang kausap nito sa kabilang linya si Lisa isang gabi.
Nasa penthhouse ng isang building si Lisa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.
''Yeah. He really loves that girl and he wanted to spend the rest of his life with.''
''Wow that's true love.''
''Parang ganun na rin. Ikaw ba, magkuwento ka naman, how was your day? Or your true love.''
''Next topic please.''
''Why? That's interesting topic ever.''
''All I know, wala akong true love sa ngayon. Busy ako sa showbiz career ko and true love can wait.''
Natawa si Lisa. Napahaba ang usapan nila ni Rose. Masayang kausap ang dalaga. Nakatagpo sya ng bagong kaibigan. Isang kaibigan na magbibigay sa kanya ng kahulugan, kung anuman ang simula ng pagkakaibigang iyon, masaya ang dalaga dahil nakilala nya ito sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nang gabing iyon, nagkamalay na si Jennie. At nagtaka sya nang may nakatakip sa kanyang mga mata.
''Jennie. Thank God, gising ka na.''
''Eun, what...ha..happened?'' hirap itong magsalita.
Matapos ma-obserbahan ang kondisyon ng dalaga, handa ng tanggalin ang benda nito sa mga mata.
Naroroon ang kanyang buong pamilya at si Eun Woo. Nang matanggal na ang benda nito.
''W-Wala akong makita....''
BINABASA MO ANG
RED SKY
RomanceA blind beautiful Jennie fell in love with a broken soul Lisa. But Lisa was her boyfriend's sister. The heart really knows what the eyes cannot see. Yes, a typical love story, tragic and betrayal was part of it. But if you open up your mind and you...