CHAPTER 9

229 56 17
                                    

Matapos bisitahin ang puntod ni Irene, sunod na binisita ni Lisa ang mga magulang ni Irene. Sinalubong sya ng yakap ng mga ito.

''I'm glad at naalala mo pa rin kaming bisitahin, how are you anak?'' tanong ni Mrs. Hyun nang iabot nito kay Lisa ang isang baso ng juice.

Nasa hardin sila nang mga sandaling iyon.

''So far, okay naman po. Tulad ng dati, namimiss pa rin si Irene.'' sagot ni Lisa habang nakatingin sa kalangitan.

''Natural lang ang pagka-miss natin kay Irene, pero huwag mong itodo anak.'' wika ni Mrs. Hyun. ''Masakit ang proseso oo, pero kaylangan natin mag-move on.''

Natahimik si Lisa at sandaling uminom ng juice.

''After one year of being lost, there are times na sinubukan ko pong mag-move on, and now I tried and tried, then I met someone.''

Napangiti ang mag-asawa sa narinig na iyon. Napatingin sila sa isa't-isa.

''Talaga? Who is the luckiest person?'' tanong ni Mr. Hyun

''It's complicated po. At saka nagustuhan ko po sya dahil halos may similarities sila ni Irene.''

''Anak, it's okay na magmahal ng iba, because this is your life, and our daughter is no longer with us. Pero kung magmamahal ka dahil sa naaalala mo si Irene sa kanya, it's not fair to her kung sino man sya.'' wika ni Mrs. Hyun.

''Kung magmamahal ka, mahalin mo sya bilang sya, not because of Irene, not because of anyone else.'' dagdag pa ni Mr. Hyun.

''Irene was my true love. Kaya siguro kung magmamahal po ako ulit, gusto ko yung kasing buti ng puso at kalooban nya.'' nangingilid ang mga luhang sagot ni Lisa.

Masuyong tinapik-tapik ni Mrs. Hyun ang balikat ni Lisa.

''We can't blame you kung yan ang gusto mo sa isang taong gusto mong mahalin. But you have to weigh the situation anak. Magmahal ka na hindi nakatali sa iyong nakaraan.''

Masuyong pinunasan ni Mrs. Hyun ang luha ng dalaga. Pareho silang napapaluha nang mga sandaling iyon.

''And I'm sure, magiging masaya na si Irene kapag nakikita ka na niyang masaya na ulit, saan man sya naroroon.''



Pauwi na si Lisa sa condo nito matapos makausap ang mga magulang ni Irene. Habang nagmamaneho ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kapatid.

''Ate, what time are you going home tomorrow?''

''Tomorrow?''

''December 31 na bukas, bisperas ng Bagong Taon of course. We gonna make some fireworks here. Dapat maaga kang makauwi.''

Natigilan si Lisa.

''Ate still there? Don't tell me na hindi ka sisipot sa New Year, it's an important family event to us.''

''Bakit? Kung hindi ba ako uuwi, hindi matutuloy ang Bagong Taon?''

''Wow, pilosopo mode?''

Tipid namang napapangiti si Jennie habang naririnig ang biruan ng magkapatid sa cellphone. Naka-loud speak kasi ito. 

At may bahagi sa puso nya ang lihim na natutuwa nang marinig ang boses ni Lisa.

Nasa kusina sila nang mga oras na iyon at nag-aayos ng mga lulutuin para sa Media Noche.

''Mas pilosopo ka kaya sa akin.'' sagot ni Lisa sa kapatid.

''Oo na! Ano, uuwi ka ba or uuwi?''

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon