CHAPTER 1

717 67 23
                                    


Would it be nice if you are lying in your bed with the one you love.

Holding your hand...

Touching your hair...

While saying the words ''I Love You''


Wala na yatang sasaya pa sa taong nagmamahal habang kapiling ang kanyang minamahal.

Langit. Ito ang pakiramdam ni Lisa habang nararamdaman ang presensya ng kanyang minamahal na si Irene.

Nasa isang resort sa isang isla ang magkasintahan habang ipinagdiriwang ang kanilang ikadalawang-Anibersaryo bilang magkasintahan.

Sa isang magandang silid kung saan tanaw ang karagatan, ang kulay ng kalangitan at ang mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid.

Heto si Lisa, nakahiga sa isang kama kung saan tanaw ang ganda ng karagatan. Dapit-hapon kaya't kaygandang pagmasdan ang kalangitan.

 Dapit-hapon kaya't kaygandang pagmasdan ang kalangitan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunset. Isa sa paboritong pagmasdan ng magkasintahan. Ang iba't-ibang kulay na pinaghalo dahil sa paglubog ng araw ay naghahatid sa kanila ng kakaibang pakiramdam.

''Ang ganda ng paligid, ang ulap, ang langit. Everything is so perfect.'' nakangiting sabi ni Irene habang nakahiga ito sa may tiyan ni Lisa at magkahawak-kamay habang pinapanood ang paglubog ng araw.

''Yeah everything is so perfect, napakaganda ng paligid, pero ang pinakamaganda sa lahat ay ikaw." mula sa pusong sabi ng dalaga.

Napangiti si Irene sa narinig na iyon.

''Lilipas ang panahon, ang gandang sinasabi mo ay maglalaho rin, tatanda tayo, kukulubot ang mga balat, baka sa panahon na yan, hindi mo na ako masasabihan ng salitang yan.''

Napangiti si Lisa at marahan na pinisil ang kamay ng minamahal.

''Minahal kita hindi lang dahil sa pisikal na anyo. Minahal kita bilang ikaw. And I promise kahit ilang libong wrinkles pa ang dumating sa atin, mamahalin kita at aalagaan ko ang relasyong ito.''

Bumangon si Irene at humarap sa babaing minamahal.

''I will love you for the rest of my life, until my last breath.'' nakangiting sabi nito at masuyong hinalikan ang mga labi ng nobya.

At masuyo nilang niyakap ang isa't-isa.

Dalawang taon ng magkasintahan sina Irene at Lisa. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay kilala na nila ang isa't-isa, ang kanilang lakas at ang kanilang kahinaan.

Maging ang kani-kanilang pamilya ay tanggap at nirerespeto ang kanilang relasyon. Matatag. Masaya at punong-puno ng pagmamahalan, na kahit ilang pagsubok pa man ang dumaan sa kanila ay pinangako nila sa isa't-isa na magiging tapat sa relasyon.

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon