CHAPTER 15

230 55 36
                                    

Matapos mailabas ng hospital si Eun Woo, naroroon si Jennie at umaalay sa dating nobyo, katulad ng pag-alalay sa kanya ni Eun Woo noong naaksidente sya.

Matapos mailabas ng hospital si Eun Woo, naroroon si Jennie at umaalay sa dating nobyo, katulad ng pag-alalay sa kanya ni Eun Woo noong naaksidente sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga sandaling nahuhuli nyang nakatitig sa kanya si Eun Woo, palagi itong nakangiti.

''Are you okay? Nagugutom ka na ba?'' tanong ng dalaga habang sya ang nag-aalaga sa binata.

''I'm okay. I'm just happy. I can't believe you're here with me...again.''

Tipid na napangiti ang dalaga at masuyong hinawakan ang balikat ng binata.

''Magpagaling ka Eun, magpalakas ka. And promise me na tatapusin mo ang med school. Magiging duktor ka pa, ipangako mo yan sa akin.''

''Yes I promise, basta bumalik ka lang sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

''Yes I promise, basta bumalik ka lang sa akin.''

''Eun...''

Siya namang pagdating ni Mrs. Cha.

''Eun anak, mind if I borrow Jennie for a while, hijo?''

Tumangu-tango lamang ang binata.


Sandaling lumayo ang dalawa at nag-usap.

''I know it's hard for you to take care of Eun Woo after n'ong nangyari, even Lisa, kaya siguro hindi muna sya nagpakita, because she wants you to spend your time with Eun.''

''This is awkward Tita, kahit sa inyo po hindi ko alam na may mukha pa akong maihaharap after kong masaktan at iwan si Eun Woo.''

''Tapos na iyon, at nandito ka na ulit. At hindi naman siguro malabo na bigyan nyo ng chance ang isa't-isa.''

Sandaling natahimik si Jennie, naalala si Lisa.

''I'm sorry hija, I'm just hoping na maaayos nyo pa ito ni Eun.''

''Wala po itong kasiguraduhan Tita, I'll be there for Eun Woo hanggang sa paggaling nya pero hindi ko po maipapangakong...'' hindi nito naituloy ang sasabihin.

''Si Lisa pa rin ba?''

''Tita, I'm sorry. Don't blame her. Ako ang may kasalanan, ako po yung unang nagmahal.'' basag ang boses nito. ''Ako po mismo ang sumira sa relasyon namin ni Eun Woo, hindi si Lisa. Wala po kaming relasyon ni Lisa tulad ng inaakala ni Eun. Ginawa po lahat ni Lisa para layuan ako...and yet alam kong hindi nya pa rin maiwasan ang magmahal...at mahalin ako.'' nangingilid ang mga luha ng dalaga.

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon