CHAPTER 2

400 63 38
                                    


12 MONTHS LATER

Nasa isang bar si Lisa, mag-isang umiinom.

May isang grupo ng kababaihan ang lumapit sa kanya, gustong makipagkilala at gusto ring makipagsayaw sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May isang grupo ng kababaihan ang lumapit sa kanya, gustong makipagkilala at gusto ring makipagsayaw sa kanya. Pero tinanggihan ito ng dalaga.

''Mhmmp suplada!'' singhal ng isang babae.

''Girls, let's go! Don't waste our time with that lady.'' sabi ng isa.

''Yeah right. She look wasted.'' sabi naman ng isang kasama.

Narinig iyon ni Lisa ngunit hindi na iyon pinansin ng dalaga. Patuloy ito sa pag-inom. Patuloy na nilulunod ang sarili sa alcohol.

Nakailang bote na rin sya ng beer at iba pang matatapang na alak bago ito tinamaan. At hindi nya namalayang nakaidlip sya sa isang mesa.

''Ma'am, gising na ho, magsasara na po kami.'' sabi ng isang waiter.


Kahit na nahihilo pa ay pinilit nitong tumayo at pa-ekis-ekis itong naglakad patungong parking area. Dahil sa kalasingan ay natagalan syang makita ang kanyang sasakyan. Nang bumusina iyon gamit ang kanyang susi ay agad syang lumapit dito.

''There you are, pinahirapan mo pa ako ha...''

Nang makapasok sya sa loob ng kotse, kinuha nya ang isang bag at mula roon ay inilabas ang bote ng alak. Binuksan nya ito at mabilis na inimom.

''Yeah baby, it's time to party!''

Sinabayan nya pa ito ng malakas na musika mula sa stereo nito. At sinabayan ang rock music na kumalat sa loob ng kanyang sasakyan.

This is a song for the broken hearted!

Habang kumakanta ay natabig nito hawak na alak at nabuhos ito. Biglang natahimik ang dalaga. Natulala ito. Napayuko habang nakahawak sa manibela. Maya-maya'y bigla na lamang itong napahagulgol sa pag-iyak.

Mga iyak na puno ng sakit at pangungulila.

''I don't deserve this pain. I don't deserve this!''


Sa upisina. Abala si Lisa sa kanyang trabaho, heto sya sa harapan ng laptop nang lapitan sya ng kanyang boss.

''Ms. Lisa, medyo nagkaroon ng conflict sa research na ginawa ng grupo nyo. Maging sa proposal ay may data error din. Kaylangan nyong ulitin ang research data bago nyo isubmit.''

''Okay Sir, ipapatawag ko agad ang grupo ko for the meeting.''

Napatitig sa kanya ang kanyang boss, may nabago na kasi sa hitsura ng dalaga, ang dating masayahin at ganado sa buhay na si Lisa, ngayon ay palaging balisa, matamlay, bihira ng mag-ayos sa sarili at may lungkot ang mga mata nito.

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon