CHAPTER 4

238 57 36
                                    

Nasa kalagitnaan na ng biyahe sina Jennie sakay ng kanilang van at kasama ang mga kapwa teachers nang makatanggap ito ng tawag mula kay Eun Woo.

''Okay I'll see your Ate Lisa after the conference.'' sabi nito.

''Okay sweety, ingat sa byahe. Bye for now. I love you!''

''I love you too.''

At nagsimulang magkantyawan ang mga kasama nito habang nakikinig sa kanya, ang ilan ay kinikilig pa.

''Ang sweet naman ng mag-jowa, kaylan nyo ba planong magpakasal ni Mr. Cha Eun Woo?'' tanong ng kasamahan nito.

''I think it's too early para sa kasal, nag-aaral pa si Eun at ini-enjoy muna namin kung anong mayroon kami ngayon.'' nakangiti nitong sagot.

''Pero dapat kapag ikinasal na kayo ni future Dr. Cha, invited kami lahat ha?''

''Oo nga naman!'' sabi ng lahat.

Natawa na lamang si Jennie sa mga ito. Kinuha nito ang cellphone para i-text si Lisa.

''Hi Ms. Lisa, hope to meet you tomorrow, this is Jennie. Kindly save my number. Thank you po.''

''I'll see you.'' tipid na reply ni Lisa.

Tipid na napangiti si Jennie at muling nagreply dito.

''Can't wait to meet you in person.''

Hinintay nito ang reply ng dalaga. Ngunit hindi na nag-reply si Lisa.

''Mababanga tayoooo!!'' sigaw ng driver ng van nang may isang malaking truck na papasalubong sa kanila, at huli na para ito'y iwasan.

Nagpagulong-gulong ang van at sumalpok sa ibang mga sasakyan.


Katatapos lang ng meeting ni Lisa nang mabasa ang text ni Jennie.

''Can't wait to meet you in person.''

Tipid syang napangiti at nireplayan din ito.

''Can't wait to see my future-sister-in law.''

Tumungo sya sa sariling upisina. Tumunog ang cellphone nya, akala nya'y reply iyon ni Jennie pero ibang text ang kanyang natanggap mula sa kanilang team. Matapos iyong replayan muli syang nag-text kay Jennie.

''Kumusta ang byahe? Are you in Seoul already?''

At hindi na sya nakatanggap pa ng reply mula dito.


Maya-maya'y tumunog ang cellphone nito. Si Eun Woo ang caller.

''Ate, nasa Seoul na ba sina Jennie? Hindi ko sya makontak eh.''

''I don't know hindi rin sya nagreply sa text ko.''

''Baka nagsimula na ang conference nila. Strange, dati pinapaalam nya sa akin kung anong whereabouts nya but now...ahm maybe busy na siguro.''

''Just wait her text or call, okay?''

''Okay ate. Basta kapag nagkita na kayo ni Jennie, ipasyal mo sya sa mga tourist spot diyan. Ikaw muna ang tour guide nya.''

''Hey, hindi ako na-appoint as Research Manager sa trabaho ko para mag-baby sit lang sa girlfriend mo.'' protesta nito.

''Sige na ate, please, I owe you this one.''

RED SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon