Part 8

357 12 2
                                    

Natapos ang first subject ko at naglalakad na ako papuntang second subject ko ng makabangga ko ang isang lalaki.

" Sorry. " Kathy

" Ok lang. Wait, Kathy? " Bismark

" Oh hi! sorry ha nagmamadali kasi ako di kita napansin. " Kathy

" It's ok, btw san ba ang punta mo? " Bismark na sinundan na rin si Kathy sa paglalakad.

" Second subject ko, dun sa room 202. "  Kathy

"  Dun ka? Dun din ako papunta, so that means na classmate pala tayo sa subject na yun." Bismark

" Ay hindi, hindi ako dun uupo lang ako at makikinig.  Eh ikaw ano gagawin mo dun? " Kathy na dinaan sa biro.

" Ha ha ha ha... funny ka pala. Mukhang mag-eenjoy na akong pasukan ang subject na to. Tara dali excited na ako." Bismark at hinawakan na ang kamay niya at hinatak na siya papunta sa room.

" Hoy teka, sandali. " sabi ni Kathy ngunit di siya pinansin ni Bismark.

Nang  makarating na sila sa room ay hinihingal si Kathy.

" Grabe ka naman Bismark, excited? May tubig ka ba diyan? " Kathy

" Here. " nakangiting inabot ni Bismark ang tubig.

Ininom naman ni Kathy ang kalahati nun.

" Nga pala, malinis ba to? " Kathy

" Hindi, galing tubig sa cr yan panghuhugas ko sana ng kamay. " Bismark at napatawa na ng malakas " Ha ha ha ha" nagulat siya ng ibubuga ni Kathy sa kanya ang tubig. " Ho-hoy joke lang malinis yan bagong bili ko yan sa cafeteria. " Bismark na natatawa pa rin.

Nilunok na naman ni Kathy ang tubig at nagsalita.

" G*g* ka talaga, kung nasira ang tiyan ko sa tubig mo lagot ka sa akin. " Kathy at umupo na sa upuan.

" Joke lng wag pikon. Bakit kasi basta ka ng hingi ng tubig tapos inom ka naman agad." Bismark

" Gusto mo try ko sayo yung ginawa mo sa akin tapos yung wala pang laman ang tiyan mo mula hapunan hanggang breakfast tanging hot choco lang? Tignan natin kung di ka manghingi ng isang galong tubig. " Kathy

" So di ka pa nakain  since last night? Ang tinding dieta naman yan Kathy." Bismark at binatukan ni Kathy. " Aray naman! simpleng ganti ha. " Bismark

" Kasi naman, dieta agad? Di pwedeng nawalan lang ng ganang kumain? Actually gutom na ako. " Kathy

" Oh, bakit di ka kumain? " Bismark

" Oo nga pala  may sandwich nga pala ako sa bag." at kinuha ni Kathy. Inilabas niya ito at kakagat na sana ng agawin ni Bismark." Hoy! ano gagawin mo? " Kathy

Hinati ni Bismark ang sandwich ni Kathy at binigay kay Kathy ang kalahati.

" Ay galing, nakakahiya sayo. Ikaw ang may-ari eh ano? Baka kulang pa sayo, gusto mo pa? " Kathy at inabot pa ang kalahati na di naman tinanggap ni Bismark.

" Di na, busog na ako.  hehehe... Kabayaran lang ng tubig ko yan. " Bismark

" Atleast ako humingi, eh ikaw garapal ka. " Kathy at kinain na ang tinapay.

" Alam mo kat, ikaw lang nakakagawa sa akin nito at sayo ko lang nagagawa to. Di ko alam pero magaan ang loob ko sayo. Cool ka palang kasama. " Bismark

" Magaan din ang loob ko sayo kaya nagagawa ko to sayo. Sa totoo lang bihira akong may makapalagayan ng loob kaya nga ng sinabi mo na dito ang class mo natuwa na rin ako kasi may makakasama akong kakilala kaso kakulitan din pala. " Kathy at nakangiti.

I Love You, My Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon