Part 19

271 17 2
                                    

Nakita ni Ana si Kathy na nakasilip sa bintana at may palagay ang babaeng nakita sila nito. Kaya naman ang ginawa niya ay mas lumapit siya kay Kendrick na animo ay nag-uusap sila ng seryoso na naglambing naman si Ana sa binata. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa balikat ni Kendrick at inilapit ang mukha sa binata.

Kitang kita ni Kathy ang nagaganap sa pagitan nila Kendrick at Ana, mas ikinainis niya ang makitang hinalikan ni Ana si Kendrick na nakatingin sa kanya ang babae. Tumalikod siya at nagpunta sa study table niya.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako naapektohan sa mga ginagawa nila? Di dapat ako nag... Naputol ang mga iniisip ni Kathy ng mapagtanto niyang nagseselos siya kay Ana. No! di ako nagseselos at never ako dapat magselos. Kathy Fortalejo, di ka dapat magselos dahil di mo siya mahal. Tama di mo siya mahal!

(Weh? Di nga? Di nga ba?)

Hindi nga! At di dapat! Sigaw ni Kathy sa sarili niya.

( Ok, sabi mo eh. Ang akin lang mas masaya kung aamin ka. Amin amin din kasi pag may time.)

" Hindi nga sabi eh! " biglang naibulalas ng malakas ni Kathy ang mga sinabi na ikinagulat naman ni manang Fe.

" Kathy, ok ka lang ba anak? Kung ayaw mo pwede mo naman sabihin ng maayos hindi yung pasigaw. " manang Fe

" Sorry po manang may iniisip lang ako, medyo na over thinking po? " Kathy na napahiya.

" Kathy anak, naintindihan mo ba ang mga sinabi ko sayo? " manang Fe

Napakamot naman sa ulo si Kathy.

" Ano nga po yun manang? " Kathy na nanngingiti.

" Sabi na at wala sa akin ang atensyon mo. " manang fe na lumapit sa bintana at sumilip.

" Kaya pala. " manang Fe at hinawakan si Kathy sa kamay at dinala sa kama ng dalaga para umupo.

" Anak, ito lang masasabi ko sayo. Ang pagmamahal ay ibinibigay ng libre at walang kapalit dahil nakakapagpasaya ka ng tao tulad ng pagbibigay kasiyahan sa sarili mo. Minsan may pangyayari na nasasaktan tayo sa taong piniling mahalin ng ating puso kaya. Pero di ba sa bawat sakit na nararamdaman natin natututo tayo sa buhay at madali tayong nakakagawa ng hakbang para di na maulit ang sakit? " manang fe

" Di niyo po ako naiintindihan manang. " Kathy

" Alin ba ang dapat kong maintindihan anak? Masasabi ko lang bigyan mo ang sarili mong maging masaya. " manang fe at tumayo na para lumabas ng kwarto ni Kathy.

Nag-isip si Kathy sa mga sinabi ni manang. Napatingin siya sa gitarang binili niya para kay Ineng. Tumayo siya at kinuha ito para maibigay na niya ito kay Ineng. Pagbukas niya ng pinto nagulat siya dahil nakita niya si Kendrick sa pinto na akmang kakatok.

" Ah, gusto sana kita makausap. " Kendrick

" Ok, puntahan ko lang muna si Ineng kung pwede dahil may ibibigay lang ako sa kanya. " Kathy

" Ok. Dun sa office ko tayo mag-usap after mo siyang makausap. " Kendrick at tumabi para makadaan si Kathy.

Lumakad na si Kathy at sinabayan naman siya ni Kendrick na napatingin sa dala dala ng dalaga.

" Is it a guitar? " tanong ni Kendrick

" Yes. " maikling sagot ni Kathy.

Nakarating na sila sa ibaba ng hagdan.

" Ibibigay ko lang to kay Ineng after nun puntahan na lang kita sa office mo. " kathy na malamig ang tono.

" I guess I need to go with you, my kukunin din ako sa kitchen. " Kendrick at nauna ng lumakad.

Pagdating sa kitchen, nagtungo si Kendrick sa fridge habang si Kathy ay lumapit naman kay Ineng at inabot ang gitara dito. Ikinagulat naman ni Kendrick ang pagsigaw ni Ineng.

" Ahhhhhhh, maraming maraming salamat ma'am Kathy. " tuwang tuwa na sabi ni Ineng kay Kathy.

Nakangiti naman si Kathy at si Kendrick ay napangiting sumandal sa gilid ng pintuan.

" Ma'am Kathy, ibig bang sabihin nito tuturuan mo na akong maggitara? " nahihiyang naeexcite na tanong ni Ineng.

" Basta may free time ako at ikaw rin. Maybe every off days ko sa cafe sa gabi kaya dapat reserved that day and time for you and me. " Kathy na nakangiti.

" Salamat ma'am Kathy tatandaan ko yan. " Ineng

" Sige at may kailangan pa akong gawin. " kathy at bumaling na pabalik sa pinto ng makita niya si Kendrick dun. Lumapit siya. " Akala ko nasa office ka? " Kathy

" Narinig kong sumigaw si Ineng nung nasa may fridge ako kaya napapunta ako dito. Tara sa office, we need to talk. " Kendrick at umikot na para makapunta sa office niya na nakangiti. Dahil for almost a weeks di siya tinrato ng maayos ni Kathy.

Nakarating na sila sa office ni Kendrick at pumasok dun ng makita sila ni Ana.

Umupo si Kendrick sa table niya at sinenyasan si Kathy maupo sa tapat ng upuan ngunit nanatili siyang nakatayo.

" I know that what I did is wrong, I break your rules. But in my action hope you will understand me. I'm sorry to make you feel the feeling that you don't want to feel but I hope that you understand me as teenager because I know that you also been here in my place as a teenager before. All I want to say is just trust me for what I want to do and decide my life not like someone controlling my life." Kathy na nakatitig sa mga mata ni Kendrick.

" Haist... I understand you princess, I know what you pointing too. But, have you understand me? Have you thinking of me as your guardian? A guardian that I have to protect you and care for you because your parents trusted me to do so. Have you also thinking that if anything will bad happen to you by accident or intentionally bad things they will surely blame me for that. Now, have you understand me on that? " Kendrick

" My point is you should trust me. " Kathy

" I did princess. I do trusted you hundred percent but I'm not trusting to those people around you except my brother and Gracy. Because in one mistake it will ruin everything, even my life too can be ruin again. " Kendrick

Naguguluhan naman si Kathy sa mga pinagsasabi ni Kendrick kaya di na siya nag-aksaya ng panahon at nagtanong na siya.

" What do you mean? I don't understand you, tell me everything. " tinitigan ni Kathy si Kendrick sa mata para malaman ang totoo.

Tumayo si Kendrick at lumakad papunta kay Kathy, sa harap mismo ni Kathy at tinitigan siya nito na makikita ang lungkot sa mga mata.

" I'm so miserable when you left me without any word from you." Kendrick na halong lungkot sa mga mata niya.

I Love You, My Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon