Maaga muling bumangon si Kathy kinaumagahan, ang totoo ay di siya nakatulog ng gabing yun dahil sa nangyari. Natatakot na siya dahil sa pilit niyang paglayo ay lalu naman napapalapit muli si Kendrick sa kanya at lalong napapamahal sa kanya. Kaya bago pa muli silang magkaharap ay maaga na siyang aalis ng bahay dahil di niya kakayaning makaharap ang binata. Palabas na siya ng bahay ng makita siya ni Ineng.
" Good morning ma'am Kathy. Ma'am bakit po ang aga niyong pumasok ngayon? "Ineng
" Bakit Ineng? Kailangan ko na bang magpaalam sayo kung san ako pupunta? " sagot ni Kathy.
" Sorry po ma'am. Inaalam ko lang po kasi baka po magtanong si sir Kendrick wala po ako maisasagot baka po ako mapagalitan ni sir. " Ineng
" Ganun ba? Basta maaga ako umalis sa school ang punta ko. Sige alis na ako. " Kathy at naglakad na palabas ng bahay.
" Sige po ma'am, mag-iingat po kayo. " Ineng
Lumingon siya kay Ineng at ngumiti na. Nagtuloy na siya sa gate at para makalabas.
" Good morning ma'am Kathy. " mang Ernie.
" Good morning din mang Ernie. " Kathy
" Ma'am ang aga niyo naman ngayon saka di ko na kayo nakikitang nagjojogging." mang Ernie
" Kasi po may part time na po ako saka may gagawin po ako sa school ngayon. Ahm, mang Ernie may napansin na ba kayong dumaan na taxi? " tanong ni Kathy
" Wala pa ma'am. Sandali ma'am ito may padaan." mang Ernie at pinara ang taxi.
Kinausap ito ni Mang Ernie pagkatapos ay bumalik sa kanya.
" Ma'am, ok na ihahatid na niya kayo sa Woodsen. " mang Ernie.
" Maraming salamat mang Ernie. " Kathy at pumasok na sa taxi.
Di alam ni Kathy ay nakita siya ni Kenneth at Kendrick na umalis ng maaga.
" Ken, akala ko ba halos sabay na ang sched niyo ni princess? " Kendrick na nakatingin pa rin sa labas ng gate.
" Oo kuya. " Kenneth
" Bakit ang aga niyang pumasok ngayon na parang iniiwasan niya ako? " Kendrick
" Baka naman kuya may gagawin lang siya sa Woodsen kaya siya maaga. " Kenneth
" Ewan ko ba Ken, sa tuwing ganyan ikinikilos niya sa akin parang pakiramdam ko iniiwasan niya ako." malungkot na hinaing ni Kendrick
" What do you mean sa ikinikilos niya?" Kenneth na tumingin sa kuya niya.
Naglakad naman si Kendrick papunta ng dining at sumunod naman si Kenneth.
" Yung pagiging cold niya sa akin. Minsan talaga naiinggit na ako sa inyo ni Grace dahil napakawarm niya sa inyo. " Kendrick
" Busy lang yun kuya, like ngayon na may part time siya tapos nagstudy pa siya na minsan pagdating dito sa bahay pagod pa siya." Kenneth
" Sa akin lang talaga, dahil kagabi may naghatid sa kanya dito. I ask her and she said a friend. Di ko na tinanong kung lalaki o babae kasi nakita ko naman na lalaki saka mukhang pagod siya kaya di ko na inusisa. " Kendrick na malungkot.
" Baka si Bismark ang nakita mo." Kenneth
" Kilala mo yun? Kelan pa? " Kendrick
" Kelan lang, ipinakilala sa amin ni Gracy. Siya lang naman ang lagi kong nakikita na kasama ni Kha at siya rin tumulong kay Kha na makahanap ng part time." Kenneth
" Siya? Paano? " Kendrick
" Sa tito ni Bismark, kasi may coffee shop yun at need nila ng crew kaya inirecommend siya ni Bismark sa uncle niya." Kenneth at biglang tumunog ang phone ni Kendrick.
BINABASA MO ANG
I Love You, My Cold Princess
ЮморHappy then pain... feelings that we usually we feel everytime we fall inlove. " She's my princess and still my princess but now was change. She is now my cold princess." " I did'nt mean to be cold to other, i'm just afraid to fall and feel the pain...