TEN

130 6 1
                                    

Enjoy reading
•••••

Chapter 10 : Stolens

ALLISON SOLEN'POV

Isang simpleng white pants, over size blue na damit na ipinasok ko ang dulo sa loob ng pantalon ko. Ang pang ibaba naman ay isang simpleng sapatos lang.

Masasabi kong ito na ang pinaka simpleng damit na meron ako. Isang brown purse ang dala ko rin.

Hindi na din ako nag lagay ng masyadong make up dahil mas gusto kong panatilihin yung kasimplehan ko.

Hindi ako sigurado kung mamimeet ko ang parents ni Alexised, pero kung sakali man ay gusto ko sanang makita nila na simple lamang ako.

Lumabas na ako ng kwarto ng maging handa na ako. Nagawa ko pang huminga ng malalim dahil nakaramdam ako ng hiya nang haharapin ko na si Alexised.

Naabutan ko siyang nakaupo sa gray sofa ko. Sabay naming binili ni Aila 'yon ng makabili kami ng condo.

Mabilis akong nilingon ni Alexised, napangiti siya sa akin.

Nginitian ko din siya, "why?" Unang lumabas sa bibig ko.

Umiling ito, "you look so simple, yet stanning and beautiful."

Napayuko ako kaagad, umiiling pa ako dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.

Napaisip tuloy ako, ganito parin kaya ang mangyayare kung matagal na nung pinakinggan ko ang paliwanag niya? I don't know, basta masaya ako ngayon at tingin ko walang makakasira ng sayang nararamdaman ko.

Inabot ng isang oras ang biyahe namin, hindi naman sa traffic pero ga'non lamang talaga kalayo ang tinitirhan niya upang abutin kami ng isang oras.

"Aabutin talaga ng isang oras ang biyahe?" Tanong ko.

"It's depends, if there is traffic, 2 hours will be not enough to get home." Usal nito.

Nasigurado ko lamang na malapit na kami ng ipinasok niya ang sasakyan sa isang village, "We're in las pinas, right?" Tanong kong muli.

Tiningnan ako nito, nginitian ako nito at tinanguan.

Inabot ng halos tatlong minuto ang naging biyahe bago niya hininto ang sasakyan sa isang bahay na elegante.

Hindi ko na ito ikukumpara sa mansiyon namin, dahil tingin ko ay tipikal na bahay lamang ito upang tirhan ng isang maliit na pamilya.

"Ilan kayo dito?" Tanong ko.

Pinagbuksan kami ng gate ng isang guard. Pagpasok niya ng sasakyan ay sinalubong kami ng isang tingin ko ay kasambahay niya.

Nagtatakang tiningnan ko si Alexised ng mag mano siya sa matanda. Nagtataka man ay ginaya ko ang ginawa niya.

"She is my untie, and my maid." Usal nito.

"H-ha?" Nagtatakang reaction ko.

"We're came from poor family," usal niya na siyang ikinatahimik ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay.

Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang mga tsinelas pang bahay, naghubad siya ng sapatos niya pagkatapos ay nagsuot ng isa.

Binigyan niya ako ng isang pares ng tsinelas, hinubad ko ang suot kong sapatos pagkatapos ay sinuot ang binigay niyang tsinelas.

Nang tuluyan kaming makapasok ay doon ko hindi makita ang sinasabi niyang galing sila sa hirap.

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon