SIXTEEN

12 2 0
                                    

Enjoy reading! Hope you like it!

                                  °°°°°
ALLISON SOLEN'S POV

Two weeks na naman ang lumipas pagkatapos ng pagsasama namin ni Alexised ng araw na iyon.

Hindi siya nakabalik ng umaga, gabi na siya bumalik sa condo ko. Nagpaliwanag siya at wala akong magagawa kundi ang intindihin ang nagyayare.

"Good morning, daddy." Bati ko sa ama ko habang kumakain ito ng almusal.

Nasa mansyon ako ngayon, tumawag si mommy kanina at sinabing may pag uusapan kami ni daddy.

Lumapit ako kay daddy upang halikan ito sa pinge, ganun din ang ginawa ko kay mommy na sinalubong ako.

"Sumabay kana, iha." Aya niya sa akin.

Mabilis na umiling ako, "Tapos na po ako mommy." Humarap ako muli kay daddy, "Pinapatawag niyo raw po ako."

"Wait me in the library." Seryosong usal nito na ikinakaba ko.

"O-kay. I'll wait." Muling humarap ako kay mommy upang mag paalam pero laking gulat ko ng kinawayan na lamang ako nito na tila pinapaalis na.

Napaatras ako, hindi ko alam kung kelan ako may nagawang mali para ikagalit nila. Wala akong natatandaan.

Dumeretso ako sa library kagaya ng gusto ni daddy, pag pasok ko sa malaking library namin ay lumapit ako sa sofa kung saan ako dati nagbabasa. Umupo ako doon, ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkadikit kong mga tuhod.

Halos kalahating oras akong nag intay doon bago ako napatayo ng bumukas ang pinto.

"Hon, calm down." Pilit pinipigilan ng mommy ko si daddy. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nang tuluyang makalapit si daddy ay bumuntong hininga ako bago ngumiti pero mabilis na nawala ang ngiti ko, napahawak ako sa pisnge ko ng bigla na lang akong sampalin ni daddy.

Mabilis nangilid ang luha ko, this is the first time daddy slapped me. It's really hurt. Hindi na ako magtataka kung namumula ba ang pisnge ko.

"Daddy, did you slap me?" Naluluhang tanong ko.

"Did you declined your class in Europe?" Ganting tanong nito na ikinagulat ko.

Last week, i recieved an email from one of Europe University. They want me to attend their class next week but I immediately declined it.

"H-ow did you know that?"

"One of your grandfather's friend is one of them. He asked me why would you do that."

"Huh? Is that worth a slap?" Tanong ko hindi na napigilan pa ang luha na tumulo.

"Yes, Allison. Maybe a slap can wake you up!" Sigaw nito.

Umiling ako, "It's true that I did not accept their offer because I think its too early for me."

"Too early? How old are you? 16?" Lalong galit na salita nito. Tila ba ang sinabi ko sakanya ang nagpasiklab sa galit niya.

"Darling, matanda kana. Kelan mo tatanggapin? Pag patay na kami ng daddy mo?" Mahinahong tanong ni mommy na siyang ikinagulat ko. "Hindi na kami bumabata, hanggang maaga ay gusto namin na matupad mo ang pangarap mong maging sikat na florist."

"I can do that without attending their lesson, online is effective mom, dad." Pag kukumbinsi ko sa kanila.

"Is that because of Alexised?" Biglang tanong ni daddy na siyang ikinatigil ko.

Hindi ako nakasagot. Ayokong mag salita dahil alam kong tama sila. Wala akong pang laban sa sinabi ni daddy dahil alam kong tama siya.

Ayokong iwan si Alexised sa pilipinas. Natatakot akong iwan siyang mag isa dahil maraming pwedeng mangyare sa tatlong taon na mawawala ako.

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon