SEVEN

99 5 0
                                    

Enjoy reading
•••••

Chapter Seven : Stay Away

Allison Solen'POV

Nauna akong lumabas ng bar kay Aila, naabutan ko si Alexised na nakatayo sa gilid ng sasakyan ko.

"What are you doing here?" Supladang tanong ko.

"I want to talk to you, listen to me, Solen."

"Don't call me by my second name, Alexised and also tigilan mo na ako."

Napatitig lamang siya sa akin. Naglakad ako palapit sa sasakyan ko at hinawi ko siya.

Nabuksan ko ang pinto ng sasakyan ko ng wala siyang kahit na anong sinasabi.

Nakatayo lamang siya at bakas ang gulat sa mga mata niya. Tuluyan akong nakapasok sa sasakyan, mabilis kong inilock ang pinto.

Doon lamang marahil siya nakabalik sa realidad, mabilis niyang pinihit ang doorknob ng sasakyan ko, pero ng mapagtanto niya na nakalock 'yon ay mabilis siyang kumatok.

Kinuha ko ang cellphone ko, mabilis kong tinawagan si Aila.

"Mauuna na ako sa unit mo," usal ko lang. Pagkatapos ay pinatay ko na rin ang tawag.

Nang buksan ko ang makina ng sasakyan ko, nakita ko kung paanong nag panic si Alexised.

Mabilis na ang pag katok niya sa bintana, kumirot ang puso ko pero tuwing naaalala ko kung paano niyang binabaliwala ang nararamdaman ko ay muling nabubuhay ang inis ko.

Tuluyan akong umalis sa lugar na 'yon. Nagawa ko pang tingnan si Alexised sa side mirror.

Nakatayo na lamang siya habang nakatingin sa pag layo ng sasakyan, ang mga kamay niya ay nakahawak sa ulo niya.

Napailing na lamang ako habang mabilis na pinaharurot ang kotse palayo kung nasaan ang lalaking hinahangaan ko.

"Just tell me who is that guy," pangungulit ni Aila sa akin.

Tinawanan ko siya, "He is just annoying stalker." Sagot ko.

"Huh, but i have this feeling that you have feelings for that annoying stalker of yours."

Inirapan ko siya kaya naman lalo lamang niya akong nginisihan na para bang alam na niya ang sagot sa sinabi niya.

Nalasing ako, nag pakalasing ako sa condo ni Aila. Hindi ko na nga napansin o maalala kung paano akong nakabalik sa unit ko, basta ang naalala ko na lang ay ang pag rereklamo ko kay Aila tungkol kay Alexised.

Kinabukasan, late na ako nagising. Halos mag tatanghali na din ng magising ako.

Hindi kaagad ako bumangon dahil na rin sa sobrang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay gusto ko na ngang tumanggap ng katulong para hindi na ako ma-hassle pag may ganitong pangyayare.

Mag hahapon na ng dumating ako sa shop, na inform ko naman ang staff ko na alas-dos na ako makakapasok mabuti na lang din at naabutan ko si Aila na may kausap na client.

"I'm sorry," usal ko ng matapos ito na kausapin ang kliyente.

Nginitian niya ako, "ayos lang. Parang problemado ka masyado." Tinapik niya ang balikat ko.

"Pasensya ka na din kagabi," hingi ko ng paumanhin dahil sa ginawa kong pag rereklamo.

"Mag pinsan tayo no. Pero mag tatampo na ako dahil ayaw mong sabihin sa akin kung sino ba ang lalaki na 'yon. Hindi ko kasi nalapitan or nakita man lang ng malapitan."

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon