EIGHTEEN

9 0 0
                                    

Enjoy reading...

---
ALLISON SOLEN'S POV

"Akala ko ba ay uuwi kana?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Edward. Malaki na rin ang pinag bago niya. Nadedepina na ang hubog ng katawan niya. Nag matured na rin siya hindi katulad noon na maloko sa lahat ng bagay.

Sobrang laki na talaga ng pinagbago ng pinsan ko. Dati ay makikita mo ang ngisi niya ngunit ngayon para bang dala niya ang problema ng mundo kung makasimangot siya. Dagdagan pa ng makapal niyag kilay na salubong na salubong, takang taka itong nakatingin sa akin.

"Imbis na sabihin mong namiss mo ako ay iyan ang ibubungad mo sa akin?"  Ngising salita ko, pilit iniiba ang usapan.

Hindi ko rin alam na hindi ako matutuloy sa pag uwi ng bahay. Siguro nga ay napaka duwag ko dahil sa nalaman ko bago ang mismong flight ko.

Nakaupo ako sa waiting area sa airport. Ilang oras na lang ay sasakay na ako sa eroplano pauwi.

For the last time ay in open ko ang Facebook ko upang tingnan ang account niya. Nangako ako sa sarili kong after nito ay titigil na ako. I want to move on.

Natutop ko ang bibig ko nang makita ang huling post niya, tila nakaramdam pa ako ng pag sisisi kung bakit ko ba naisipang tingnan pa ang account niya.

Isa itong ring, nasa loob pa ito ng kahon na kulay pula. Ang background ng kuha ay isang altar na may caption na, "Later, I will introduce you to our creators."

Mabilis nanubig ang mga mata ko, dumaloy muli ang sakit sa puso ko. Shit. It's really hurts.

Ngayon ata ang kasal niya, sa mismong araw pa talaga ng uwi ko? Sinasadya niya ata ito. W

Napalingon ako sa screen kung nasaan nakalagay na flight ko na tanda na kailangan ko ng sumakay ng eroplano.

Hindi ako nag patinag sa nararamdaman ko. Ayokong masaktan ng husto pero ayoko rin naman ipakita sa lahat kung gaano akong nasasaktan makitang magpapakasal na siya.

Ang bilis naman.

Pero baka naman kasi pag alis ko pa lang ng pilipinas ay may namagitan na sa kanila. Damn it.

Mahabang oras ang ginugol ko sa pag iyak sa byahe. Ilang beses akong magigising para lamang umiyak. Pinapangako ko sa sarili kong pag baba ko nang eroplano ay magiging ayos na ako. Na kung sakali mang makasalubong ko silang dalawa ay ngingitian ko lang sila.

Pero hindi nangyari ang iniisip ko. Dahil pag kalabas ko pa lang ng eroplano ay grabe na ang takot na naramdaman ko. Na hindi pa ako handa. Na hindi ko pa pala kayang makita siyang masaya sa iba.

Hindi ko sinipot sila daddy na sundo ko, sa ibang exit ako dumaan para hindi nila ako makita. Pag kalabas ko ng airport ay pumara kaagad ako ng taxi upang magpahatid sa bus station.

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nang dumating ako ng pilipinas, walang nakakaalam kung nasaan ako. Inioff ko kasi ang lahat ng pwedeng paraan para malaman nila kung nasaan ako.

"Nandito naman na ako sa pilipinas, diba?" Takang tanong ko na ikinagalit niyang lalo.

"Pero wala ka sa manila. Kung hindi pa ako umuwi dito ay hindi ko pa malalaman na nandito ka." Sigaw nito sa akin.

"Chill, Edward. I'm just trying to be okay. Hindi ako dumeretso sa bahay dahil--"

"Dahil kay Alexised." Tapos niya sa sinasabi ko. Umiling ako, bumuntong hininga naman siya. "Paano mo siyang makakausap kung nandito ka at pinagtataguan siya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon