FOURTEEN

9 0 0
                                    

Happy reading!

---
ALLISON SOLEN'POV

Lumipas ang ilang buwan, ikinasal na si Aila sa nobyo nitong si Quill, masaya kaming lahat para sa kanila. Ang daming pinag daanan ng pinsan ko kaya naman alam kong deserved niyang lumagay sa tahimik lalo na't buntis na siya.

Lahat kami ay nag diwang, nag out of town din kaming buong Carter kasama ang mga espesyal namin sa buhay, kasama din si Alexised na talaga namang ikinatuwa nila daddy.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging busy kaming dalawa pero hindi ako nakakalimutan ni Alexised na bigyan ng oras. Madalas nga lang ay inaabot ng linggo bago kaming muling magkita.

Naiintindihan ko siya lalo na't may idea naman ako sa business na pinapalago niya. Nag simula na siya ng sarili niyang business, ka-partner niya si daddy pati na rin ang kaybigan niyang si Rusel kaya naman lalong gumaan sa kanya ang loob ng mga magulang ko.

Dahil nga nag sisimula pa lang siya ay marami siyang inaasikaso sa negosyong napili niya. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang bumili ng building kaya naman ang isang bakanteng building ni daddy ang siyang inuupahan niya, sabi ni daddy ay ibinibigay niya iyon kay Alexised pero ang nobyo ko mismo ang tumanggi at nagpumilit na bibilhin niya ito sa tamang presyo.

Dahil bago pa lang, naisip niyang bilang muna ang trabahante niya, nasa kinse pa lang ito pero malaki ang tiyansang dumami pa dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay unti-unting nakikilala ang business niya.

Gaming company ang napili niya. Dahil mahilig siya sa mga laro sa computer at mobile phone ay ito ang napili niya.

Base sa kwento niya, bata pa lang siya ay pangarap na niyang gumawa ng sariling laro kaya namang ngayon na kaya niya na ay unti-unti niyang tutuparin ang pangarap niyang ito.

Ako naman ay pinapalago ang flower shop namin ni Aila at Janine. Nag tatake din ako ng course about flowers and arranging sa online. Nag paplano rin akong pumunta sa france para mag aral doon ng 2 years.

Pareho kaming busy ni Alexised kaya naman mas iniintindi ko ang sitwasyon namin. Ito ang una naming relasyon parehas at wala na kaming planong masundan pa ito sa ibang tao.

I smiled when I think about that. Alexised and I talked about it last month. We are both busy that day but Alexised managed to give me time before midnight.

He came to my condo with midnight foods. We talked about how busy we are for our dreams, we understand each other and I think, we love each other that much that everytime were together he can't let go of my hands.

"I won't let go your hands, my death is the only reason of letting you go." Usal niya. Bagamat sweet ang sinabi ay hindi ko maiwasang mag damdam sa sinabi niya.

Umiling ako, "I will hold your hands when that time comes. I will hold you and keep you in my heart until I meet you again in heaven."

Tumawa ito. "Hindi ka talaga papatalo, no?" natawa rin ako.

"Hm. We both busy, I understand that. But I'm not planning to let you go even if it's you who wants that."

Mabilis akong umiling, "Nah. You're my first boyfriend and replacing you is not part of my plan, Alexised."

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin, "I will make your parents proud of me, until I ask your hand to them."

Tumango ako, naramdaman kong nanubig ang mga mata ko pero hindi ito tuluyang tumulo dahil na rin sa pag pigil ko.

"I love you, Solen."

"I love you too, Alexised." He kissed me.

Sa simpleng mga galaw niya ay lumulundag ang puso ko sa tuwa. Hindi pa kami kaylanman nagtalo kaya hindi ko pa din alam kung ano bang pakiramdam ang magalit sa taong mahal ko.

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon