PROLOGUE

1.7K 32 2
                                    

This is love alert series #3

Love alert series:

#1 - Learn how to love you hard (complete)

#2 - Learn to love again (on-going)

#3 - Stalker, Make it harder (on-going)

#4 - Dare to love me (soon)

••••••

ALLISON SOLEN'POV

Kasabay ng pag indayog ng musika ay ang pag indayog ng katawan ko.

Hinagod ko ang bewang ko pataas sa dibdib ko, at pataas sa mukha ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at winagayway ang mga ito.

Napangiti ako habang nakapikit, lalo na nang maramdaman ko ang isang kamay ng kung sino dito sa dance floor.

Hindi ko gusto ang paraan ng paghaplos niya sa likod ko, malikot ito at nang marating ang bra ko ay nagtagal doon. Naramdaman ko din ang pasimpleng pag ilalim ng daliri niya doon.

Pasimple ulit akong umindayog at lumayo sa bastos na lalaki.

Ngumisi ako, alam kong mahilig ako sa ganitong party pero kaylanman ay hindi ako naging easy to get.

Nawala ang ngisi ko at tumigil sa pag-sayaw. Dumilat ako, naalala na naman ang isang taong makapal ang mukhang tanggihan ako.

Ako? Isang Carter? Tinanggihan lang ng isang...

Natigil ang pag iisip ko na ang lalaking nasa isip ko lang ay nasa harapan ko na. Malayo ito sa'akin.

Nasa table ito namin ng pinsan ko at ang nobyo niyang mahilig mang-iwan sa ere.

Nag tatawanan sila, nakalingon sa'akin ang lalaki kaya tuluyan akong napahinto sa pagsayaw at mahinahong naglakad palapit sa'kanila habang ang tingin ko ay matalim na.

Nang tuluyang makalapit ako sakanila ay mabilis kong naagaw ang atensyon nilang lahat, lalo na ng lalaking ito. Nakangisi ito sa'akin.

"Allison, sina Alexis..." Ani pinsan kong si Aila Addalyn Carter.

"Alexised Moreno Salcedo" putol ko sa sinasabi ng pinsan.

"Oh magkakilala kayo?" Gulat na gulat na tanong nito

"Stalker ko yan." Nahimigan ko ang pagkainis ko sa sagot kong iyon, tumabi ako kay aila.

"Ngayon ko lang nalaman na natitipuhan kana pala, Sir." Biglang biro ni Aila, nagulat man ay pinili kong manahimik na lang.

Hindi ko narinig ang pag sagot ni Alexised, ang totoo ay wala akong pakielam pero gusto kong marinig ang isasagot niya. Another disappointed because of him. Pst.

Lumalabi ako habang nakikinig sa sinasabi ni Aila, hindi ko akalain na pwede palang mairita pagkatapos ay wala pang ilang segundo ay mapapalitan ito ng tuwa.

Pero tingin ko nga ay masyadong ipinagkakait sa'akin ang kaligayahan, dahil si Rusel kasama ang lalaking pinaka-kinaiinesan ko ay bumalik na naman.

"Oh mukhang nagkakasayahan kayo ah?" Rusel. Sumimangot ako.

"Ganda mo talaga ngumiti, Solen," Alexised.

"Don't call me Solen." Turan ko, naiirita na naman.

"Lasing kana, let me drive you." Gulat na tiningnan ko ito, nag aalala na naman ang tingin niya sa'akin! Tulad na naman ng parati niyang ipinapakita pagkatapos ay paaasahin ako! Literal na pa-fall!

"No thanks!" Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumayo na rin. "Mauuna na ko, may stalker na halimaw dito." Narinig ko ang pag tawa nila pero napairap na lang ako sa ere ng makalayo na ako sa kanila.

Palabas pa lamang ako sa bar ay may humawak na sa braso ko, kahit hindi ko na tingnan kung sino 'yon ay sigurado na kaagad ako.

Nag-tuloy tuloy parin ako sa paglabas ko kaya naman no choice siyang bitawan ang braso ko.

Akala ko ay hinayaan na niya ako, pero nang bubuksan ko na sana ang driver seat ko ay biglang muling may humawak sa braso ko.

Matalim na titig agad ang ibinigay ko ay Alexised, "ano ba! Tigilan mo na nga ako!" Galit na sigaw ko.

"Gusto lang kita ihatid sainyo, Solen. You're drunk, let me drive you."

Hinampas ko sa'kanya ang susi ko, gusto ko na lang siyang pagbigyan sa gan'on ay tigilan na niya ako.

Nag mamadali akong lumapit sa front seat at padabog kong binuksan ito.

"I really like you, Solen. Please, give me a chance."

Natahimik ako sa tinuran niyo, tumingin ako sa bintana at nanatili na lang na tahimik.

---
Don't forget to vote and comment.
-smileraaaine

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon