SEVENTEEN

10 1 0
                                    

ENJOY READING!

---
ALLISON SOLEN'S POV

"This is our last meeting, the next time we will meet is your graduation. As your professor, I want to say is all of you did a great job for the past 4years." She clapped . All of us also clapped with our wide smile.

I am really happy to accept my wrong decision 4 years ago. My family supported me.

"Allison, let's hang out tonight. The whole class will come, how about you?" Turan ng kaklase kong si Cider.

"Hm. I'm not sure if I can come."

"O-okay. Just tell me okay? Message me when you are decided to come." tumango ako.

Nag ayos ako ng gamit ko, Nasa 15 lang kaming mag kaka-kaklase. Noong una ay nasa 25 pa kami pero kalaunan ay may mga tumigil kaya kami na lang ang natira.

Nang tuluyang makapag ayos ng gamit ay tumayo na ako sa upuan ko, nag paalam na rin ako sa mga kaklase kong nag uusap tungkol sa pupuntahan nilang lahat.

Palaging ganoon ang sagot ko sakanila sa tuwing inaaya nila ako. Si Cider ay may gusto sa akin. Inamin niya iyon noong 2nd year na kami pero mabilis ko siyang tinanggihan dahil may ibang taong laman ang puso ko.

Paglabas ko ng classroom ay may mga bumati sa akin. May iilang filipino ang nag aaral din sa unibersidad, nakaclose ko sila at sa katunayan may group chat pa kami sa facebook. Madami rin kaming nag desisyon na mag aral dito sa Europe.

Sobrang dami kong natutunan sa apat na taon, talagang magagamit ko iyon sa business ko sa pilipinas lalo na pag nakauwi na ako next month.

Pag labas ko sa unibersidad ay sinalubong ako ng pinsan kong si Peri. Sa mother side ko siya pinsan. Naninirahan siya dito sa Europe, noong una ay nagtatrabaho siya at kalaunan ay nakapangasawa ng European.

"Tapos na ang klase?" tanong nito. Mabilis akong tumango.

Pinag buksan niya ako ng pintuan ng sasakyan na dala niya, nagpasalamat naman ako habang pumapasok ako sa loob.

"2 weeks from now ay gagraduate ka na, anong plano mo?"

"Hm. Napag usapan na namin ni Aila yon, magbubukas ako ng panibagong branch sa BGC."

Nag simula nang umandar ang sasakyan namin, "Haaaay. Nakakamiss umuwi ng pinas eh. Kaso ay hindi ko pa makumbinsi ang asawa ko, baka sa bakasyon pa ng anak namin kami makauwi." Mahabang salita niya.

"Uhum. Just message me kung makakauwi kayo. Para maipahanda ko ang mansion."Nakangiting tugon ko naman.

Nakarating na kami sa bahay nila. Dito ako nakatira, noong una ay may ni-rent lang sila daddy na condo pero kalaunan ay lumipat ako kila Peri.

Sakto lang ang bahay nila Peri, dalawang palapag din naman siya pero hindi katulad ng mansion namin. Maliit ang library nila, habang ang living room naman ay wala. Sala lang talaga pag pasok mo nang bahay. Tatlo ang kwarto, isa ay master bedroom, ang isa ay para sa anak nilang 10 years old habang ang isa ay guest room na siyang tinutuluyan ko sa loob ng halos tatlong taon.

Pag pasok ko sa kwarto na tinutuluyan ko, inilapag ko sa study table ang bag ko. Umupo ako sa upuan at kinuha na ang cellphone.

I open my internet,I also open my Skype to call Aila.

Mabuti na lang ay online ito. Nasagot niya kaagad ang tawag ko. Magandang ngiti ang bumungad sa akin. Halata rin ang pananaba nito dahil muli siyang nag buntis. Ikalawang anak na nila ni Quill habang ako ito ay nag aaral. Natawa ako sa sariling naiisip.

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon