FIFTEEN

23 1 0
                                    

WARNING: FOR OPEN MINDED ONLY. R-18

ENJOY READING...

                                        °°°°°

ALLISON SOLEN'S POV

Pagkauwi ko ng condo ay balisa ako, after half year this is the second time we will do it. Hindi ako nag e expect na may mangyayare pero hindi ko maiwasang kabahan at the same time I'm excited.

Dumeretso ako sa kwarto ko kung saan may banyo. Naligo ako bago muling bumaba para mag luto ng dinner namin.

Nag luto ako ng nilaga, hindi ko alam kung anong oras darating si Alexised pero desidido akong hintayin siya kahit anong oras pa.

Nang matapos ako sa pag luluto, wala parin si Alexised. Kinuha ko ang laptop ko sa kwarto, bago pumunta sa sala. Binuksan ko ang laptop at pinunta ko sa email ng flowershop.

Nakita kong may anim na message doon, inisa isa ko habang hinihintay si Alexised. Nag reply na rin ako kung importante ang message.

Nagawa ko ring mag basa para sa studies ko, tuloy tuloy lang ang basa ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras.

Napatingin ako sa orasan at laking gulat ko ng mapagtantong 10pm na rin pala. Bumuntong hininga ako.

Nilingon ko ang cellphone ko, nagbabakasakaling may tawag or text man lang si Alexised pero hindi ko maiwasang ma disappoint ng mapagtantong wala kahit isa.

Pinag patuloy ko ang ginagawa, umaasang darating pa si Alexised pero nagkamali ako. Ala-una na ng umaga ay wala parin siya.

Isinara ko ang laptop, nilingon ko rin ang kusina kung saan nakahanda ang dapat kakainin namin ni Alexised once na dumating siya. Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtanto kong hindi na siya makakarating pa.

Pumunta ako sa kusina upang ibalik ang mga pinggan sa lalagyanan, habang ginagawa ko ito ay biglang nag click ang pintuan ng condo kaya naman mabilis akong napalingon doon.

Unti-unting bumukas ang pintuan, niluwa nito si Alexised na ngayon ay halatang inaantok at pagod na pagod na.

Sinalubong ko siya, gulat pa itong makitang naglalakad ako papalapit sa kanya.

"Did you wait?" Tanong nito ng tuluyan akong makalapit.

"Yeah. I prepared some dinner but i guess, you already eaten?" Hula ko.

Umiling ito na ikinagulat ko. "Akala ko ay maagang matatapos ang meeting kaya naman ng mag bigay ng dinner ay hindi ko kinain hanggang sa hindi namalayan na anong oras na pala, pagkatapos ng meeting with stockholders, nag usap pa kami ng daddy mo. I'm sorry kung nag hintay ka."

Mabilis akong umiling, hindi maiwasang makaramdam ng awa para sa nobyo dahil alam ko kung gaano na siyang kapagod.

"Do you still have appetite? Maybe I can cook you light dinner."

"What did you cook?"

"Hm. Nilaga. It's my first time cooking it, so I don't know if it's good." Nahihiyang sagot ko.

Mahinang natawa si Alexised, niyakap ako nito ng mahigpit kaya naman mabilis ko siyang ginantihan ng yakap.

"Let's eat, then? I guess, hindi ka pa din kumakain." Tumango ako.

Sabay kaming pumunta sa kusina, tinulungan niya akong ibalik ang mga niligpit ko bago pa siya dumating.

Pinagsaluhan namin dalawa ang inihanda ko kanina. Sabi niya ay masarap, okay naman ang kinalabasan ng luto ko pero hindi ko inaasahan na sa ganoong oras ay kakain ng madami si Alexised. Kung inaakala niyang matutuwa ako... Pwes, tuwang tuwa at the same time ay kinikilig ako sa ginagawa niyang pag appreciate ng luto ko.

Stalker, Let Me Love You (Love Alert series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon