Chapter 2 (Patawad)

29 5 0
                                    

Matapos ang nangyari ay tuluyan ng naghiwalay sina Vrix at Liam.

Author: (WALA KASING FOREVER! HAHAHAHAHAHAHAHA 😂)

VRIX POV

Isang linggo matapos ang 18th birthday ko ay hindi parin kami okay ni mama hindi niya ako kinikibuan na tila hindi kami magkakilala. Ngunit kahit sa gaanong sitwasyon ay nakakagalaw parin naman kami sa bahay ng walang pakialamanan. Masama talaga ang loob ni mama sa akin. At masama din ang loob ko kay mama dahil nilihim niya sa akin ang katotohanan.

Nandito ako ngayon sa aking bintana matamlay na nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

---Flashback---
"Anak Vrix, I'm so sorry. Hindi ko gustong pagbawalan ka na magboyfriend" sabay tulo ng luha ni mama.

"Tita, let me-" Liam

"Ma, hindi ko maintindihan!" sigaw ko sabay iyak ko na din dahil hindi ko talaga alam ang nangyayari.

"Hindi kayo pwede anak, Liam is your half brother. Anak siya ng papa mo. At kahit pa sa anong paraan ay hindi kita bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng connection sa ama mo" dun na humagulgol si mama.

"No, this is not true! Liam hindi to totoo" sigaw ko sa mukha ni Liam.

"I'm sorry Vrix. Hindi ko kasi kayang mawala ka. Kaya kahit alam ko na ang totoo hindi ko talaga kaya" pagpapaliwanag ni Liam. Akma niya akong yayakapin ngunit hindi ako pumayag.
Dinuro ko siya ng daliri ko.

"Don't you dare!" Angil ko pa.

"Nakilala ko lang si tita Megu ng minsang pumunta ako dito sa bahay niyo"--

"Liam tama na, pareho niyo akong niloko. You ruined everything"--

Doon ko na naramdamang napapalibutan na pala kami ng mga natitira kong bisita kasama ang mga kaibigan ko. Humahagulgol na kami pareho ni mama. Hiyang-hiya na ako sa nangyari. Naramdaman ko nalang na may umakay sakin sa loob ng bahay.

"Tara na sa loob Vrix" bulong sakin ni Kenzo at sumunod pa sa amin ang iba kong mga kaibigan.

"Anak, I'm sorry!" rinig kong iyak parin ni mama.

--End of flashback----

Napag-isip kong hindi ko na rin matiis si mama kaya naman bumaba na ako mula sa aking kwarto para ipagluto siya. Kahit sa ganoong paraan ay magbati na kami. Nagluto ako ng egg and bacon na paborito namin ni mama.

MEGU POV

Isang linggo na din ang nakalipas ng hindi parin ako kinikibuan ng anak ko. Tinanghali na rin ako ng gising sa kadahilanang hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi. Rinig ko mula rito sa aking kwarto ang ingay sa kusina. Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto. Amoy na amoy ko ang niluluto mula sa kusina.

"Good morning ma! Kain na po tayo. Nagluto po ako ng egg and bacon. Favorite natin to right?"

Nilapitan ko ang anak ko at kinapa-kapa.

"Totoo ba 'to? Anak kurutin mo nga ako" Kinurot ako ng anak ko sa pisngi.

"Ma, ano kaba? Bati na tayo please?"
Niyakap ako ni Vrix at ganon din ako sakanya.

"Mahal na mahal kita mama. I'm sorry" bulong sakin ng anak ko.

"Mahal na mahal din kita anak" saka ko ito niyakap ng mas mahigpit.

"Tara na ma, kain na tayo" -Vrix

"Anak pasensya kana sa nangyari ha? Ayaw ko talagang--"

"Ma, tapos na 'yon. Wala na kami ni Liam. Ang importante bati na tayo"

Ngumiti nalang ako sa aking anak at nagpatuloy kami sa pagkain. Napakamura pa ng edad niya para danasin ang ganitong problema sa buhay.

--------
Nandito kami ngayon sa mall ng anak ko. Bumabawi lang kami sa isa't-isa. Kasalukuyan kaming kumakain ni Vrix ng--

"Uy Vrix, andito rin pala kayo. Hello po tita Meg" masayang bati samin ni Abi.

"Hi, Abi" maikling bati ko sa kaibigan ni Vrix.

"Ah, yeah. Nagbbonding lang kami ni mama. You know okay na kami" sabi naman ni Vrix sabay tingin sa akin.

Tumango-tango lang si Abi.
Habang sila'y nagkkwentuhan.
Kitang-kita sa mukha ng anak ko ang ngiti na masaya talaga siya. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang mga ngiting 'yon na nawala pagkatapos ng kaarawan niya.

"Anyway, sino pala ang kasama mo Abi?" pamumutol ko sa kwentuhan nila.

"Ah yung pinsan ko po kaklase rin namin Vrix tita, si Nathan po" tugon ni Abi.

"Where's he?" tanong ni Vrix na parang kinilig pa.

"Oo nga, tawagin mo na at magjoin na kayo sa amin for lunch"

"Nagcr lang po 'yon tita. Papunta na dito 'yon"

ABI POV

Nakita ko dito sa mall sina Vrix at tita Megu kaya agad ko silang nilapitan. After kasi ng birthday ni Vrix ay hindi na kami nakapag-usap.

"Why naman hindi mo agad sinabi na andito si Nathan. Maayos paba mukha ko?" natatarantang tanong sakin ni Vrix.

"Oo girl, maganda ka parin naman. Ano kaba? Uy, si Nathan!"

"A-asan?"

"Charot! Hahahahaaha" hagalpak ako sa tawa ng mataranta si Vrix sa sinabi kong iyon.

By the way, crush nga pala ni Vrix si Nathan na pinsan ko. Si Nathan ay team mates ni Liam sa basketball. Magkaibigan din sila. Noon pa man ay crush na ni Vrix si Nathan pero hindi ito pinapansin ni Nathan dahil may gusto ang kaibigan nitong si Liam kay Vrix.

"Cr lang ako girls ha? maiwan ko na muna kayo."
paalam samin ni tita. Na sakto namang dating ni Nathan.

"Omgggggg! My heart. Is that really him? Why so pogi my Nathan. I need air" kilig at maarte na sabi ni Vrix na nakakapit pa sa akin. Namumula na ang mga pisngi nito at namamasa ang kanyang mga kamay. Ganto talaga ang Samantha Vrixelle Dela Cuesta kapag kinakabahan at kinikilig. Nagiging mala-faucet ang kamay nito. Sa sobrang kilig ay nahahampas pa ako nito. Tumingin pa ako sa parte na kinbabaliwan ni Vrix na tignan ay nakita kong papalapit na nga sa amin si Nathan.

"Naks naman pinsan, lakas ng dating ha? Amoy na amoy kita. Malayo kapa amoy ko na jebs mo. Hahahaha" biro ko kay Nathan na siyang nagpailang sakanya.
Tinignan niya pa muna ako ng matalim saka ito umupo sa tapat ni Vrix.

"Loko ka talaga, Abi. Pinapahiya mo ako kay Vrix. Oh! By the way, hi Vrix. Kamusta na, its been awhile" bati ni Nathan at napatulala naman si Vrix.

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon