Chapter 1 (Debut)

45 7 0
                                    

Graduation ko ng elementary without papa.
--
Graduation ko ng high school without papa.
--

VRIX POV

Kriiiingggggggg Kriiiiiinnggggggggggg
Tunog ng alarm ko. Minulat ko ang aking mata. "Thank you, Lord!"
Bumangon na ako agad at gumayak. It's like waking up with another year older. Chos!

Hi, I'm Samantha Vrix Dela Cuesta.
Today is my 18th birthday. Nag-prepare ng bongga si mama para sa debut ko. But still, hindi parin ako masaya. Parang may kulang. Sariwang sariwa sa isip ko ang nakaraan. Kung paano kami iniwan ni papa. Kung paano niya ipamukha kay mama na hindi niya ito mahal. At kung paano niya nakayanang mas piliin ang babae mahal niya kaysa sa'min ni mama.

Another birthday without papa.

Iniisip ko nalang tuloy hindi ko ba deserved mahalin?

Hindi ko ba deserved maging masaya?

Hindi ko ba deserved magkaroon ng buong pamilya?

Tanging mga tanong na walang kasagutan ang nananatili sa aking isipan. Mga tanong na hindi ko alam kung paano bigyan ng sagot ng kahit na sinuman.

Yes, we're broken family. Mahirap ang walang papa sa totoo lang. Kaya napakasuwerte niyo kung may papa kayo sa tabi niyo.

"Ma, bat wala pa mga kaibigan ko?" tanong ko kay mama.

I already texted them. Nakabente na nga ako e. Tapos tadtad na rin chat ko sa Gc. I even try to call them, but I failed. Walang sumasagot.

"Aba, ewan ko. Baka mamaya pa mga yon" sagot naman ni mama at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.

"Happy Birthday, Vrix" bati naman ng natatanging dalawang kaibigan kong babae. Sina Abi at Jelai. Nagbeso kami at nagyakapan. Pagkatapos ay tumuloy na din sila sa puwesto nila.

Alas kwatro na ng hapon pero wala pa talaga ang mga kaibigan ko. Kulang na kulang parin mga bisita ko dahil wala pa sila. I can't even. I feel so sad. Naiiyak na ako. Sila pa talaga ang mawawala ngayong debut ko. Kasali silang walo sa 18 roses ko. Kaya hindi sila pwedeng mawala. No way! And yes, I am one of the boys. Lumaki man ako na walang papa, binigyan naman ako ng walong lalakeng kaibigan na magtatangol at magmamalasakit sakin. Ang suwerte ko parin.

Composed a text...

"WAG NA KAYO MAGPAPAKITA SAKIN KUNG HINDI KAYO PUPUNTA NGAYON"

Send to many...
Message Sent!

10 mins later...

Sunod sunod na nagpark ng kanya-kanya nilang sasakyan sa harap ng bahay namin. Maiiyak nako sa tuwa pagkakita ko sakanila. Si Vince ang unang nasulyapan ng aking mata. Sumunod naman si Kenzo na nagwave pa sa akin. At sinundan na ng iba pa. Kitang-kita ko ang ngiti ng bawat isa habang sila'y pababa ng kani-kanilang mga sasakyan. Tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang pitong makikisig na kaibigan ko. Napaisip ako bigla ng kulang ata sila. Binilang ko pa sila gamit ang hintuturo kong nakaturo sa bawat isa sa kanila. Kulang talaga.

Nang sila'y makalapit.
"Happy Birthday our only Princess" paunang bati sakin ni Ryan at isa-isa na nila akong binati.

"Mamaya na yung gift namin ha? Otw palang" hihi sabi pa ni Paul.

"Thank youuu, akala ko di na kayo makakarating e. Teka ano naman yun? Nag-abala pa kayo"

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon