PROLOGUE

63 7 1
                                    

"Bakit ngayon ka lang umuwi ha? Galing ka nanaman ba sa babae mo . Meeting with the client nanaman ba? Inumagang meeting ba yan ha?"

Pagpasok ni papa sa bahay namin ay umakyat agad ito sa kwarto nila na sinundan naman ni mama.

"Ayoko na, sawang-sawa na ako sa ugali mo"
Habang patuloy na naglalagay ng mga damit sa kanyang bag.

"Clyde hindi mo pwedeng gawin to. Pano na ang anak natin.
Clyde may anak tayo. Isipin mo naman ang anak mo" umiiyak na ako dahil hindi ko na mapipigilan ang pag-alis niya.

"Pinilit lang ako ng mommy mong pakasalan ka Megu. Nung gabing may nangyari sa atin. Lasing tayo nun"

"Ginusto naman natin yun Clyde diba?"

"Oo ginusto natin yon pareho, pero alam mong may girlfriend ako at siya ang mahal ko. Mahal ko si Coleen. At hindi kita kayang mahalin kailanman Megu!" humahagulgol na sa iyak si mama pero wala akong magawa para pigilan si papa. Umiiyak na rin ako.

"Vrix anak, mahal na mahal ka ni papa. Mag-iingat ka palagi ha?" hinalikan ako ni papa sa noo at saka tuluyan ng umalis.

Lumapit ako kay mama para patahanin siya dahil yon lang alam kong gawin para maibsan kahit konti ang sakit na dinaramdam niya. Ang damayan siya. Pitong taon palang ako noon kaya naman hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko, sobrang nasasaktan ngayon ang mama ko.
---
Tatlong taon ring hindi halos makakain at makatulog si mama.
Umiiyak lang ito sa kwarto nila. Hanggang sa isang araw nagising ako na sobrang okay na ni mama. Kung gaano siya kalungkot 3 years ago, ganto rin siya kaayos at mukhang okay na siya ngayon.

"Vrix, anak pinaghanda na kita ng almusal mo. Sabayan mo na ako kumain. Dali" tawag sakin ni mama.
"Opo ma, heto na po" sagot ko naman.
At ito na nga yung araw na pinagdarasal ko. Na one day, matatapos rin ang sakit at magiging okay rin si mama.

At mula noon tuloy-tuloy na ang pagiging masigla ni mama. Bumalik na ang mama ko. Yung mama kong malakas at masiyahin. Yung mama kong hindi umiiyak.
--
Kakatapos lang ng misa at nasa labas kami ngayon ng simbahan kasama ko si mama.
"Kukunin ko lang yung sasakyan sa parkingan, dito ka lang ha?" Sabi sakin ni mama. Kaya naman tumango nalang ako.

"Papa I want ice cream yung ube flavor" sabi ng bata na nabubulol pa pero mukhang ka-edad ko lang din. At binilhan naman siya nito ng papa niya. Kasama rin nito ang mama niya.
Tinitingnan ko sila at halatang sobrang saya. Sobrang saya siguro magkaroon ng buong pamilya. Kahawig ng papa ko ang lalake pero hindi ako sigurado kung papa ko nga siya. Baka namimiss ko lang ang papa ko.
Napatingin sakin ang lalake at lumapit sa akin. Inabot niya sa akin ang ube ice cream.

"Gusto mo?" tanong pa nito sa akin.
"Opo, salamat po" sabi ko. "Sobrang bait niyo naman po" niyakap ko siya sa sobrang saya.

"Ganto siguro yung pakiramdam magkaroon ng papa"

Ngumiti lang sakin ang lalake.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong pa nito sakin.
"My name is Vr-"

"I told you never talk to strangers. C'mon, get inside the car" sigaw sakin ni mama kaya sumunod nalang ako.

Galit na galit si mama. "Ma, bakit ka po nagagalit?"

"Wag na wag kang lalapit sa lalaking yon"

"Bakit po?"

"He's your papa, Vrix! Ang gagong papa mo na piniling iwan tayo para sa babae niya"

Nanlumo ako ng makita kong pumatak nanaman ang luha ni mama.
Kung alam ko lang na si papa yon, sana pala linubos lubos ko na yung yakap ko sakanya.
At yun na ang huli naming pagkikita ni papa.

Napalaki ako ni mama ng maayos. Ngunit hindi inayos ang mukha ko.
Nakailang transfer na ako ng school dahil sa pambubully sa akin ng mga schoolmates ko.

Kung bakit ba naman kasi pinanganak na nga akong broken family, pangit pa!
Tila yata napakamalas ko naman. Tampulan ako ng tukso dahil sa wala akong papa, idagdag mo pa ang itsura ko. ***Sigh***

"Kung nabiyayaan kang may itsura, suwerte kana. Pero h'wag na h'wag mo itong gagamitin para tapakan ang kapwa mo tao dahil ang tunay na kagandahan wala yan sa panlabas na anyo ng kahit na sinuman."
-VRIX

DISCLAIMER:

All things included in this book such as name of characters, places, events and incidents are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

For sure, may ma-eencounter po kayong flaws ng story ko. If there is such, feel free to correct me po. I'm willing to do better.😇

PLAGIARISM IS A CRIME! Gawa ka ng sarili mong kuwento!!!

I love writing and so I write!
Happy reading my Aeri's :)
Thank you! 💕

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon