Chapter 19 (I lost my mom)

5 4 0
                                    

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aking paa paakyat sa aking katawan kasabay ng paglipad nito sa aking buhok. Halos isang taon na rin akong nakabalik dito sa Pilipinas. Andami ng nagbago, ang dating bahay namin ay halos di ko na mamukhaan noong unang dating ko. Lumuluma na ito at hindi na naalala pang iparenovate ni mama.

-----
Inalala ko pa nang pagbaba ko sa eroplano'y tila ang sarap sa pakiramdam na nakabalik ako na may dalang ngiti at hindi na muling makakaranas ng pangungutya.

"Its nice to be back" bulong ko sa aking sarili.

Kita ko agad ang magsusundo sa akin dahil sa nakataas na white board na may pangalan ako habang hawak nito.

"Manong, lets go"

"Ma'am Vrix kayo po ba yan?"

"Yes, manong. Tara na po."

"Sige, sige ma'am."

Habang binabaybay namin ang daan, nagtanong ako sa driver kung bakit hindi nakasama si mama sa pagsundo sa akin. Halos isang buwan na rin kasing wala kaming connection bago ako uuwi. I just update her na uuwi na ako, pero secretary niya lang ang tanging nakausap ko. Masyado lang sigurong busy sa work si mama. Well, as usual.

Kasal na nga pala sila ni Joseph, I don't bother anymore kasi gusto naman ni mama 'yon and nakikita ko namang masaya siya with Joseph. Wala naman akong nalaman na hindi maganda sa relasyon nila. Maybe, its just my instinct before who give me those words about Joseph.

"Manong, bakit hindi po nakasama si mama sa pagsundo sa akin?"

"Ah-- ma'am ano po kasi."

"Ano po yun, manong?"

"Sabi po ng secretary ng mama niyo, ideretso ko raw po kayo sa hospital ngayon. Pero kayo po kung sa bahay niyo po muna para makapagpahinga kayo."

My mama is a business woman and also a doctor. So, baka busy pa 'yon. At kaya rin siguro siya nangayayat ng ganon, dahil simula nung umalis ako, bumalik na siya sa pagiging doctor.

"Hindi na po manong, ideretso niyo na po ako sa bahay. Doon ko nalang po hintayin si mama."

"P-pero ma'am--"

"You heard me right manong, pagod po ako. Need ko po magpahinga."

"O-okay po ma'am"

Pinikit ko ang mata ko sabay hagod sa aking sentido. Namiss ko si mama, pero gusto ko nalang muna magpahinga. Ako nalang ang dadalaw sakanya kapag hindi pa siya dumating mamaya.

Pagkarating ko sa bahay, as usual wala akong nadatnan dahil nasa hospital si mama. Si Joseph kaya? Baka nasa work pa 'yon. Tumuloy ako sa aking kwarto at halatang pinaghandaan ang pagbabalik ko. Amoy na amoy ko na talaga ang Pilipinas. Binagsak ko muna ang katawan ko sa kama bago ako maliligo. Nakatingin ako sa kisame at inalala ang nakaraan, hindi na ako ang dating Vrix na kinukutya dahil sa itsura. Hindi na ako ang 'ugly frog' na tinutukoy nila. Maganda na ako, at hindi na nila pwedeng aapakan ng basta basta.

I finished my bachelor degree in America and a fashion  designer now. Hindi ko na basta bastang hahayaan na tapakan at apihin pa ako. Napangiti ako sa naisip kong 'yon.

Umupo ako at nakita ko ang picture frame na nakapatong sa table malapit sa aking kama. Picture namin ito ni Nathan on our first and last date. Kung tititigan ko ang picture ko, ako parin naman pero hindi na makapal ang kilay at hindi na kulot at buhaghag ang buhok. Maayos na rin ang ngipin ko kaya hindi na ako pangit sa paningin ng iba.

"Kamusta ka na Nath? Sana makilala mo pa ako. Nagbalik na ako, at hindi na ako galit sayo. Wala ka namang kasalanan e."

Ngumiti ako sa hawak kong picture frame saka inilapag ito sa table. Handa na akong makita nila. I miss my friends and everyone who became part of my ugly past.

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon