Chapter 11 (Savior)

4 4 0
                                    

VRIX POV

Pagkatapos kong sundan ng tingin si Nathan palayo ay saka naman ako pumasok sa aking klase. Sarado ang pinto namin kaya naman, hindi ko napansin na ongoing na ang klase namin. Tanging mga klasmeyts ko ang nakapansin na kanina pa ako nasa labas ng pinto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang teacher ko sa Mathematics in the modern world.

"You're 10 minutes late Ms. Dela Cuesta" bulyaw sa akin ni Ms. Crisanta Agape.

"I'm sorry Miss" nasabi ko nalang at saka pumunta sa tabi ni Abi.

"At dahil late ka, ikaw ang unang magrerecite para sa recitation natin ngayon"

Tumayo ako at saka nakinig sa tanong ni Miss Agape ng walang alinlangan.
Ramdam kong nilingon ako ni Kenzo na tila nag-aalala sa akin. Pero ako naman ay hindi. Masungit lang talaga si Miss Agape ngunit sigurado naman ako na masasagutan ko ang mga tanong niya.

"It is the earliest calculation tool of the ancient people"

Nagulat ako ng bahagya sa tanong na 'yon dahil sa aking pag-iisip. Tinapik pa ako ni Abi, bilang hudyat na sagutin ko na ang tanong.
Magsasalita na sana si Miss Agape.

"ABACUS" sagot ko.
At napairap naman ito.

"Sitdown" sabi nito saka naman ako umupo.

"Slow clap" sabi naman sa akin ni Abi saka ito pumalakpak ng hindi kalakasan at saka ngumiti ng nakakaloko.

"You really have the brain, huh?" biro namang sabi sa akin ni Kim na ikinatahimik ko nalang.

Nagtuloy-tuloy pa ang recitation hanggang sa matapos ang klase.

"That's all for today. Good bye!" pamamaalam ng masungit na si Ms. Agape.

"That witch!" bulong naman ni Kenzo.

Nayuko lang ako habang iniisip ang nangyari kaninang umaga. Habang nagkkuwentuhan sina Abi, Kenzo at Kim. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang saya ng puso ko to the point na parang sasabog ako pero hindi puwede dahil pangit ako. Nakakalungkot lang sa part ko, na sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin ay tila hindi ko parin magawang maging masaya.
Iniisip ko nanaman ang mga bullies. Panigurado ako, hindi nila tanggap ang nangyari kanina sa hallway.
Paano kung bigla nalang nila akong harangan tapos dalhin nila ako sa rooftop. Omg ano ba itong naiisip ko.

"Lagi nalang pinag-iinitan ng Ms. Agape na yan si Vrix" rinig kong sabi ni Abi.

"Kung hindi nito nilalait, pinag-iinitan sa klase. Menepos na ata kasi. Sabagay, matandang dalaga kaya naman ganyan nalang" bubulong bulong pang sabi ni Abi habnag naglalagay ng notes sa bag niyang Louis Vuitton.

"Buti nalang at brainy itong si Vrix" sabay tingin naman sa akin ni Kenzo.

"Yeah, you're right Ken" pagsasang-ayon din ni Kim.

"Brainy na pangit?" pabiro ulit na sabi ni Abi.

"Jokeeeeeeeeeee. Kanina kapa tahimik diyan. Nabully ka nanaman ba ha? Tell me" pag-aalalang sabi ni Abi.

Tumango lang ako bilang sagot.
Pagkatapos ng subject na 'yon ay vacant na namin. Bale isang subject lang sa umaga tapos hapon na ulit yung dalawa pa.

"Wag ka lang nila ibubully kapag kasama mo ako. They all wrath in hell" sabi naman ni Kim.

Nakakagaan na rin ng loob kahit papaano. I'm so thankful, I have friends like them. Friends who can be with me, despite of my ugly face. They're willing to fight the bullies for me.

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon