Chapter 17 (Revelation)

5 4 0
                                    

A/N: Sulitin ko na mag-update. Ginaganahan ako magsulat. Ayaw kasi pabitin ng isa diyan. Hehe Labyuuuu bitch! <3

Nagising ako sa halakhakan mula sa ibaba, umaalingawngaw sa buong bahay ang hagalpak ng pagtawa ng kung sino man. Panigurado nakauwi na si mama. Minulat ko ang aking mga mata at kinusot kusot. Tiningnan ko pa muna ang aking phone na nasa ibabaw ng mesa katabi ng kama ko. Alas dyes na ng gabi. Ramdam ko rin ang bigat ng katawan at mata ko sa kakaiyak. Idagdag mo pa ang gutom. Kumakalam na ang tiyan ko. Parang gusto kong lumamon ng ramen.
Tumayo ako at humarap sa salamin.

"Namumugto nanaman mga mata mo, Vrix"

"Bakit ba kasi nangyayari to?"

"Bakit ako?"

"Bakit kami?"

Inayos ko ang buhok kong kulot at nagponnytail. Saka nagpasyang lumabas sa akin kwarto para maghanap ng makain. Pagkalabas ko ay kitang kita ko sa my sala namin ang naghaharutang si mama at kung sinong lalaki ito.

"Ma, nakauwi kana pala?"

Nagulat pa sakin ang dalawa at huminto sa harutang ginagawa. Pareho ngayon silang nakatingin sa akin.

"Ahh, ano-- yes anak kakauwi lang namin"

Natataranta pang sagot ni mama. Ito ang unang beses na nag-uwi siya ng lalake after papa left us.
I don't care kung sino man yan, I wish hindi siya katulad ni papa.

Inirapan ko lang si mama saka nagtungo sa kusina. Rinig ko pang sinabi niyang may inuwi siyang food pero hindi ko naman trip 'yon. Malakas parin ang ulan kaya gusto ko kumain ng ramen. Nang makaupo ako, saka lumitaw si mama at ang lalaki.

"Anak, hinintay mo ba akong makauwi. Bat ngayon ka lang kakain ng hapunan?"

"Hindi ma, nagutom lang ako. Mind to tell me kung sino po 'yang kasama niyo?"

Lumapit ito sa lalaki. "Vrix baby, this is Joseph,  I met him sa isang bar."

"Ma! Kelan kapa natutong magbar, ha?"

"Anak, I'm just making fun. Mabait naman itong si Joseph."

Wala na akong pakialam kung naririnig ng Joseph ang mga pinag-uusapan namin.

"Ma, naman pumatol ka sa lalakeng halos kaedad ko? E wala ka palang pinagkaiba kay papa e"

Kasabay ng katagang nasabi ko ay sinampal ako ni mama.

"Wag mo akong igaya sa ama mo Vrix. We'll never be the same. Dahil wala akong iniwan na pamilya."

"Is that it? Totoo naman diba?"

Sinampal niya ako ulit at yun na ata ang pinakamalakas. Napasapo ako sa aking pisngi. Ito rin ang unang beses na napagbuhatan ako ng kamay ni mama. I've always been her baby na ni langaw ay hindi pwedeng dumapo pero ngayon ay tila halos hindi na niya makilalang anak niya ako.

"Stop it, Samantha! Hindi kaba nahihiya kay Joseph?"

Tinititigan ko lang siya habang sapo sapo parin ang pisngi ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko.

"Okay, I'm sorry Vrix baby. I didn't meant it. Its just, hayaan mo akong maging masaya baby. Hindi naman kita iiwan at pababayaan."

"Peperahan ka lang niyan, pagkatapos ay iiwan. Diba ganon ang gagawin mo sa mama ko?"

"No, mahal ko ang mama mo"

"Mahal, ano yan love at first sight? Tignan mo nga itsura ng mama ko, halos anak ka na niya kung titingnan. Tapos sasabihin mong mahal mo? O'cmon Joseph. Katulad ka rin ng ibang lalaki. Katulad ka rin ng papa ko, na iiwan mo rin ang mama ko pag nakakita ka ng bago.

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon