Chapter 14 (Am I inlove with her?)

5 4 0
                                    

A/N: Sorry sa napakatagal na update ng next chapter. Napasobrahan ng busy dahil alam na? Online class, pahirap ng pahirap. Tsaka ongoing kasi ang Finals namin and preparation for our system defense. Wish me luck Aeri's. <3 Will update more chapters after ng finals namin. Promise po. Hehe

Btw, nacreate ko na to bago pa magfather's day. Kaya lang diko napost due to hectic sched at maraming school works.
Soooooo, ito na nga...
Happy reading.
God bless y'all. Mahal ko kayoooo!! <3

NATHAN POV

Pagkatapos ng lunch namin ni Vrix noong nakaraang linggo ay palaisipan parin sa akin ang mga katagang sinabi niya sa akin. Tila isang mantsa na hindi matanggal-tanggal sa isip ko.

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"Ahhhhhhhhhhhh! Ang sakit mo sa ulo, Vrix!"
sabi ko sa sarili ko.

Tumingala ako sa kisame ng aking kwarto pero parang mukha niyang kaawa-awa ang nakikita ko.
Hindi siya matanggal sa isip ko na tila mukha niya ang nakikita ko mula sa kisame at naririnig ko ang mga katagang binitawan niya.

Hindi ko mapigilan isipin lahat. Masyado akong apektado. Hindi ito pwede. Bumangon ako para magbrowse sa aking facebook account. Sinearch ko si Vrix at tinitigan isa-isa ang kanyang mga pictures. Sa ibang anggulo ay may itsura din pala ito. Cute si Vrix, lalo na yung mga pictures siya nung bata siya. Hindi lang kasi pala ayos. Medyo weird tignan pero maganda rin naman siya sa paningin ko. Sinave ko sa aking phone ang ibang mga pictures niya.

"Pangit ka Vrix, pero may igaganda ka kapag nag-ayos ka."

Napangiti ako sa aking nasabi. First time ko atang kiligin sa pangit. Alam niyo 'yon? Habang tinititigan ang mga pangit na litrato ni Vrix ay saka ko naisip ang plano ko bukas. Parang hindi ko na kayang ipagpatuloy ang mga balak ni Jelai sakanya. Parang totoo na 'to. Iba ang pakiramdam ko kay Vrix. Habang nag-iisip ako sa aking magulong isipan at hindi maintindihang damdamin. Saka ko palang nakuha ang antok ko...

"Nath tabi diyan! Matatamaan ka ng bola"
Kasalukuyan kaming nasa basketball court ngayon.

"Bakit ba?"
At paglingon ko ay saka tumama sa akin ang bola.

Kring Kring Kring Kringggggggggg......

Tunog ng aking alarm! Umaga na pala.
Napakamot ako sa aking ulo, sa panaginip na 'yon.
Kaya bumangon na ako agad mula sa aking kama para gumayak dahil susunduin ko nanaman si Vrix. Today is our Foundation day and I decided to invite her to go somewhere. Bale hindi na kami papasok. Malakas naman kami sa school dahil parehong may shares ang parents namin d'on. And besides, hindi pa ngayon ang laro ko ng basketball. Bahala na sila sa opening mamaya. Basta ang gusto ko, makasama ko si Vrix! Si Vrix na hindi na mawala-wala sa isip ko.

Mabilis akong gumayak at narito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila.

I composed a message...

"Baby, I'm here already"

Message sent.

Pagkatapos ko nasent ang text na 'yon ay sumandal pa muna ako sa aking sasakyan at nag-isip.
Kung noon, naaasiwa ako sa itsura niya, ngayon naman ay tila may kumurot sa puso ko. After I witness her na mabully sa canteen parang naawa ako sakanya. Hindi lang basta awa 'yon dahil apektado much ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung laro paba ito. Ang labo!

Parang hindi kaya ng puso ko ang mga nangyayaring pambubully kay Vrix. Yes, masaya ang larong 'yon. Pero kasi, parang hindi na nakakatuwa. Andaming gumugulo sa utak ko, simula pa kagabi.
Parang lahat ng salitang binanggit niya kahapon sa akin ay totoo. I've never felt this way before. No! Never.
I'm confuse.

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"You're my hero, Nath. You're always there for me. I think, I love you Nathan"

"Aishhhhh."
"Ano ba Vrix, bat ba umaalingawngaw sa pandinig ko?"

Napasapo ako sa aking noo ng hindi ko malaman.
Sumasabay sa hangin ang mga salitang iyon ni Vrix na paulit-ulit sa aking pandinig.

"Kagabi ka pa!"
Sabay tadyak ko sa mga batong nasa aking paanan.

Mahal ko si Jelai, oo tama, si Jelaica Faye Flores ang mahal ko at tanging mamahalin ko. Yun ang malinaw sa akin. Napaayos ako ng tayo ng maaninag kong papalabas na si Vrix sa kanilang gate.

UnlovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon