CHAPTER 15
AYON NA NGA mag sisimula na ang pasukan at dahil parang da-flash si Tita sa bilis nyang naayos agad ang mga papeles ko sa paglilipat ng school.
Hindi ko nga aakalaing marami pala daw syang koneksyon. Ikaw na 'ta!
Kanina pako hindi mapakali habang nakaupo sa may backseat at nag hihintay sa prinsepeng damulag na sumakay.
It's been One hour nga and still hindi parin sya tapos. Nakakaloka, parang babae rin e. Nalampasan nya pa talaga ako ng oras. 30 minutes nga lang ang pinaka matagal na oras ng pagligo ko tapos sya isang oras! Kalokaaa!
Ay ano ba? Bat' sya nalang palagi iniisip ko.
Kaya pinilit ko nalang na mag isip ng iba.
3 days ko na kase syang iniiwasan and now nga sasabay ako sa driver nila para pumasok.
Ay ano ba!
Kilangang tatagan ko ang loob ko at pigilang bumukaka para hindi sya pansinin. I mean iyong bibig ko, wag kayong ano jan.
Ilang minuto nga rin ay sabay silang dalawa ni Kuyang driver na pumasok.
Dagli-dagli akong tumingin sa right window ng sasakyan at sumiksik roon na parang kabute.
Pinilit kong itoon ang atensyon ko sa bintana habang nakikiramdam sa katabi kong iwan ko kung ano na ang ginagawa.
"Rue..." mahinang bulong nito.
"Ay pussy cat! Ano ba?! 'Bat kaba nang gugulat!" malakas ko syang hinampas at itinulak.
Ang lapit-lapit ba naman kase ng mukha. Baka isipin pa ni kuyang driver na may something. Something talaga?
"Hahaha... Ang kyut mo parin kahit gulat," hmp!
"Alam ko kaya wag mo ng ipaalala," sabi ko sabay irap at balik ng tingin sa bintana.
"Hoy, ngayon na nga lang tayo nag-usap 'di mopa ako kayang tignan," malungkot ang boses na sabi nito. "Alam mo bang tiniis ko na hindi mo pansinin upang mabigyan ka ng oras to think about sa sinabi ko, gustong-gusto na nga kita ikama kahapon kaso sinasadya mong hindi tayo mag-kita." malungkot na bulong nito.
Aba talagang kalibogan lang ang iniisip ng kumag nato.
"Ikaw napaka ano mo talaga no, pwede ba huwag mokong kausapin kung puro kabastusan lang rin naman yang lalabas sa bunganga mong yan tsaka kapag may narinig ako jang bastos talagang habang buhay mo na akong hindi makakausap," hiningal pa ako 'don ah. Hmp! Kala nya naman pogi sya!
"Grabe ka naman sakin," malungkot pa nyang sabi sakin. Nag mumukha lang syang tipaklong!
"Sssssk!" pinanlakihan ko sya ng mata.
"Opo master," hindi ko tuloy mapigilang matawa ng makita ang cute nyang reaksyon.
Anong cute! Sinong may sabing cute sya.
Muka nga syang asong pinagalitan kase. Cute ba yon?
Ay putk ano ba!
"Bakit ka tumatawa?" nagtataka nya namang tanong.
BINABASA MO ANG
Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]
Lãng mạnWarning: Matured Content R18 Read at your own risk!!! Dalawang taong maninirahan muna sa ibang bansa ang Ina ni Rue upang ayosin ang gulo na meron sa kompanyang inihalintana ng lolo nito sa Ina. Kaya napilitan syang makitira sa kapatid ng kanyang in...