C H A P T E R [2]

7.2K 183 15
                                    

CHAPTER 2

HINDI ko alam kong bakit nakakaramdam ako na parang kinakalikot ang aking tiyan at parang may mga buhay na paro-paro nag liliparan sa loob. Subra ring bilis ng kabog ng dibdib ko at ito lang ang tanging naririnig ko.

Hanggang sa mas ilapit pa nga ni Drake ang kanyang mukha kaya pinili ko nalang napumikit at maghintay sa susunod na mangyari. Nang wala parin akong maramdaman ay pinili ko nalang magmulat at ang nakangising si Drake ang agad na nasilayan nang aking mga mata. Kakaibang ngisi ito.

Isang pulgada nalang ang distansya ng aming pagmumukha ng bumulong ito. "I already found it," ngiting matamis niya.

Tanging pag lunok lamang ang nagawa ko. Hindi ko maintindihan pero parang nag iinit ako. Mas lalo kong nasisilayan ang napaka perpekto nyang mukha sa malapitan. Kakaiba talaga ang titig nya, parang inaaanyayahan ako na ito'y aking halikan. Inis kong iniwaglet ang nakakadiring nasa aking isipan. Nag ipon muna ako ng lakas.

Nginisihan ko sya na kanya namang ikinangiti ng matamis. Masama ko syang tinignan at ini-ready ang aking sarili at malakas syang itinulak. Pero yun pala ang inaakalang sya'y mahuhulog sa sahig at mapaaray ay kami palang dalawa. Nadala nya ako dahil sa katangahan ko! Hindi ko man lang naisip na mahigpit pala syang nakayakap sa akin. Grrr... Ang laki mong tanga!

Napaigtad nga sya sa sakit, rinig ko pa ang pag kahulog ng likod nya sa matigas na sahig. Nakayakap lamang ang dalawa nitong braso sa aking bewang na parang prinoprotektahan ako sa kung saan kaya nang tignan ko ang mukha nya. Nakonsensya ako. Nakangiwe ito habang iniinda ang sakit nang pagkabagsak sa sahig.

Hindi ako nakaramdam ng sakit kahit kunti dahil sa kanya. Nakapatong kase ako dito. "O-okay kalang Drake?" nag-aalala kong tanong.

Dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata at ngingisi-ngising tinignan ako. Nakaramdam agad ako ng inis, nagaalala na nga iyong tao ngingisihan nya pa kaya mabilis akong bumangon sa pagkaka patong sa kanya na ikinahiyaw nya.

Natuhod ko sya. "Araaaaaaay!" imikot-ikot sya habang nakahawak sa kanyang harapan. "Ansakiiiit! Mababaog na ata ako..." daing nya. Mukhang nasaktan talaga sya dahil pinamulahan sya ng mukha!

"S-sorry, ka-kasalanan mo rin naman!" sabi ko at natatarantang umalis sa sala.

Mabilis akong napa akyat sa ikalawang palapag at pumasok sa malapit na pinto. Napahawak ako sa dib-dib ko habang hinihingal. Pucha talaga yang si Drake! Inis kong isip-isip napapatadyak pako.

Lumakad ako ng ilang dangkal ang layo sa pinto habang iniisip pa rin ang pangyayaring iyon.

Hindi ako maka paniwala nakaya nya akong i-prank nang ganon. Pwes! Hindi ko sya uurongan bukas, pasalamat syang pagod ako. Lintik lang ang walang ganti! Lalatayan ko talaga sya! Sabi ko ulit sa isip.

"Mamaya kalang Drake! Grrrrr..." inis kong bigkas.

"Bakit anong gagawin mo saakin mamaya?" sabi ng boses sa aling likod natataranta naman akong napalingon sa nagsalita.

Nabanga pako sa matigas nitong dibdib. Kaya umatras na lang ako habang sya naman nag sisimula ng umabante.

Jusko na panuod ko na 'to. I need to plan something. Napalinga ako sa kaliwa. No, sa kanan. Yes! Magtatago ako sa CR. Tatakbo na sana ako ng mabilis ako nitong mahawakan sa magkabilang balikat. Iniharap nya ako sa kanya. Anong plano mo Drake?! Hindi ko sya tinignan kaya hinawakan nya ako sa baba at ipinaharap nga sa kanya. Nagtagpo ang aming mga paningin kaya kumalabog naman ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Unti-unti ko nanamang naramdaman ang parang may paro-paro sa tsan. Ano ba 'to bat ako nagkakaganito?

Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon